24-KISS

738 26 5
                                        

Pashout out sa mga nag add, nag vote at lalo na sa nagko-comment ng storya nila Kulog, god bless you guys! Kayo an nagpapalakas sakin ngayon.

Enjoy reading

Jaime

"DO YOU need something?"

I scrunched up my nose and glared at the source of the cold voice.

Matapos ang nangyari kanina, umokupa kami ng upuan sa isang sulok. Hindi sa gitnang parte, hindi din naman sa gilid. Tama lang para madaliang makita ng tao, kung may maghahanap, pero malayo sa atensyon ng nakararami.

"Magtatagal pa ba tayo rito?" Hindi ako mapakali. Sa loob loob ko ay kanina pa ako, nanginginig. Hindi ko alam kung bakit.

Ika siyam na ulit ko ng tanong rito. Ngunit hindi man lang ito sumasagot. Malayo ang tingin nito at walang ekpresyon ang mukha. Gayon pa man hindi nababawasan ang dating nito sa paligid.

Magpahanggang ngayon kasi ay marami pa ring kababaihan ang titig na titig rito. But, he seems to be oblivious of his surrounding.

They're eyes were sparkling with delight and amusement. Acting as if, this is the very firt time to actually see Thunder with their naked eyes and they want to devour him. Creepy.

Napabuntong hininga ako. Mabuti sana kung may makakausap ako ng matino, kaso kasama ko nga pala si Kulog.

Pa'no kaya natatagalan ng taong 'to ang hindi magsalita?

Tumayo ako at pinasadahan ng kamay ang kaunting gusot sa damit ko. "Ah, ano, punta lang akong banyo."

Awkward.

He eyed me up and down. Kumunot ang noo nito. Tumaas ang kanang kilay niya at marahang tumango.

"Go straight right, then turn left."

Sungit!

Saglit na naguluhan ako ngunit tumango rin ng maintindihan ang ibig niyang iparating. Hindi man lang nag-insist na samahan ako. Nagmamadaling lumisan ako sa harapan niya at sinunod ang direksyon na sinabi niya.

Nadaanan ko pa ang ilang bisita na nagtatawanan at nagkakamustahan. Lahat puros may kaya sa buhay. Napailing iling ako.

Ramdam ko ang ilang pares ng mga matang nakatutok sa akin. Siguro ay nagtataka sila sa kung ano ang katauhan ko at kung paano ako nakapasok dito.

Ilang hakbang pa ay nahanap ko na ang banyo. May naabutan pa akong dalawang babae na pawang nakaharap sa salamin at inaayos ang kanilang sarili.

"They say that both the Claws brothers will be here, sissy."

"Oh my, really?! Kahit ang dalawang Dimiscus bro's, will be here tonight,"

"Have you heard? Rumor sai's Thunder is a germophobic, he dislike being touch or near to a stranger, specially a girl. Yet, may kasama siyang pumasok kanina. Anyway his handsomeness is still a sight to behold. I want to see him, sissy!"

"Omg ako rin! So dapat, we are both, sexy! Can't wait na makita ko sila! I might faint sissy!"

They both giggled. Mabilis din naman ang mga itong umalis, na parang hindi ako napapansin.

Claws? I shivered. Bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyon? "Tumigil ka nga sa kakaisip ng kung ano-ano, Jaime!"

Huminga ako ng malalim at pumasok sa isang cubicle. Pagkatapos ay naghugas ng kamay sa lavatory. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Maayos pa naman ang make up at buhok ko. Naglagay lang ako ng kaunting lipstick at napagpasyahan kong bumalik na.

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon