Five

737 34 4
                                    

"Papa..." sigaw ni Angelo ng nakasakay na ito sa school bus.

Nagtatakang nakatingin si Luke..

"bring home the bacon!"

"wish me luck Angelo..."

"you can do it Papa, youre the best engineer in the world.." sigaw muli ni Angelo.

"goodluck papa i love you.." pahabol naman ni Angel at nag finger heart pa.

"Mahal alam mo ba yung sign ni Angel?"

"hahaha ewan ko ba yang mga anak natin mahal kung anu ano nalang ang nalalaman ang sabi nila heart sign daw yan. Parang i love you sign.."

"ganoon ba! Mukhang tumatanda na talaga tayo mahal.. Sige Mahal aalis na ako. Basta pag natapos ng maaga yung meeting namin susunod ako sayo sa clinic total naman malapit lang yun sa office.."

"sige mahal pero kapag di talaga mabakante ang oras mo ayos lang. After ko makipag usap kay doc tatawagan kita agad. Ayos ba yun mahal?"

"sige hihintayin ko yang update mo sa akin.. Aalis na ako Mahal mag iingat ka ha?"

"ikaw din Mahal, goodluck alam ko naman na makukuha mo yang project na yan. Ikaw pa ba!"

"salamat sa tiwala mahal ko. Pero... Wala bang pampa goodluck jaan?"

"ginoodluck na kita diba? Ano pa bang gusto ng Mahal ko?"

"syempre goodluck kiss..." sabay nguso ni Luke

"aysus yun lang ba Mahal halika dito!... " at binigyan nya ng halik ang asawa na may puno ng pagmamahal..

"sarap naman non Mahal. Feeling energized na ako, at mukhang maipapanalo ko yung project na yun..."

"bulero ka talaga Mahal wala kapa ding pinagbago. Sya sige na mag ingat ka sa pag dadrive.. Tsaka balitaan mo ako agad.. I love you.."

"sige Mahal i love you too..."

--------

"Luke! Ang aga mo ah." napalingon ito sa tumawag sa kanya. Si Maccoy. Magkasama sila sa kompanyang pinagtatrabahuan nila.

"uy Maccoy! Eto nag aga ako para ma finalize nalang ng kaunti yun presentation ko mamaya.."

"sus! Di mo na kailangan yan . Mani nalang yan sayo. Ilang project naba ang naipasok mo sa kompanyang ito. Kaya nga pag may mga big time client ikaw at ikaw ang pambato ng mga bossing natin. Kaya sure ako mapapasayo din yan.."

"salamat pre ha! Pero ewan di ko din talaga maintindihan kung bakit ako kinakabahan ng ganito eh. Kung tutuusin like the usual project lang naman to. Another condominium di ko nga magets bakit kailangan ako kabahan ng ganito..."

"pre alam ko kung bakit, maganda at super sexy daw yung isa sa mga stock holder ng  project na yun. Grabe pre chicka bebe daw...kaya siguro kinakabahan ka."

"gago! Tulad mo ako sayo! Hoy goodboy to! Alam mo namang si Apple lang nagmamay ari ng puso ko. Isama mo pa mga anak ko kaya wag ako..."

"sus! Di na uso yan sa panahon ngayon. Ang uso ngayon grab! Grab lang ng grab. Total ang asawa lagi lang yan ajan di yan nawawala sa tabi natin.. Kahit magloko kapa ng magloko. Di yan magsasawa na intindihin tayo.."

Sa narinig na yun ni Luke ay binato nya ng folder si Maccoy... Pero naka ilag ito. "hoy Maccoy yan ang pinaka walang kwentang narinig kong rason sa buong buhay ko. Malamang nagtitiis pa sayo si Elisse kasi mahal kapa nya. pero sinasabi ko sayo kapag yan nauntog at natauhan tingnan ko lang kung may asawa ka pang mauuwian. Loko ka! Magtino ka nga, dahil jan sa kagaguhan mo pati ako dinamay ni Ate Jinri. Biruin mo parang halos ibrain wash nya si Apple na anytime pwede ako magloko. Iniisip ko pa lang na mangangaliwa ako at lolokohin ko si Apple para na akong dinudurog."

When Love Hurts...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon