Twenty Two

696 40 53
                                    


A/N: Sa mga beshy ko jan, ipapaalam ko lang po na ang mga susunod na eksena ng chapter na to at sa mga susunod pa ay gawa lamang ng emahenasyon ko. Kaya sana sabayan nyo nalang ako salamat😉

Ilang buwan na din ang nakakalipas magmula ng patawan ng TRO si Heaven upang hindi na niya magalaw pa si Apple. Kahit papano ay hindi na sya nilalapitan nito pero may paminsanang pang gugulo pa din itong ginagawa hindi man kay Apple kundi derektang kay Luke. Hanggang sa isang araw...

Apple: Hello Mahal, ikaw talaga. Nasa meeting ka kasama ang Tito mo tapos ikaw itong panay ang tawag. Sige ka mamaya ma inis yan sayo mag back out pa.

Luke: Hindi yan. Akong bahala..

Apple: Hay naku Mahal naman...

Luke: Kamusta ang check up mo Mahal? Ikaw kasi sabi ko naman sayo samahan na kita at magpa re-sched nalang ako ng meeting. Maiintindihan naman yun ni Tito.

Apple: Mahal naman. Kaya ko ang sarili ko. Tsaka mag focus ka nga jan sa ginagawa mo. Hindi porket Tito mo yang ka sosyo mo, mang aabuso na tayo.

Luke: Grabe ka naman sa abuso Mahal. Sige na hindi din magtatagal itong tawag ko. Gusto ko lang malaman kamusta ang resulta ng mga lab test mo and please ayaw ko ng maglilihim ka nanaman sa akin.

Apple: Opo, wag ka mag alala Mahal hindi na ma uulit yun. Okay naman lahat ng result Mahal pati na ECG ko kaya wala na tayong dapat alalahanin. Kelangan ko lang daw mag relax at magpahinga.

Luke: Hmm.. Totoo ba yan Mahal?

Apple: Opo, dala ko naman lahat ng result ipapakita ko sayo mamaya, resibo na nagsasabi ako ng totoo. Kaya kumalma kana jan.

Luke: Good! Pag ka uwi mo sa bahay magpahinga kana agad at ako na ang magluluto pag uwi ko..

Apple: Pero...

Luke: Wala ng pero, pero. Please Mahal kahit ngayon lang

Apple: Hindi mo pa nga ako pinatapos sa sasabihin ko. Ang sabi ko papayag ako pero dapat ang lulutuin mo ay ang paborito kong sinampalokang manok. Hehehe namiss ko ng kainin yun Mahal. Kelan mo pa ba ako huling ipinagluto non. Nasa Camuigin pa tayo.

Luke: Sus, yun lang ba sisiw sa akin yan Mahal. Your wish is my command. Oh sya Mahal ingat ka sa pag uwi. And please magpahinga ka. After nito uuwi na din ako agad.

Apple: Thank you Mahal. I love you...

Luke: Mas mahal kita Mahal.. Bye..

Apple: Bye Mahal..

Habang naglalakad si Apple ay napansin nya ang paparating na si Heaven. Alam nyang mali pero pinili nyang sundan ito.. Habang naglalakad siya ay napansin nyang pumasok si Heaven sa..

Apple: Cancer Area? Anong gagawin ni Heaven jan?

Nang masiguro nyang nasa loob na si Apple ay sinundan pa din nya ito. At swerte namang bukas ang pinto at nadidinig nya ang pinag uusapan ni Heaven ng doctor..

Heaven: Anong kalokohan ito? Kailangan ko pa talagang sadyain ang area nato, busy akong tao at madami akong ginagawa kaya ayaw ko ng madaming pasikot sikot at kalokohan!

Doctor: Mrs. Smith, kumalma po kayo. Wala pa nga po akong nasasabi sa inyo ganyan na agad ang reaksyon nyo? Pwede namang makinig na muna kayo!

Heaven: Kung ano man yan umpisahan mo na! Siguraduhin mo lang na may sense lahat ng sasabihin mo. Kundi kaya kong patanggalan ka ng lisensya.

Doctor: Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo. Kung hindi ko lang kaibigan ang OB mo.. Well sige gusto mo ng derechan! May leukemia ka. And whats worst? Hindi basta basta ang klase ng leukemia ang tumama sayo, may Lymphoblastic Leukemia ka. At gusto ko lang ipaalam sayo ito ang klase ng kanser na mabilis kumalat sa dugo..

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon