Manang Lusing: Mam Cathy, Mam Cathy..M. Cathy: Oh Lusing anong nangyayari sayo at hinihingal ka?
Manang Lusing: Naku anjan si Heaven sa labas at kanina pa nangungulit na gusto daw nya makausap si Luke.
M. Cathy: Ano? Baliw na talaga ang babaeng yan. Mapuntahan nga..
Heaven: Luke... Luke.. Luke!!! Lumabas ka. Alam kong anjan ka lang at wag na wag mo akong pagtaguan. LLLUUKKEE!!!!
M. Cathy: Heaven! Ano bang nangyayari sayo at nag eeskandalo ka!
Heaven: Hey Tita.. Long time no see. I miss you..
M. Cathy: At sana hindi kana nagbalik. Ginulo mo lang ang takbo ng buhay ni Luke at Apple.
Heaven: Tita naman, ganyan agad bungad mo sa akin? Hindi mo man lang ba ako papapasukin?
M. Cathy: Kung tao kang pumunta dito baka pwede pa kitang papasukin. Kaso asal hayop kang umasta kaya wag nalang baka magkalat ka pa sa pamamahay ni Luke.
Heaven: Ay oh! Grabe ka naman sa akin Tita, para namang wala tayong pinag samahan. Matagal tagal din naman kami ni Luke noon Tita, 3 years din kaming nagmahalan tapos ganun ganun mo nalang akong talikuran?
M. Cathy: Ano bang masamang hangin ang nagdala sayo dito?
Heaven: Tita, ganyan ka na ba tumanggap ng bisita? Lakas maka bastos!
M. Cathy: Ay sorry ha? Bisita ka pala? Hindi mo naman sinabi agad. Ngayon lang kasi ako naka encounter ng bisitang nasa gate pa lang, para ng asong tahol ng tahol dahil ayaw pagbuksan ng pinto.
Heaven: Your so mean Tita, nasaktan ako sa mga sinabi mo. Mukha na ba akong aso sa paningin mo?
M. Cathy: Hindi ka mukhang aso Heaven, asal asong kalye to be exact. Ano ba ang kailangan mo?
Heaven: Whatever! Asan nga pala si Luke?
M. Cathy: Wala sya dito!
Heaven: Sus maniwala ako sayo. Wag nyo na sya itago sa akin kasi kahit nasan man sya mahahanap at mahahanap ko din sya.
M. Cathy: Mahirap bang intindihin ang sagot ko na wala sya dito?
Heaven: Fine! Fine! Kung wala sya dito asan sya? Dali! Gusto ko syang makita at maka usap na din. Masyado na nya akong tinitiis at namimiss ko na sya ng sobra.
M. Cathy: Heaven, nababaliw kana ba? Maka asta ka dinaig mo pa si Apple. The nerve! Mahiya ka nga!
Heaven: Tita kanina ka pa ha, baka nakakalimot ka apo mo tong ipinagbubuntis ko. Pinapa alala ko lang.
M. Cathy: Alam mo naawa ako sa anak mo at magiging anak mo. Napunta sila sa isang inang napaka iresponsable at walang ibang inisip kundi ang sarili lang nya.
Heaven: Wala kang karapatan na husgahan ang pagiging ina ko, dahil unang una hindi mo ako kilala pangalawa hindi ka perpekto, kaya itikom mo yang pasmado mong bibig tanda!
M. Cathy: Bastos ka! Hindi ako perpektong ina, pero di naman ako desperadang tulad mo! Alam mo pasalamat ka nalang at mabait si Apple. Napakalawak ng isip nya para intindihin ka at ang sitwasyong meron kayong tatlo. Kasi kung ako ang nasa kinalalagyan nya, patawarin ako ng Dyos baka mabugbog pa kita at kung ano ang magawa ko sayo at baka hindi kita tigilan hanggat hindi ka nakukunan.
Heaven: Hahahahaha... Oh sige! Paki sabi nalang kay Apple thank you. Total naman at naiintindihan nya ang sitwasyon. Baka pwede pakisabi naman Tita lubos lubusin na nya. Pakawalan na nya si Luke at ng hindi na din naman na kami nahihirapan..
BINABASA MO ANG
When Love Hurts...
Fanfiction5 years na naging mag kasintahan sila Luke at Apple ng mag desisyon silang magpakasal. Naging masaya at puno ng pagmamahal ang 10 taon nila bilang mag asawa. Nagkaroon ng matalino, masayahin at magagandang kambal. Larawan sila ng masaya at halos per...