14- KISS

1.1K 39 2
                                        

Maligayang araw!
Anyway enjoy reading!

14

Third Person's POV

Sa loob ng apat na sulok na silid makikita ang isang may edad na lalaki kasama ang ilan pang
kalalakihan. Pawang mga nakasuot Ito ng itim na damit pang itaas at pang ibaba.

Mapapansin ang kaseryosohan sa paligid. Waring nagpapakiramdaman at nananantiya kung ano ang susunod na gagawin ng kanilang pinuno.

"Kailan ba kayo magtatanda mga inutil?!" Bumalot ang malakas na sigaw into sa silid. Purong galit at pagkadismaya. "Simple lang naman ang ipinaguutos ko! Ngunit bakit Hindi niyo magawa?! Kulang pa ba ang perang natatanggap niyo? O baka naman gusto niyong kayo ang iligpit ko?!"

Inis na hinilot nito ang sentido bago
pabagsak na ihinampas ang mesang nasa harapan nito. Bumalot ang katahimikan.

"Tang*na sumagot kayo!"

"Hu-huminahon kayo Senyor ginagawa na po namin ang lahat upang maibalik dito si Senyorita-"

"Ginagawa pero wala pa din?? Anong klaseng mga tauhan ba ang meron ka ha? Mga bata na, ni Hindi makuha ang isang babaeng buntis, ako ba'y pinagloloko mo? Nagsasayang lang yata ako ng pera at panahon sainyo."

Hindi nakaimik ang lalaki. Napayuko Ito at kumuyom ang mga kamao.

Bagamat sanay na sa panenermon sa kanya ng amo, Hindi pa din maialis ang inis at pagkapahiya dito. Para sa Senyor ay walang puwang ang mga walang silbi sa kanyang harapan, agad itong ipinapatapon o kaya ay inaalisan ng karapatang mabuhay.

Ito ang isa pang pinakatinatago tagong lihim ng pamilya Vallarde. Ang madilim na katauhan ng kanilang padre de pamilia.

"Paumanhin Senyor. May nangialam sa tangkang pagkuha naming sa Senyorita. Hindi namin inaasahan ang pageeksena nito kanina-" nabitin sa ere ang paliwanag ng lalaki ng sumingit ang Senyor.

"Someone help her? Interesting." May ngiting sumilay sa mga labi nito.

"Opo Senyor. Siya din po ang napagalaman namin na may hawak Kay Senyorita Jaime at ang tumulong dito na nakasagupa ng unang grupo na ipinadala namin para makuha ang Senyorita-"

"Anong pangalan niya?"

"Thunder Dimiscus. Ang may-ari ng Dimiscus Empire."

Isang halakhak ang pumuno sa silid. Batid nila na Hindi maganda ang tunog niyon. Hindi ito nasisiyahan at Alam nilang walang magandang maidudulot ito.

'Mukhang ikaw ang malas na nakabuntis sa babaeng iyon Dimiscus. Magiging mas maganda ang mga mangyayari Hindi ko muna kayo pakikialaman, ngunit sisiguraduhin Kong magdurusa kayo sa mga kamay ko.' Sa isip ng Senyor.

Sa isang sulok ng silid Hindi makatiis ang isa pang lalaki. Tumayo Ito at diretsong umupo sa mesang kaharap ang Senyor. Tahimik Ito at seryoso ngunit nay naglalarong ngisi sa mga labi nito.

"Calm your horse Senyor Florencio, magu-umpisa pa lang ang laro."

Thunder

"Aw that hurts! Oh geez!"

"Wag ka kasing magulo, madali lang naman to.."

"Stay that thing away from me! For godsake! Are you trying to torture me?!"

"Bat ba sigaw ka ng sigaw? Wag kang mag-alala. Stay still sa una lang masakit."

"F-fuck is that my blood?! Holy fucking shit"

"I'll be gentle.."

I close my eyes and release a deep sigh.

How did i find her?

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon