Enjoy Reading!
Chase
"P-PLEASE...p..parang awa nyo na..l-let my baby live ... Tama na!"
Paos na panaghoy ko sa hangin. Mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Dumadagundong ng malakas ang puso ko mula sa aking dibdib. I can't breathe properly. Inaatake ako ng kaba. Nanakit din ang buong katawan ko.
Muling sumagi sa isip ko ang gabing naging mitsa ng aking buhay. Isang gabing ni minsan ay hindi ko inaasahan. Isang gabi ng pagkakamali. Ilang linggo na nga ba ang lumipas muli ng gabing iyon? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Ni hindi ko na mabilang o matandaan.
Bakit nga ba nandito ako sa sitwasyong ito? My family is a traditional believing one. Madami kaming tradisyon na sinusunod at isa don ang nalabag ko. I was pregnant out of marriage at hindi ko alam kung sino ang ama. I committed a sin.
I am the shame in my family.
I disappointed my family. At ang tanging paraan nila upang maitama ito ay ang ipalaglag ito. Sabi nila ay para ito sa akin, sa pamilya ko, para maitama ko ang aking pagkakamali. But I can't. Dahil alam kong malaking pagkakasala iyon.
Madilim ang buong paligid. Nagtatago ang buwan kasama ang mga bituin sa kalangitan, wari'y nakikidalamhati sa pagtangis ng aking puso. Tanging ang ilang ilaw ng lamp post lamang ang nagsisilbing liwanag.
"NO! Hindi pwede! That thing on your womb is forbidden! It is a dirty sin!"
Isang nanggagalaiting sigaw ang dumagundong sa paligid. Tila galit na galit ito at puno ng pagkamunghi.
The place smells like rotten blood. Mamasa-masa't madumi ang paligid. Mapapansin ang pitong bulto ng tao, wari'y nasisiyahan ang mga ito sa nasasaksihan.
Napababa ang aking tingin sa aking katawan. Butas-butas na damit at puno ng sugat. Kapansin-pansin rin ang iilang tuyong dugo sa lapag na aking kinahihigaan. Napahaplos ako sa aking may kalakihan tyan, may maliit na umbok na ito. Patuloy nitong ipinapaalala sa akin na kailangan kong lumaban. Nalaglag ang luhang kanina ko pang pinipigilan.
"Ama, please. Apo mo ang nasa sinapupunan ko.. Maawa naman kayo samin." Pahikbi kong hinaing.
Nasa isang makipot na eskinita kami ngayon.
Isang tingin na puno ng pagkadisgusto lamang ang natanggap ko mula sa kanya. "Wala akong anak na disgrasyada! Chain her up! Walang tutulong sa kanya hahayaan nating mamatay ang babaeng yan. Kasama ang kanyang supling!"
Nangilabot ako sa narinig. Tears immediately blurred my eyes. My heart hurts, pero mas nananaig ang lungkot at takot dito.
"W-wag pa parang awa nyo na..not my baby! Ama! Ama!" Mabilis na tinalian nila ako. Nanatili ang aking mga mata sa kanya. Sa lalaking mula ng nagkaisip ako ay itinuring kong ama.
Malakas na napahagulgol ako. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina. I can't even protect myself, how can I protect my little angel? Napakahina ko!
"Wag kang maingay! Kung hindi babarilin kita ng madaliang mamatay kayo ng anak mo!"
Sa takot ay awtomatikong napasara ang mga labi ko. Sa mga oras na ito ay tanging umaasa na lamang ako na may dadating na tulong sa akin. Sapagkat alam kong hindi mangingiming isagawa niya ang kanyang plano ano mang oras mula ngayon. Isipin ko lamang ay Hindi ko maiwasang panginoon ng buong katawan. But I can't accept this!
*Plick
Agad naagaw ang atensyon namin sa ingay na mula sa isang sulok. Gabi na kaya wala ng mga tao ang naglalakad sa mga oras na ito.
"Putang*na sinong nangdyan?!"
"Gag* tingnan mo! Patayin mo kung may tao!"
Napakalakas ng pintig ng puso ko. Nabuhayan ng pag-asa ang dibdib ko. Sana naman may makita sa amin dito. Somebody please save us. Pero paano kung mapahamak lamang siya dahil samin?
BINABASA MO ANG
Sa Paghulog ng Langit (TFOT)
Romance"Falling inlove with a person who does not know how to show their feelings is as good as nothing. Because sometimes even action cannot speak louder than pain. " ... Lumaki si Jaime sa mala-panaginip na realidad. Sa ganitong kadahilanan umaasa lamang...
