11-THE MESSAGE

1.1K 43 1
                                        

Belated Merry Christmas!!!
And advance Happy New Year!!!

Rain

Life is unfair. Tingnan mo nga naman. Napabusangot ako. I folded my arms across my chest. May mga taong nagpapakahirap kumita ng pera. Dugo't pawis ang puhunan makakuha lang ng kakarampot na halaga para bumuhay sa kanila. May mga tao namang, waldas kung waldas. Kahit anong gustuhin nila nakukuha kaagad, hindi pinaghihirapan, mga mayayaman nga naman.

My name is Rain. I was born rich. Aaminin ko, isa rin akong 'spoiled brat' dati, lahat ng luho ko, nakukuha ko, kahit anong hilingin ko, naibibigay agad. Damit, sapatos, gadget, relo, kwintas, kotse, lahat mamahalin. But there's one thing that makes me empty, in search for that. I left home. 

At eto ang kinahantungan ko. Nagtatrabaho ako sa isang cafe sa umaga, habang waiter naman sa isang kilalang bar and restaurant. Marami din akong sidelines, para kumita ng mas maraming pera, malapit na din kasing magpasukan.

"Ms. Alvaro tawag ka sa kitchen."

Napatingin ako sa tumawag sa apilyido ko. She's manager Kim. 

"Opo."

Tumango ako at sumenyas naman itong dalian papuntang kusina. 

Tumalikod na ko bitbit ang tray. Isang oras na lang naman makakaalis na ko dito. 

....

"Come home Rain, Dad missed you."
-Caspen

Napabusangot ako ng mabasa ang text ni Kuya. 

"Ang matandang yun? Nakow, kung hindi ko lang alam baka naniwala na ko. Pano ko mamimiss nun eh lagi naman yong wala sa bahay para magtrabaho?"
All he care about is his business.

Hapong-hapong humiga ako sa kama. Iniunat-unat ko ang braso ko. Masakit ang likod ko, kagagaling ko lang sa isa ko pang trabaho, kaya drained na drained ang energy sa katawan ko, choss.

Tumindig ang mga balahibo ko sa batok. Why do it feels like someone is looking at me?

Napakunot noo ako. Lumapit ako sa may bintana. Wala namang tao. Lumapit pa ko, parang may anino sa katapat ng apartment ko. I blink my eys twice. Nagsisitindigan na din ang mga balahibo ko sa braso. Idinungaw ko pa ang ulo ko sa bintana parang may tao...

"HOY ULAN!" napatalon ako sa gulat! Tae naman oh! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Dahil ba sa gulat? O takot? 

"BUKSAN MO TO ASAN NA ANG BAYAD MO?" Nabalik ako sa ulirat ng muling sumigaw si Aling Dorang ang may ari ng inuupahan ko.

"T-teka lang nandyan na!"
Muli akong sumulyap sa bintana. Wala na yong lalaki. Namamalikmata lang ba ako? 

Lumagapak ang hawak nyang pamaypay sa ulo ko. Ouch. Magkakabukol pa ata ako.

"Ikaw na bata ka, asan na? Yung bayad mo! Tsaka bat namumutla ka? Para kang nakakita ng multo."

"Aray naman Aling Dorang eh, diba may tatlong araw pa ko para magbayad? Alam mo bang masakit yung palo mo? Pero alam mo ba yung masakit? Yung umaasa kang mahal ka niya pero hindi naman pala! Yung nagpapakatanga kang mapapansin niya pero hindi kasi may iba ng nakakuha ng atensyon nya. Yung umaasa kang magiging kayo pero hindi naman talaga. Yung akala mo kayo na pero nananaginip ka lang pala. Yung sinasabi nilang may forever pero wala naman talaga!"

Muling lumipad ang pamypay ni Aling Dorang sa ulo ko.

"Aba't *pak! Anong pinagsasabi mong bata ka?!"

Wala naman talagang poreber. Maningak-ngiyak na hinaplos ko ng paulit ulit ang ulo ko. Ang lakas pa naman ng pagkakahataw nya huhu. Sigurado may bukol talaga ako nito bukas. Tumikwas ang manipis nyang kilay. Pasimpleng kinagat-kagat ko ang mga labi ko.

"Sinisigurado ko lang, baka kako nakalimutan mo, hmmp, o siya tatlong araw na lang!"

Napangiwi ako, sigurado namang nakalimutan nya lang eh. Palusot pa, tong matandang to. Bumelat ako ng tumalikod na siya, saka alakas na isinara ang pinto. Masakit talaga eh!

"Ay jusko! Nagdadabog ka ba?!"

"Hindi ho!"

"Sinisigawan mo ba ko?!"

"Obvious ba?" bulong ko.

"Oh bat di ka sumagot?!"

Napabuntong hininga ko. Mabait naman siya, parang nanay-nanayan na namin siya dito, kaso pagdating sa renta grabe kung makapaingstorbo. Kung may malilipatan lang ako, naku naku talaga. Mababaliw ako dito.

Lumapit ako sa maliit na kama sa sulok. Maliit lang ang inuupahan ko. May maliit na kusina, walang sala, kasya lang para sa isang tao, pero may sariling banyo naman.

Hihiga na sana ako ng may mapansin akong isang maliit na papel na nakalagay sa kama. Hindi ko to napansin kanina. Hindi ko alam pero muling nanindig ang mga balahibo ko. Malalakas na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Ramdam ko ang pagkawala ng dugo sa mukha ko.

'If a game isn't yours, stay back.
When the night come's, i dare you to look back.
A silhouette will show up, at the tick of a clock.'

If this is some kind of a prank, kukutusan ko! Masama ang kutob ko dito. Wala akong maisip na nakasagutan ko, wala din akong kaaway, sinong nagpadala nito? Sinong '¥'? Suddenly a name escape my lips.

"Jaime."

....

Third Person's Pov

Parang binibiyak ang ulo ni Thunder ng magising. Ilang beses siyang napamura habang hinihilot ang sentido. 

Umupo sa kama ang binata. Nahulog ang puting kumot na tumatakip sa kanyang katawan. Boxer shorts lang ang lagi nitong suot kapag matutulog na. Pupungas pungas itong naglakad sa banyo, bitbit ang puting towel at ilang piraso ng damit.

Pagkapasok sa banyo, agad itong tumapat sa shower. He twist it. Bumuhos ang maligamgam na tubig mula sa kanyang magulong buhok, pababa sa kanyang leeg, pababa sa kanyang anim na abdominal muscles, reaching his v line. The water kissed his toned tanned skin. 

Marahan nyang ginulo ang buhok. 

...

He wore a cream colored khakie shorts. The short hangs lowly on his waist revealing his calvin clien brief. He's not wearing any shirt on. His broad shoulders, and sculpted abs were showing. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok.

'Wag kang mag-alala bukas na bukas, aalis ako.'

Jaime's cracked voice echoed on his mind. Mabilis ang kilos na pinuntahan nya ang kwartong ino-okupa ng dalaga. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib ng dahan-dahan nyang pinihit ang pinto nito. Natigilan siya.

'What if she already left? F*ck'

Namutla siya sa naisip. Without second thought, itinulak nya pabukas ang pintuan. Unang bumati sa kanya ang amoy ng rosas at mild air freshener, humahalo ito sa natural na amoy ni Jaime.

A soft sigh escaped his lips when he saw a sleeping silhouette of a woman. Balot na balot ito ng kumot.

'Thank God. She isn't gone.'

"What the heck am I thinking?"
Napailing iling ang binata. Nawala na ang kabang kanyang nararamdaman kanina. Nagpakawala ito ng buntong hininga, bago dahan-dahang isinara ang pintuan.

He dialed a number. Aalis siya para pumasok sa kumpanya kaya kailangan ng may makakasama ang dalaga lalo na't buntis ito. He can risk anything but not her.

"Nanang do send a maid in my condo... One can do... I'll be out...tell her not to ever leave, unless i came back... Great. "

He grin, though the way his heart beat didn't slow down. F*cking get a hold of yourself Thunder!

....
Salamat sa pagbabasa!

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon