28: OBSESSION

562 24 13
                                        

This is the revised version.

Enjoy reading!

Warning: Readers below 14 are advice to skip the smut scenes. You've been warned.

....

JAIME

"ISKA, JAIME ANAK, halina't magmiryenda na muna tayo. Kanina pa kayo nagbibilad riyan."

Napatigil ako sa pagbubunot ng damo sa hardin. Marahil ay tapos na sa pagluluto si Nanay. Pinahid ko ang iilang butil-butil ng pawis na nasa noo ko gamit ang likod ng aking palad.

Napasulyap ako sa batang nasa tabi ko.

"Tara na daw Iska, tawag na tayo ni Nanay." Pabirong kumindat ako sa batang bibong-bibo na nasa aking tabi.

Humagikhik si Iska. Lumabas ang magkabilaang biloy sa pisngi nito. Puno ng kapilyahan ang kislap ng kanyang mga mata.

"Saglit lamang po 'La!"
Dali daling tumayo ang bata papunta malapit sa fountain at doon naghugas ng kanyang kamay.

"Tara na po Ate! Baka ay makurot na naman ako sa singit ni Lola eh hihihi"

Nangingiting sinubaybayan ko ang bata. Bakas ang simpleng kasiyahan sa kanyang mukha. Bagay na madalas makita sa mga batang sa ganitong edad ay kuntento na sa kung anong meron sila. Halatang may paggalang at labis ang pagmamahal ni Iska ang kanyang lola.

Simple people who lives in the province has a simple and compassionate characters.

The upbringing was simply pure. Kung sana ay katulad ni Iska din ang nakagisnan kong buhay... Siguro ay hindi ganito kakomplikado ang sitwasyon ko ngayon.

Napailing na lamang ako sa naisip. "Mauna ka na Iska. Tatapusin ko lamang ito at kaunti na lang naman. Nang sa ganon ay di na natin kailanganin pang bumalik dito."

Saglit na nagisip ang bata. Kunot ang maliit niyang noo. "Pero Ate sabi po ni Lola eh bad daw po ang nagpapalipas ng gutom..."

Before I could stop myself, I reach her cheeks out to pinch it. "Sige na! Hindi pa naman ako nagugutom," Nangingiting udyok ko kay Iska na siya namang ngumuso lamang. Saglit na umartengnagiisip ako ng seryoso."Hmm, tiyak na may nakahandang tsokolate at cookies na doon. Ikaw din baka ubusan ka nila Lola, ayaw mo nun?"

Agad namutla si Iska. Bakas ang pagtutol sa kanyang mga mata. "Mauna na po ako Ate!" Hindi ko maiwasang guluhin ang buhok nito. Mamaya maya lamang ay tuluyang tumalikod ang bata at kumaripas ng takbo papunta sa loob ng bahay.

I sighed.

I wish my babies would be as charming as Iska.

Babies... I reach for my stomach and gently caress it. Isang alala ang biglang sumulpot sa utak ko. Napabusangot ako.

Pilit ko mang iwaksi ay patuloy itong lumilitaw sa aking isip.

.....

I can still feel Thunder's warm lips againts mine. Ibang-iba ito kaysa sa halik na pinagsaluhan namin sa kanilang mansyon o ang sumunod pa.

Napakurap-kurap ako.

Maghunos dili ka Jaime! Buntis ka! Ramdam ko ang paggapang ng init mula sa aking leeg patungo sa aking magkabilaang pisngi.

Gumapanga ang init mula sa aking leeg papunta sa pisngi ko. Napasulyap ako sa tahimik na si Mang Berto na siyang nagmamaneho.

Ano pang mukha ang maihaharap ko sa kanya? Nakakahiya!

Pilit kong hinaharangan ang mukha ni Thunder sa paglapit sakin.

Lumipas ang halos kalahating minuto ay muli ko ng natanaw ang ilaw sa may gate ng bahay ni Thunder. "Nandito na po tayo Ma'am Jaime, Sir."

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon