15-BREAKFAST

1.2K 53 8
                                    

Enjoy reading!

...

Jaime

Ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ang siyang gumising sakin. Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko saka sumulyap sa isang maliit na mesa sa kaliwa kung san nakapatong ang isang asul na orasan.

6:37 ng umaga na pala. Marahil napasarap ang tulog ko. Parati akong gumigising ng eksaktong alasais ng umaga mula pagkabata bagay na nakasanayan ko na.

Umupo ako sa kama saka tahimik na nagdasal para sa bagong umagang ito. I always feel thankful, for every morning that i wake up. Kailangan nating laging ipagpasalamat sa poong may kapal ang kung ano mang meron tayo, dahil siya lang ang nagiisang malalapitan natin. Minutes later, i finished praying.

I look at my tummy and smile. "Good morning babies."

Marahan akong bumangon mula sa kama. Sinigurado ko ring maayos ang kwarto. Inayos ko na ang kaunting gusot sa comforter bago tumungo sa banyo.

Malawak na banyo ang sumalubong sakin, hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ito kahapon. Halos kasing laki ito ng dating silid na ginagamit ko sa mansyon. Gawa sa malinis at makikintab na tiles ang sahig, may mga maliliit na patterns din ito. Sa gilid makikita ang salamin kaharap ang puting lababo. Sa isang sulok naman nakapwesto ang banyo at shower na tinatabingan ng makapal at malabong salamin, para hindi makita ang nasa loob.

I splashed a good amount of water on my face and quickly rinse it. I smile, the water seems to lighten my mood together with my soul.

And simpleng paghihilamos ay nauwi sa paliligo. I stayed almost 30 minutes under the shower. Nang makuntento, hinanap ng mga mata ko ang gagamitin kong damit. Naku, hindi nga pala ako nakakuha ng mga damit pamalit, napatampal ako ng noo.

Lumapit ako sa isang kabinet at marahang hinila ito. Bumulaga sa harapan ko ang ilang malilinis na puting bathrobe. Mukang hindi pa ito mga nagagamit man lang. May nakatuping maliit na towel din sa gilid nito.

I started humming my favourite song 'You are my sunshine'.

Mabilis ko itong isinuot at kinuha ang maliit na towel para tuyuin ang buhok ko. I twist the knob at pinihit pabukas ang pinto, habang ang isa kong kamay ay hawak ang puting tuwalya.

"Vixen-"
Namilog ang mga mata ko ng biglang bumukas ang pintuan. I frozed.

Iniluwa ng pinto ang blankong mukha ng may-ari ng unit- si Thunder. Nabitin ang sasabihin nito sa ere. His lips parted a little. Naglakbay ang mga mata niya sa katawan ko. Tumigil ito sa dibdib ko.

"Flat." naginit ang ulo ko. How dare him! Gusto ko siyang murahin. Muling bumaba ang kanyang mata papunta sa nakaumbok kong tiyan. I surpress a smile ng napalunok ito.

An unfamiliar emotion flashed on his unique eyes.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"You look stupid."

Ilang beses na niya akong tinatawag na 'stupid' amp. I want to kick his balls again but, N-nakakahiya!

Nabitawan ko ang towel at agad na hinigpitan ang pagkakabuhol ng bathrobe, baka lumuwang ang pagkakatali, mahirap na. Nagkakarerahan ang puso ko sa pagtibok dahil sa pagkapahiya.

"A-anong ginagawa mo d-dito?" bakit hindi siya kumatok? Kung bakit kasi nakalimutan kong kumuha ng pamalit na damit! Huminga ako ng malalim at pilit pinakaswal ang mukha.

His eyes search for mine, kaya nagkakatitigan kami. "Get dressed. Bumaba ka na lang. I-i'll cook for you- i mean us, a breakfast." his cold voice almost makes me shiver.

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon