Twelve

649 37 41
                                    

Apple: LLUUKKEE!!!

Halos mapatalon si Luke sa gulat ng marinig niya si Apple.

Luke: Ka.... Ka.. Kanina ka pa ba jan Mahal?

Utal utal na tanong ni Luke sa kanya.

Apple: anong nangyayari sayo Luke? Pati ba naman cellphone mo pinag disiskitahan mo? Hindi ka naman dating ganyan...

Luke: pasensya kana Mahal, sobrang naiinis lang ako sa mga kasamahan ko. Ayaw nila akong tantanan...

Apple: Mukhang hindi na healthy sayo yang trabaho mo..sinubukan mo na bang kausapin si Heaven? 

Luke: I did, pero ang dami   nyang dahilan,  kesyo pumirma daw ako sa kontrata,obligasyon ko daw tapusin ang  kontrata ko, at kung nu ano pa..

di na namamalayan ni Luke na  napapagtaasan na nya ng boses ang asawa..

Apple: Okay fine.. Relax Mahal,hindi ako ang kaaway mo dito..

Pagpapakalma ni Apple  sa asawa..

Luke: I'm sorry..

halos hindi na mabilang kung maka ilang beses ng nag sorry si Luke mula kanina.  patuloy pa  din sya sa  pagiging balisa. Nakaramdam ng pag aalala si Apple kaya minabuti na nito na lapitan ang asawa..hinawakan nito ang mukha ni Luke at hinaplos haplos ang pisngi..

Apple: Mahal,, makinig ka.. Kung ayaw kang payagan ni Heaven na umalis.. Wag kana mag alala, kasi sasamahan kita dito. Hindi na muna ako babalik ng Maynila..

Luke: Papano ang mga bata Mahal? Wala na nga ako doon pati ba naman ikaw mawawala pa sa tabi nila?

Apple: Huwag kang  mag alala Mahal, andun naman si Momy at si Tita Beth... Tsaka pansamantala lang naman, malapit na din ang bakasyon kaya na isip ko. Total naman andito ka lilipat nalang kami dito pati na din mga bata.. Kahit hindi mo man sabihin sa akin ngayon ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, dama ko na ngayon mo ako mas kailangan.. Kapag ready ka nang pag usapan yang problema mo, lagi mo tandaan handa akong makinig at tulungan ka. Kaya sana wag mong solohin yang problema mo Mahal. Andito ako oh.. Kahit ano pa man yan, haharapin nating dalawa yan ng magkasama. Mahal na mahal kita Luke at sobra sobra akong nasasaktan na makita kang nagkakaganyan..

Hindi na napigilan ni Apple ang maluha, kaya agad syang niyakap ni Luke. Wala ng narinig na sagot pa mula kay Luke sa lahat ng sinabi ni Apple,siniil na lamang niya ng halik ang asawa. Marahan, hanggang sa nag umpisa ng maglaro ang mga labi ni Luke. Ramdam ni Apple sa mga halik ng asawa ang pangungulila nito kaya tumugon na ito sa bawat halik ni Luke..

Dahan dahan ay dinala na ni Luke ang asawa sa higaan at nag umpisa ng maglaro ang mga kamay nito sa ibat ibang parte ng katawan ni Apple. Patuloy pa din sila sa paghahalikan na halos nag aagawan na sila sa paghinga. Maya maya pa ay kumawala si Luke sa labi ni Apple at bumulong..

Luke: sobrang miss na miss kita, i love you so much..

Apple: sobra sobra din ang pangungulila ko sayo Mahal. Ngayong andito na ako, pangako ko sayo hinding hindi na ako aalis sa tabi mo.. I love you..

At muli ay siniil ni Luke ang asawa ng halik at ng gabing iyon ay muli silang pinag isa ng kanilang pagmamahalan...

Alas dos ng madaling araw ng magising si Luke. Agad itong napabangon sa pag aakalang panaginip lang ang mga nangyari sa kanila ni Apple.  Nang magawi ito sa bandang kanan ng kama, nakita nya ang asawang mahimbing sa pagkakatulog.. Napangiti ito at dahan dahang niyakap si Apple..  hinaplos niya ang buhok nito at bumulong..

Luke: I love you Mahal...

Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay napahiga nya ang ulo sa kama at muli naalala nanaman ang gabing nagpabago at maaring makasira sa pamilya nyang matagal na nyang pinaka iingatan..

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon