Luke: Mahal...
Tanging naisagot nito kay Apple.
Apple: Ganito kasi yun Luke. Ngayong araw nato may tatlong sorpresa akong natanggap. At sa tatlong sorpresa na yun ibat ibang emosyon din ang naramdaman ko. Saya, pagkabigla, at sakit. Unang sorpresa ay ang pagdating ni Ate Elisse na ikinatuwa ko naman ng sobra, inaya nya akong lumabas at magbonding kaming dalawa. At habang nasa byahe kami dun ko naman nakita ang pangalawang sorpresa na ikinabigla ko, nakita ko ang asawa ko at ang ex nyang magkasamang lumabas mula sa isang maternity clinic. So napa isip ako, anong meron? Bakit sila magkasama? Hindi ako pinatahimik ng loob ko kaya nagdesisyon akong pumasok sa clinic na yun at nagpanggap na pasyente, at dun ko nakuha ang pangatlong sorpresa na nagpasakit ng damdamin ko, nakalagay sa info chart ni Heaven na dalawang buwan na syang nagdadalang tao at ikaw ang nakalagay na ama.. Ngayon Luke, tatanungin kita, OO at HINDI lang ang maari mong isagot, ikaw ba????? Ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Heaven?
Matagal bago naka sagot si Luke at hindi na nito napigilan ang sarili na maluha..
Apple: Uulitin ko ang tanong ko sayo Luke, ikaw ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Heaven?
Luke: Oo, Im sorry, Im sorry...
At tuluyan ng umiyak si Luke.. Unti unti itong naglakad palapit kay Apple upang yakapin sana ang asawa.
Apple: Jan ka lang, jan ka lang Luke. Wag kang lalapit sa akin.. Ngayon bibigyan kita ng pagkakataon na ikwento sa akin kung bakit at papanong nangyari ang lahat ng to. Ipagtanggol mo ngayon ang sarili mo sa akin. At nakiki usap ako hanggat maaari ay katotohanan lang ang sasabihin mo..
At gawa na din ng tensyong naramdaman ni Luke ay napasapo ito sa ulo at umupo. Maka ilang beses din itong bumuntong hininga bago magsalita.
Luke: Nung araw na naghiwalay si Heaven at ang asawa nya,, pilit ako inaaya ni Kuya Maccoy na sumama sa kanila at mag inuman daw para kahit papano maramdaman daw ni Heaven na may karamay sya. Ilang beses din akong tumanggi pero ayaw niya ako tantanan hanggang dumating si Heaven at naki usap. Kaya wala na din akong nagaw kundi ang sumama sa kanila. Naki usap ako kila Kuya Maccoy at Heaven na isang bote lang ako ng beer. Hanggang sa napasarap ang kwentuhan hindi ko na namamalayan kung naka ilang bote na din ako. Dala na din ng kalasingan hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari, kinabukasan pagkagising ko nabigla ako ng katabi ko na si Heaven at pareho na kaming walang saplot sa katawan. Pilit kong inaalala lahat ng mga nangyari, at sa pagkakatanda ko ikaw,,, mukha mo Mahal ang nakikita ko nung gabing may nangyari sa amin ni Heaven. Patawarin mo ako Mahal hindi ko sinasadya nakikiusap ako... Nasisiguro ko sayo isang gabi lang yun at hindi na naulit pa... Please...
Pilit na lumalapit si Luke sa kanya at panay naman ang atras ni Apple palayo sa kanya.. Pero mas nagpumilit pa din si Luke kaya ng nahawakan niya si Apple ay nabigyan sya nito ng magkabilang sampal..
Apple: Napaka walang hiya mo Luke, dapat ko pa bang ipagpasalamat sayo na isang beses lang nangyari yung sa inyo ha? Bakit may nabuo pa? Bata yang nasa sinapupunan nya, may anak tayo, may anak si Heaven at natatakot ako na masaktan ang nga bata dahil sa kawalang hiyaan nyo.. Bitawan mo ako!
Nagpupumiglas si Apple upang makawala sa higpit ng pagkayakap ni Luke..
Luke: Please, Mahal patawarin mo ako, please hindi ko kaya ang mawala kayo ng mga anak natin sa buhay ko paki usap.
At tuluyan ng lumuhod si Luke sa harapan ni Apple na lalong nagpadurog sa puso niya.. Nahihirapan man si Apple ay pilit itong nagpapakatatag.. Lumibel ito kay Luke.. Naawa sya sa asawa at nangibabaw ang pagmamahal nito sa kanya...
Apple: Ang sakit dito Luke oh, sobra.. Bakit kailangang humantong sa ganito?
Idinikit ni Apple ang ulo nya sa ulo ni Luke at walang sinuman sa kanila ang nagsalita... Ilang minuto din silang dalawa na nasa ganoong posisyon ng tumayo at magsalita na si Apple.
BINABASA MO ANG
When Love Hurts...
Fanfiction5 years na naging mag kasintahan sila Luke at Apple ng mag desisyon silang magpakasal. Naging masaya at puno ng pagmamahal ang 10 taon nila bilang mag asawa. Nagkaroon ng matalino, masayahin at magagandang kambal. Larawan sila ng masaya at halos per...