Enjoy reading
Salamat sa mga nag pa-flood VOTES HEHE
Jaime
Buong byaheng lutang ang diwa ko. Hindi ko alam kung seryoso ba ang sagot niya kanina. Gusto kong magtanong, pero pinigilan ko ang sarili. I bit my lips to prevent my self from asking.
Ikakasal ako-kami. My wedding. My first and probably my last.
Nagsasaya dapat ako, ngunit bakit hindi ko magawa? Hindi ko magawang maging masaya. Kung tutuusin maswerte pa nga ako, dahil kahit napipilitan pakakasalan pa rin ako ng taong, ama ng mga magiging anak ko. I can give my unborn children a family, a complete one. Pero kahit anong maisip kong rason para maging masaya, hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko.
Kahit dayain ko pa ang sarili ko, mahirap. Dahil ikakasal kami, hindi dahil sa nagmamahalan kami, malayo sa pagmamahal. Wala naman sigurong gugustuhin na ikasal sa taong hindi mo mahal hindi ba?
Malamlam ang matang sumulyap ako sa kanya. "Thunder, hindi mo kailangang pakasalan ako. Sapat na matanggap mo ang mga magiging anak ko-natin." I don't want to be selfish. Paano kung may nobya siya? Ayaw kong maging dahilan kung bakit magkaroon ng lamat ang relasyon nila.
Sa isiping yon, parang may maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko. Hindi siya umimik. Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Kahit papano nais kong marinig ang kanyang sagot. Still i waited for his answer, but i got none.
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mataas na gusali. Tahimik na lumabas ito ng kotse ng hindi man lang nagtatapon ng tingin sa gawi ko. Why am i waiting for that to happen? Should i go? Tama ba ito? Tahimik na sumunod ako sa kanya papasok sa gusali.
Hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata sa paligid. Lahat ng nakakasalubong ni Thunder ay yumuyukod tanda ng pagbati at ang iba naman ay iwas ang tingin. I can see the curiousity in their eyes, kapag dumadako ang paningin nila sa akin, saka tahimik na magbubulungan.
'Sino yang kasama ni Sir Thunder?'
'Bagong babae niya kaya?'
'Imposible hindi pumapatol ng ganyan si Sir no! Mataas ang standard niya uy. Tingnan mo naman oh, may nakapalobo na!'
'Baka nabuntis niya.'
'Siguro isa sa mga desperadang babae na nagpapaako ng anak ng iba, para makakuha ng malaking pera hihi'
'Pathetic.'
Ayakong pakinggan ang sinasabi ng iba. Gusto kong takpan ang mga tenga ko. Napayuko ako. Nagiinit ang paligid ng mata ko. Nanlalabo na din ang paningin ko. Gusto kong sumigaw at ipabawi ang mga sinasabi nila tungkol saakin. Hindi ako ganong klaseng tao! Gusto kong ipagtanggol ang sarili, ngunit hindi ko magawa...deep down i knew, dahil mahina ako.
Sumakay kami sa elevator. Pinindot niya ang '13' button at tahimik na umokupa sa isang sulok.
"Where is he." Ang baritonong boses ng binata ang pumukaw sa atensyon ko. Nakalabas na pala kami ng elevator.
Tiim ang bagang nito. Walang ekspresyon ang mga matang nakatutok sa babaeng nakaupo sa likod ng isang mesa.
Awang ang labi at titig na titig ang babae kay Thunder. He was looking at him like a food she would like to ravish. Nakalarawan sa mukha nito ang paghanga at pagtatakha.. Waring tinatansya kung paano pakitunguhan ang kaharap. Biglang uminit ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Irritation filled my system. Ayoko ng paraan ng pagtingin niya sa kasama ko.
"May appointment po ba kayo kay Mister Park, Sir?"
Tumaas ang kaliwang kilay ng binata. "I don't need one."
BINABASA MO ANG
Sa Paghulog ng Langit (TFOT)
Romance"Falling inlove with a person who does not know how to show their feelings is as good as nothing. Because sometimes even action cannot speak louder than pain. " ... Lumaki si Jaime sa mala-panaginip na realidad. Sa ganitong kadahilanan umaasa lamang...
