Ten

709 38 14
                                    


Luke's POV...

Pagkadating  ko sa Cebu ay agad kong pinuntahan si Heaven para makausap.

"Heaven?"

"Yes Luke, come in. Nakabalik kana pala? Have a sit." Aya nya sa akin pagka pasok ko sa opisina nya.

"Oo, kani-kanina lang. Andito ako para makausap ka sana. Importante lang.."

"Sure, maupo kana muna. So kamusta si Apple?"

"Maayos na din naman na sya, nasa bahay na at nagpapagaling. 1 week is not enough para maalagaan ko sya. Ill go direct to the point, andito ako para sana personal na magpaalam."

"I know whats on your mind Luke, pero sinasabi ko sayo, ngayon pa lang its a NO..." at talagang yung reaction nya nakaka inis!

"Wag kang mag alala Heaven, hindi ko naman kayo basta basta iiwan sa ere eh.. I'll recomend Mr. Jerome Ponce. For sure you know him. Mas magaling sya and a veteran in this field kaya nasa mabuting kamay ang project nato." pilit ko pa ding pinapakalma ang sarili ko kahit na gustong gusto ko ng sumabog, kasi pakiradam ko walang gustong intindihin ang sitwasyon ko.

"Luke, pumirma ka ng kontrata. At isa sa mga napagkasunduan natin, you will be with us hanggang matapos ang project na to! I'll stand with my descision its a NO!"

"Heaven, diba you have your own family? Why can't you understand where am I coming? Kailangan ako ng asawa ko, at sana kahit sa puntong yun man lang maging sensitive ka."

"Ang daming paraan Luke, kumuha ka ng caregiver nya to take care of her. Andun ang Momy mo, and for sure hindi sya pababayaan ni Tita. I know her."
At tulad ko nagtataas na sin sya ng boses..

"You're impossible Heaven.." Sobrang sagad na ako.

"Hindi ako, kundi ikaw. Napaka inconsiderate mo! Sabihin na natin na may ipapalit magaling, mas magaling pa sayo. Beterano! Okay fine! Pero Luke hindi mabait ang asawa ko. Naipasa ko na lahat ng info about this project pati mga taong gumagalaw dito. At kapag may nabago at mali syang nakita, Luke gulo yun, sa part nyo lalong lalo na sa akin. Naiintindihan kita, pero sana maintindihan mo din ang side ko. Hindi man ako pumayag sa gusto mo, alam kong maiintindihan ka ni Apple. Pero kapag pinayagan kita at malaman ng asawa ko baka... Baka.. Di ko na kayanin pa ang pwede nyang gawin sa akin..." narinig ko lahat ng sinabi niya, pero sa mga oras nato hindi ko sya kayang intindihin.

"Fine! Excuse me!" mukha kasing hindi na matatapos ang usapan naming dalawa kaya nagpaalam na ako bago pa mapunta sa kung saan ang lahat.

Kanina pa ako palakad lakad at hindi ko alam saan ako dadalhin ng mga paa ko. Bahala na basta gusto ko lang muna magpakalayo sa mga taong selfish at di marunong umitindi! Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sana hindi na ako sumugal sa trabahong to! Kaya pala nung umpisa pa lang nag dadalawang isip na ako sa project na to eh. Damn of this bullshit day! Gggrrrrhhh!!!! Wala na akong paki alam sa mga makakakita, i just want to release my anger...

Ring... Ring... Ring..

Biglang ring ng phone ko and it's Apple. I really need her right now..

"Hello, Mahal? Nasa Cebu kana ba? Hindi kana kasi nagtext or tumawag man lang kaya tumawag na ako, nag alala kasi ako sayo eh.. Mahal?" kahit papano masigla na ang boses ni Apple. Ayaw ko magsalita dahil wala akong gustong sabihin, ang gusto ko lang ay ang pakinggan lang ang boses nya...   "Mahal may problema ba? Nag aalala ako sayo..." dugtong pa ni Apple.

"I miss you.. Sobrang miss na miss lang kita Mahal.. Pasensya kana at hindi kita agad natawagan kanina. Inuna ko muna kasing kausapin si Heaven. Kaso hindi naging maganda ang usapan namin.."

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon