19- RECEPTION REALLY?

896 37 15
                                    

Enjoy reading!

Jaime

"JAIME di ba? Jam o Jamy, na lang ang tawag ko sayo, ok ba? Ang haba kasi ng pangalan mo." kakamot-kamot sa batok si Kazuo, gamit ang kaliwang kamay habang ang kanan ay hawak ang manibela.

"Hm," Tumango-tango ako. Tipid na ngumiti. Ang binata ang nagdra-drive pauwi sa bahay na tinutuluyan namin ni Thunder-ang asawa ko. Mabait naman pala ang ibang kaibigan niya.

Sa unang tingin kasi ay mukha itong arogante at self centered. Yun bang mga parang walang pakialam sa mundo. To top it all, evryone has this air of intimidation around them.

"Grabe ang tahimik mo naman. Tipid na ngang magsalita si Kulog, pati ba naman ikaw? Nakakatorete ba ang kagwapuhan ko? Di bale na alam mo...." Napangiwi ako ng tuloy-tuloy siyang magsalita. Kahit papano nalilibang ako sa mga kwento niya. Mostly buhay niya at buhay ng mga kaibigan niya ang laman ng kwento, kabilang na si Thunder. Komportableng sumandal ako sa pasenger seat at tumitig sa labas ng bintana. ".. Nung high school, may field trip kami, sa isang farm, sumama yong mga kupal. Syempre sumama din ako, pogi eh. Magkakasama kami nila Caspen, kilala mo? By pair, kapares ko nun si Thunder, sa kalagitnaan nung activity, nagyaya yon na tumakas. Punta kami sa likod, di ko naman alam na iihi yon, bastusan biglang tumalikod, tapos nagpashower dun sa kumpol ng halaman. Meron namang CR don sa loob. Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng 'AAAAAH!' " kumukumpas kumpas pa ang kamay niya sa hangin "... paglingon si Kulog pala. Hahaha kung nakita mo yung mukha non, mas maputi pa sa papel. Parang ibuburol eh nanginginig pa yung tuhod hahaha nang tanongin ko kung bakit sabi niya 'Fvck I'm not a virgin anymore! That goddamn frog kissed my Junior!!' hahahaha tawa ko ng tawa. Kung nakita mo lang kung pano nanginig sa pagkabalisa at pandidiri yon! Hahaha kaya mula non, ayaw na ayaw niya na sa mga palaka. Imagine the mighty Thunder Dimiscus na diverginize ng palaka hahaha.."

Napapangiti ako sa kwento niya. Kahit papano nababawasan ang pagiisip sa nangyari kanina. Atsaka, di ko maimagine yung mukha ni Thunder haha. Nagpatuloy siya sa pagkwento. Nalaman kong magkakaklase pala silang tatlo nila, Caspen, siya at si Thunder mula grade school hanggang Junior High. Nang mag kolehiyo saka nila nakilala sila Aster at Gideon. Nagkahiwahiwalay sila sa kolehiyo. Thunder took up Business Ad, Caspen on Medicine, Kazuo took Law. He never mention about Aster and Gideon, i shrugged it off.

Siya ang nagmamaneho upang ihatid ako pauwi. Sabi niya'y may importanteng pupuntahan ang asawa ko, kaya't wala na akong nagawa ng magumpisa siyang magmaneho, gamit ang sariling sasakyan.

"...yang asawa mo, si Vhonn, madalas talaga may pagkagago yan eh. Pagpasensyahan mo na lang, may toyo sa utak yan. Pero alam mo, kahit papano may katiting na kabaitan naman, di ko lang alam kung may konsensya hahaha. Pwera biro," sumeryoso ang tono ng pananalita nito. Kahit ngayon lang kaming nagkakilala, nanibago ako sa biglang pagpapalit ng awra niya, parang hindi ito yung kanina pangtumatawa na Kazuo. "If he ever hurt you, never let him see that your breaking. Don't let him win, if you can, embrace the pain. Then tell me how it hurts." nawalan ng emosyon ang kanyang mata. Wala na ang bakas ng pagiging makulit nito. In just a matter of seconds he became cold and calculated. "Kahit na gasgas na i still want to teel you this, 'Ang babae minamahal, hindi sinasaktan' one thing to make it happen is to know your worth. Men are not as gentleman as you picture on books. We can be very harsh."

"Kilala ko ang kaibigan ko. He will be happy if he see's you crying. Hindi sa concern ako. Ayako lang na may nakikitang babae na umiiyak..pwera sa sarap haha." Matagal bago ko maproseso ang gusto niyang sabihin. Nakatitig lang ako sa kanyang mata na puno ng sensiridad. "Kitakits bukas!" He winked. Bago pa ako makapagsalita, nakalabas na siya ng sasakyan. Hindi ko namalayaan nakahinto na pala ang sasakyan sa harap ng rest house ni Thunder. Bumukas ang pinto sa tabi ko at maingat na  inalalayan niya kong bumaba. Ilang sandali lang pinaandar niya na ang sasakyan paalis sa kinatatayuan ko.

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon