Thirteen

620 43 28
                                    

Maagang umalis si Luke dahil may maaga daw itong meeting kaya naisipan ni Apple ang maglinis ng apartment nila. Napahinto ito ng may magdorbell..

Apple: oh! May nakalimutan ata syang  dalhin...

Pagkabukas nya ng pinto ay talagang na sorpresa sya ng bumungad sa kanya si Elisse..

Elisse: Goodmorning....

Apple: Oh my.. Ate totoo ba to?

Halos namilog ang mga mata nito sa sobrang pagka sorpresa..

Elisse: Opo totoo ito,totoo ako. Hahaha kalokang bata to.

Apple: Halika ate pasok,pasok.. Kelan kapa dumating ate?

Elisse: Actually, kakadating ko lang talaga, nag check in na muna ako sa hotel then iniwan ko gamit ko saka ako nagpunta dito, buti nalang talaga at hindi mahirap tuntunin itong apatrtment nyo..

Apple: Kaya pala panay ang tanong mo nung isang araw pa tungkol sa address ko. Iba ka ate.. Sya nga pala  anong ginagawa mo dito sa Cebu ate?

Elisse: Ahm.. Magkakaroon ng fashion event ang Lola Cora natin dito. Nauna lang ako at may mga inaasikaso pa sya doon. Alam mo naman yun masyadong workaholic. Ewan ko ba sa babaeng yun, mukhang wala  na talagang balak hanapin si Mr. Right. Alam mo yun parang kontento na sya sa pagiging single nya..

Apple: Hindi naman natin sya masisi ate sobrang nakakatrauma naman talaga yung ginawa ni kuya Tanner sa kanya. Tsaka iba na kayo ngayon huh,may mga pa event na kayong ganap.. Sya nga pala ate gusto mo ba ng kape,or juice?

Elisse: Ay naku wag na. Ang gusto ko mag bihis ka samahan mo akong rumampa. Gagala tayo.. Bilis.... After ng event balik agad kami ng Manila. Ang daming naka line up.. Kaya ngarag is real. Teka Apple bakit hindi ka kaya mag part time ulit sa modeling?

Apple: Hay naku ate.. Matagal ko ng tinalikuran yan, happy naman ako sa profession ko ngayon..

Elisse: mukha nga..oh sya sige na magbihis kana.

Apple: sige ate wait lang ..

Elisse: wow! Kabog! Iba ka talaga Apple. Simpleng leggings at shirt lang dalang dala mo! How to be you po? Infairness wala pang diet at gym yan. At kung anu ano pang iniinom. Ikaw na ang pinagpala.. Ako,, susme halos ma over dose na ata ako sa kalalak lak ng mga dieting pills. Ginugutom ko pa pati sarili ko. Oh my God pati pag gi-gym kina career ko na. Hano nah?

Apple: Hahaha nababaliw kana talaga ate. Ang dami ng  pambobola ang inabot ko sayo gutom lang yan, kaya halika na...

Kaya hinila na nya agad si Elisse palabas ng bahay..

Apple: Kaninong sasakyan ito ate?

Elisse: nirentahan ko lang yan. Mas makakatipid ako sa ganyan kesa panay ang grab ko. Tara!

Pagkasakay nila sa sasakyan ay agad tanong ni Apple.

Apple: ate san ba talaga ang punta natin? Alam mo ba ang pasikot sikot sa lugar nato?

Elisse: Hay naku May sa panahon ngayon hindi na tayo dapat nangangarag kung alam ba natin pupuntahan natin. Google map is the answer. Mag aral kana kasi mag drive.

Apple: Ate, alam mo naman ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko matuto magdrive. Pasalamat na nga lang tayo at nawala na ang takot kong sumakay ng kotse.

Elisse: Sa bagay.. Nakaka trauma nga naman yung nangyari sayo. Kaya kalimutan mo na lahat ng sinabi ko..

Apple: Aware ka naman te, na andito din si kuya Maccoy diba?

Elisse: oo naman ano ka ba! Nang dahil nga sa trabaho nya dito sa Cebu kaya tuluyang nasira yung relasyon na namin na pilit kong inaayos.

Apple: Ibig kong sabihin te, kapag aksidenteng nagkita kayo, kaya mo na ba syang harapin?

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon