Twenty Four

868 47 26
                                    

Apple: Excuse me, Paulo? Paulo Cruz?

Paulo: Yes?

Apple: Hi... Remember me? Apple Dale Entrata, way back in College?

Paulo: Classmate ba kita dati or Ex? Sorry ha hindi lang talaga kita matandaan..

Apple: Ay hala, grabe ka naman sa Ex. Hindi.. Si Luke John Barber naalala mo ba sya?

Paulo: O.. Oo naman... Siya ba ang nagpadala sayo dito?

Apple: Ah hindi.. Paulo can I invite you? I mean coffee lang, kahit jan lang sa malapit. Gusto lang sana kitang makausap. Kung hindi sana abala sayo..

Paulo: Sure! Paano ba ako makakatanggi sa isang magandang binibini na tulad mo...

At kumindat pa ito kay Apple na halos napandilatan nya.

Apple: Correction ha, ginang na ako at hindi binibini. Mas mabuti na yung klaro tayo dito.

Paulo: Talaga ba? Pwera bola ha, hindi halata. You make me puzzle. Tara at ng mapag usapan na natin yang gusto mong pag usapan..

Pagkapasok nila sa coffee shop ay agad naman syang inalalayan ni Paulo sa pag upo..

Apple: Thank you..

Nakaramdam si Apple ng pagkailang sa kanya.

Paulo: Cappuccino or Machiatto?

Apple: Tubig nalang please.

Paulo: You invited me here, tapos tubig lang oorderin mo? Yung totoo Miss anong trip mo?

Apple: (Ay iba din itong Paulo nato, mayabang na sama pa ng ugali. Papanong nahumaling si Heaven sa kanya? Grabe...)

Naibulong ni Apple sa sarili.

Apple: Ah.. Pasensya kana ha, bawal kasi talaga akong magkape. Naisip ko kasi na makakapag usap tayo ng maayos kapag dito tayo pumwesto.

Paulo: Okay! Ah  waiter, isang kapeng barako. Mukhang kailangan ng katawan ko yun ngayon. Mapapasabak ata talaga ako sa hulaan nito.. Masyadong misteryosa ang kadate ko ngayon..

Sabay baling nya kay Apple. Hindi na niya nagugustuhan ang inaasta ng lalaki kaya pinagtaasan nya ito ng kilay..

Apple: Mukhang hindi ka din mahangin na tao eh, ano? Balak ko sana makipag usap sayo ng maayos kaso mukhang hindi uubra sayo.

Hindi na napigilan ni Apple ang sarili at napagsalitaan na nya ng di maganda si Paulo na tahimik lang at nagmamasid sa kanya.

Apple: Okay, andito ako para kay Heaven at asawa ako ni Luke..

Paulo: Ah.. Now I remember you. Ikaw yung famous sa university natin way back in college dahil sa galing mo sa modeling industry. Pero dahil sa sobrang pagmamahal mo kay Luke tinalikuran mo ang umuusbong mong karera para sa kanya. Wow, what a nice and inspiring story huh!? Hindi kita nakilala, kung maganda ka noon mas gumanda ka ngayon.

Apple: Wow.. Akala ko hindi mo ako kilala pero sa mga sinabi mo mukhang nasubaybayan mo kami ni Luke.

Paulo: Masyado kayong tinitingala ng mga ka batch natin dahil sa napaka ideal couple DAW kayo. Pero its been 14 or 15 years since then pero tingnan mo nga naman ang layo na ng narating nyo. Samantalang karamihan sa mga ka batch natin mga hiwalay na sa asawa. Well ngayon naniniwala na ako na perfect example kayo ng perfect couple. So total tapos na nating mapag usapan yun about sayo, what about Heaven? Pinapunta ka ba ni Heaven para kausapin ako at kumbinsihin ako?

Huminga na muna si Apple ng malalim bago nagsalita...

Apple: Mukhang sa tono ng pananalita mo, aware ka naman pala sa kalagayan ni Heaven.

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon