Enjoy reading! Thank you for reading up to here guysue ( ˘ ³˘)❤
Continuation
.....
31
Third Person's POV
MADILIM ANG BUONG PALIGID. Sa dulo na kwarto makikita ang tulalang babae. Tanging ang pagsilip ng buwan lamang ang nagbibigay ng kakarampot na ilaw sa silid.
Ilang oras na ba ang lumipas mula na pumasok siya dito?
This was her...home, right? She's inside her room. She should be happy, dahil nakauwi na siya matapos ang ilang buwan.
But she can't.
Maya-maya lamang ay dahan-dahang bumukas ang pintuan. "Jaime..." Naalerto siya at matiim ang titig sa isang pares ng sapatos na bumungad sa kanya. She lifts her head. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito ngunit hindi niya mabistahan.
Sa tono ng boses at pangangatawan nito ay sigurado siyang lalaki ang pumasok sa kanyang silid. Hindi siya kumibo at diretsong nakatingin lang dito.
"Ok ka lang ba?"
Malumanay ang boses ng lalaki tila ba kumakausap ng bata. His temperament was very gentle. Parang narinig na niya ang boses nito, there was a touch of familiarity. Hindi niya lang maalala. Or she was just mistaken, nagiging paranoid na ba siya at kung ano-anong bagay ang naiisip niya?
"Ok lang kung hindi ka magsalita. Ako nga pala si Trevor." Nanatiling nakatitig lamang si Jaime sa lalaki. The person sighed. "I-I... Ano, kung may kailangan ka, you can say it to me-"
"Pakawalan mo ko." Garalgal ang tinig na sambit ni Jaime.
Natahimik si Trevor. "That, I-"
"You can't help me." Mariing pumikit si Jaime. Her voice was hoarse, dala ng kanyang pagiyak. Mapapansin din ang namumulang ilong ng dalaga dahil natatamaan ng katiting na ilaw ang kanyang mukha.
"Saan niyo dinala si Isabella?"
Kalmadong naupo sa gilid ng kama si Trevor at pinagmasdan si Jaime na nasa kabilang sulok ng kwarto. Tila tinatansya ang magiging reaksyon ng dalaga.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao sa mansyon ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid. "Dahil sa ginawa ni Senyorita, galit na galit ang Senyor. She was taken to the basement to reflect. Tulad mo ay walang pwedeng bmisita sa kanya." Paliwanag niya.
Basement? Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Gumuhit ang kakaibang sakit sa kanyang puso.
'Isabella sorry dahil sakin nadamay ka pa. Sana nasa mabuti kang kalagayan. Sorry ha, mahina si Ate.'
"Here, dinalhan kita ng pagkain. You should eat kailangan niyo ng makakain ng babies mo." Nalipat ang mga mata ni Jaime sa tray na inilapag nito. Hindi niya namalayan na may hawak-hawak pala ito.
Kakaibang aroma ang nanggagaling sa tray na puno ng pagkain. Maski ang madalas niyang kainin na strawberry ay meron din. Surprisingly there is a milk too.
Biglang kumalam ng malakas na tunog ang kanyang tiyan. Patunay na kanina pa siya nagugutom. Pinamulahan ng mukha si Jaime.
Trevor chuckled. "Come on, eat."
Jaime avoided her gaze at the tray of food. She suspiciously looks at him.
"You, bakit mo ginagawa 'to? Atsaka nagkita na ba tayo dati?"
Nangunot ang noo ni Jaime.
Tila nabasa ng binata ang kanyang naiisip. Nangingiting pinagmasdan ni Trevor si Jaime. "'Wag kang mag-alala hindi ko nilagyan ng lason yan. As for your questions, malalaman mo din sa tamang panahon. You just have to have faith in me, and I'll take care of you."
BINABASA MO ANG
Sa Paghulog ng Langit (TFOT)
Romance"Falling inlove with a person who does not know how to show their feelings is as good as nothing. Because sometimes even action cannot speak louder than pain. " ... Lumaki si Jaime sa mala-panaginip na realidad. Sa ganitong kadahilanan umaasa lamang...
