Eighteen

726 49 16
                                    

Apple: Okay.. So airport, anong ginagawa natin dito? Tsaka parang ang OA naman sa dami ng mga bagahe natin Mahal? Saan ba talaga ang punta natin? Tapos hindi pa natin sinama si Momy Cathy...

Luke: Alam mo Mahal sobrang cute mo. Kaya sarap mo laging sorpresahin eh. Your reaction is priceless...

Angel: Pa, Ma lets go!

Aligagang tawag ni Angel..

Apple: Naku mukhang napapagka isahan nyo akong tatlo ha, wala talagang nagsasabi kung saan ang punta natin.

Angelo: Don't worry Ma, pagkatawag ng flight number natin siguradong maririnig mo saan talaga ang punta natin..

Luke: Halika na Mahal, ng matapos na yang pagtataka mo...

Ilang minuto din ang inantay nila ng mai announce na ang flight number nila Apple na biyaheng Camiguin..

Apple: Oh my God. Totoo ba?

Tulad ng inaasahan ay sobra sobrang natuwa si Apple.

Luke: Yes Mahal, its been a while... Actually I was thinking a trip out of the counrty pero mas gusto ng kambal sa hometown mo daw so they can pay a visit sa puntod ng Mama at Papa mo.

Angel: Yes Ma, idea namin yung dalawa nI Angelo. Atleast may idea na kami sa ganda ng Camuguin, nakaka excite kasi lahat ng kwento mo Ma.

Angelo: Happy Ma?

Apple: Oo naman,, sobra kung alam nyo lang. Thank you...

Luke: Lets go!

Habang nasa byahe ay nakatulog si Angel at Angelo..

Apple: Mahal. Thank you ha? Sobrang na appreciate ko to. Malaking tulong to kahit papano na mag travel at mag unwind. Alam mo yun, fresh air isama mo pa yung ganda ng lugar makakapag reset mga utak natin don.

Luke: Anything for you Mahal. Buti nalang talaga at nakinig ako sa suggestion ng kambal.

Apple: Ang swerte natin sa mga anak natin Mahal.

Luke: Sobra Mahal... Kanina Mahal, nag kausap kami ng mga bata. Sobrang perfect ko pala sa paningin nila. Pero hindi nila alam na may nakatago akong sikreto, na kapag umabot sa kaalaman nila posibleng magpabago ng pagtingin nila sa akin. Nasabi nga ni Angel sa akin kanina,, na kapag nalaman nyang nagloko ako at nasaktan kita, they will hate me forever, and i know they mean it. Hanggang ngayon hindi nawala sa isipan ko yun. Natatakot ako Mahal, kapag dumating ang araw na mangyari yun hindi ko na alam saan ako pupulutin, malamang magiging patapon na ako.

Apple: sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari yun? Sa ngayon Mahal, gawin natin lahat wag lang muna nilang malaman.. Protektahan natin sila sa abot ng makakaya natin, mga bata pa sila. Alam naman nating pareho na matalino sila, pero kahit sa papanong paraan pa natin ipa intindi ang lahat isang bagay lang ako sigurado,, yun ay ang masasaktan lang sila.

Luke: Salamat Mahal ha? Hindi ko alam kung anong nagawa ko para bigyan mo ako ng abot langit na pagmamahal at pagintindi. Thank you.

Apple: Lagi mo lang tandaan Mahal, walang ibang dahilan kundi ang sobra sobrang pagmamahal ko sayo.  At alam kong malalampasan natin to dahil mahal na mahal natin ang isat isa...

Luke: Mahal na mahal kita,,,

At binigyan ni Luke si Apple ng halik sa noo.
Ilang oras din ang nakalipas ng marating na nila ang Camiguin..

Angel: WOW.. As in..seriousely  ganito pala kaganda dito Ma?

Angelo: Feels like heaven Ma..

Napa iling iling na lamang si Apple ng marinig ang Heaven sa anak. Hindi man sadya ay nakaramdam pa din ito ng inis ng marinig  iyon.

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon