Busy month. Wew Simula na kami ng research papers. Wish me luck guys nakakapagod haha. Unedited. Anyway,
Enjoy reading!
Malamig. Naninindig ang mga balahibo ko sa batok.
That sound.
It feels so real.
Palakas ng palakas ang mabining tug-tugin na pumapinlalang sa paligid.
Is this real?
Madilim ang paligid. Sobrang dilim. Wala akong kahit na anong maaninag. Even the faint silhouette of my hand, I can't see it. What's happening?
Maya-maya pa isang pigil na hikbi ang narinig ko. I panicked. Mahina lamang ito ngunit rinig na rinig ko na parang mas nangingibabaw ito sa mabining musikang kanina pa tumutugtog.
"Sino ka?" My voice echoed, but no one answered.
Parang may sariling isip ang katawan ko. Sinundan ko ang tunog niyon.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumalapit sa isang maliit na liwanag.
Habang palapit ng palapit ako sa liwanag, palakas ng palakas naman ang musika na siyang kabaliktaran ng tunog ng hikbi, mahina na ito.
I touched the light.
Nagmumula ito sa maliit na siwang ng pinto. Marahan ko itong itinulak.
The cold wind blew, making me shiver. It was midnight. No moon, no stars, just the dark sky.
Bumungad sa akin ang pamilyar na tanawin. Where am I? This place seems familiar, but I can't tell where.
"Ah!"
Awtomatikong napaharap ako sa pinanggalingan ng sigaw. A girl? May iba pang tao maliban sa akin at sa humihikbi kanina! Tanging likod na lamang nito at naabutan ng paningin ko. Mabilis na tumatakbo ito na parang may tinatakasan.
Hindi niya ba ako nakita?
Hindi ko alam ngunit may nagtutulak sa akin na sundan ito. My body moved accordingly.
Her hair almost reaches her hips. Nakayapak lamang ito at suot ang kremang bestida.
Her body physique is familiar. Na para bang kilala ko kung sino siya. Para bang dapat alam ko kung ano ang pagkatao niya.
The scene changes.
Kaharap ang ko likod ng babae. Nakaharap naman ito sa isang may kalawakang tubig.
Bigla ang dagsa ng kaba sa dibdib ko. And the next second makes my my mind blank. She jump!
Walang pag-aalinlangan itong tumalon sa tubig.
Naghintay pa ako ng ilang segundo na umahon ito. But nothing came.
Nanginginig na lumusong din ako sa tubig. Agad hinanap ng mga mata ang pigura ng babae. Nasa pinaka-ilalim na ito. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
Mabilis na lumangoy ako palapit dito.
She has her eyes close. Palapit ng palapit ako dito. Finally, nakalapit ako dito. Pinag-aralan kong mabuti ang mukha nito na natatakpan ng kanyang buhok.
Unti-unti, natatangay ng malumanay na pag-alon ng tubig ang buhok nito, dahilan para unti-unting makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha.
Familiar. Very familiar.
BINABASA MO ANG
Sa Paghulog ng Langit (TFOT)
Romance"Falling inlove with a person who does not know how to show their feelings is as good as nothing. Because sometimes even action cannot speak louder than pain. " ... Lumaki si Jaime sa mala-panaginip na realidad. Sa ganitong kadahilanan umaasa lamang...
