Two

1K 38 1
                                    


"Goodmorning Manang..." nakangiting bati nito sa kanilang kasambahay.

"Goodmorning din Apple. Napaka- gandang ngiti naman nyan sa umaga? Kamusta ang 2nd honeymoon? Madadagdagan naba sila Angelo at Angel?"

"Manang talaga oh.. kung pwede nga lang po sana.. kaso ipinagbawal na ng doktor sa akin dahil nahihirapan ako kapag nagbubuntis. Buti na nga lang po at 2 in 1 ang panganganak ko sa kambal.."

"Oo nga pla.. sya nga pala iha bakit ang aga mo naman atang gumising? Di kaba napagod sa biyahe nyo kahapon? Isa pa wala naman ang mga bata dito.."

"Hindi naman ako napagod Manang.. lulutuan ko lang ng breakfast si Luke. Sobrang magiging busy sya sa office kasi nga ilang araw syang naka leave. Pababaunan ko na din sya ng favorite nyang vegetable salad para kahit papano eh may pampa- energize sya.."

"Hay naku Apple, napaka swerte talaga ng alaga ko sayo. Bihira nalang ang mga tulad mong hands on sa pamilya nya..."

"Ay sus si Manang nang echos pa talaga.. kami po ang maswerte sa inyo kasi kahit na may mga anak na si Luke ay di pa din po ninyo kami iniwan. Hindi nyo na nga po naisip mag asawa eh...".

"Itong batang to talaga. Napaka bait ng pamilya Barber kaya sa sobrang wili ko sa kanila nawala na sa isip ko na hanapin si Mr. Right. Hay naku ka Apple kung anu ano na lumalabas sa bibig ko. Oh sya ano nga pala ang lulutuin mo at ng mailabas ko na sa ref..."

"Hahaha... yung tapa nalang po. Tapos mag sasangag ako then fried egg. Paborito kasi ni Luke yan eh."

"Ay naku sinabi mo pa. Napaka sarap mo nga magluto eh. Pati yung pag marinate mo sa tapa the best.. kaya napapakain si Luke ng madami eh, nakakalimutan nyang magdiet.."

"Hahaha binola mo pa talaga ako Manang ah... magpahinga na po muna kayo. Sabi ko po sa inyo wag po kayong gumigising ng maaga. Dapat nagpapahinga lang kayo..."

"Etong batang to talaga, ano ako siniswelduhan nyo para matulog? Ay naku di yan pwede sa akin. Tsaka kahit may edad na ako malakas pa din naman ako.. mas nananakit ang mga katawan ko kapag nakahiga lang.nakakahiya na nga sayo eh ikaw naman halos ang gumagalaw dito eh.."

"Manang naman alam mo naman na ikaw ang Nanay namin dito ni Luke sa bahay. Masaya ako na kahit wala akong mga magulang anjan kayo pra alalayan kami ni Luke at ng mga bata. Masaya na ako don.."

"Ke aga-agang bolahan naman ito. Sige na ako na ang maghihiwa ng mga pang sahog mo. Baka bumaha pa ng luha dito..

Mula pa ng maliit pa si Luke ay si Manang Lusing na ang nag alaga dito. Dating marangya ang buhay nila Luke pero ng pumanaw ang ama nito ay halos na-ubos ang lahat ng ari-arian nila dahil sa pagpapagamot sa kanyang ama, na nang lumaon ay namatay din. Kahit na naghihirap na sila Luke noon ay di pa din nya iniwan ang pamilya. Kaya ng magsikap si Luke, muli ay nakabawi ito at natatamasa muli ang maayos at maginhawang buhay.

"Goodmorning Mahal.. rise and shine.. gising kana papasok kana ngayon diba?" At pinugpog ni Apple ng halik ang asawa... "Mahal.. sige ka ikaw din malalate kana.."

Akala ni Apple ay di pa din nagigising ang asawa kaya ikinagulat nya ng bigla syang hilain nito sa kama at niyakap ng sobrang higpit.

"Hoy, mahal ano ka ba amoy kusina ako oh.. bumangon kana..."

"Okay lang Mahal nakakabusog naman yung amoy mo. Hulaan ko homemaid TAPSILOG ang almusal ko ano?"

"Hahahahaha... ang galing naman manghula ng asawa ko.. opo Tapsilog na may mainit init na kape kaya bumangon kana at makapag almusal na tayo. Andun na si Manang Lusing isabay na natin syang mag almusal..."

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon