29: AND THEN SHE'S GONE

370 24 8
                                    

Enjoy reading!

PS; Chapter 28 was revised and edited. I advise you to read it para DI kayo maguluhan haha.

....

29: AND THEN SHE'S GONE

Jaime

Tatlong lingo na ang lumipas mula ng mangyari ang gabing yon. Hanggang ngayon ay hindi man lamang nagpapakita sa bahay si Thunder. Tila ba isang panagip lamang ang nangyari. At ako lamang ang tanging nakakaalam noon.

Napabuntong hininga ako.

Sabi nila ang buhay ng tao ay maikukumpara sa isang gulong. Ngunit bakit pakiramdam ko ay nabubuhay ako sa agos ng dagat. Hindi ko alam kung san ako tatangayin o baka nama'y tuluyan na akong malunod.

Suot ang kulay puting maternity dress, nag-umpisa akong maglinis ng bahay.  Linagyan ko ng mga bagong pitas na bulaklak ang mga bakanteng vases na nakadisplay mula sa sala maging sa kusina.

Alas singko pa lamang ng umaga. Di tulad ng mga nagdaang araw ay maaga akong nagising.

Si Manang at Iska naman ay maagang umalis para mamalengke. Kaya tanging ako lamang ang naiwan.

Muntik ko nang mabitawan ang ilang punpon ng rosas na nasa aking kamay  sa pagtunog ng telepono. Napangiwi ako ng patuloy itong tumutunog.

I sighed and picked up the telephone call.

"Hello? Sino po sila?"

Nangunot ang noo ko ng walang nagsalita sa kabilang linya. Sino kaya ang tumatawag bg ganito kaaga?

"Sino po ito?"

Ilang segundo ang lumipas. Ibaba ko na sana ang telepono ng isang garalgal na boses ng babae ang magsalita. " I'm sorry... Pinilit nila 'ko... Hi-"

Her voice was familiar...."Raine?"

*toot *toot

Kakaibang kaba ang lumukob sa aking dibdib. Anong nangyayari?

Why is she apologizing? Did she think that I'm Thunder? Maybe this is a prank.

Nailing na ibinaba ko ang telepono.

Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalagay ng bulaklak ng may kumatok sa pintuan. Muling nangunot ang aking noo.

"Saglit lang!"

I made my way up to the front door. Napatigil ako. Why do I feel like something bad is going to happen?

I'm being a paranoid. Napailing-iling ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Unang bumungad sa akin ang matapang na amoy ng babaeng pabango. My brows immediately scrunched up. 

"Jaime? Pumasok ka bilis!"

Nanlalaki ang mga mata ko ng dire-diretsong pumasok ang babae. Nakasuot ito ng itim na damit at may itim na salamin habang nakaitim din itong balabal. Hindi ko mabistahang mabuti ang kanyang mukha.

Ngunit pamilyar ang postura ng knyang katawan. And her voice...

"Isabella?" Gulat na napatitig ako dito. 

Mahigpit ang hawak niya sa aking palapulsuhan. "Pasok! Sinong kasama mo dito?!"

"Wala akong kasama. Teka, anong ginagawa mo dito, Isabella? Huminahon ka muna."

Napakahigpit ng kanyang kapit habang halos makaladkad na ako nito papasok sa salas. Tiyak na namumula na ang aking palapulsuhan at natitiyak kong magkakapasa ito.

"Bakit wala kang kasama?! Kailangan na nating umalis dito!"  Aligaga itong pumasok sa mga kwarto hanggang sa kwarto ni Thunder. Dire-diretso ito at nanghalungkat ng mga gamit.

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon