Kabanata 4

1.2K 50 35
                                        

Enjoy reading!

....

Past

"MA'AM Jaime, inaanyayahan na po kayo sa baba. Maari ka na pong kumain ayon kay Senyor Florencio."

A sweet smile made it's way to my lips. Finally, mukhang tapos na silang kumain ng agahan.

"Maraming salamat Manang Fe maari niyo po bang dalhin na lang ang aking mga pagkain dito sa silid?"

Isang naaawang ngiti ang lumandas sa labi ng matanda. Ipinagsawalang bahala ko  na lamang iyon.

"Masusunod Ma'am."

Naging tahimik ang sumunod na mga sandali. Nawala din ang ngiting nakapaskil sa aking labi. Napabuntong hininga ako.

Maayos at kaaya-aya ang imahe na aming pamilya. Walang maipipintas mula sa aking Ama na si Senyor Florencio, maging ang aking Ina na si Senyora Matilda, ang aking kapatid na si Isabella, magpahanggang sa aming kamag-anakan. Lahat walang maipipintas maliban sa isang Jaime Vallarde ang tinatagong anak ng mga Vallarde.

Sa mata ng mga tao isang perpekto at kagalang galang na pamilya mayroon ang mga Vallarde. Bagay na pinangangalagaan ng aming padre de pamilia.

"Jaime? Nasan ang bobitang si Jaime? Manang?!"

Ang matinis at malakas na sigaw ng babae ang gumising sa naglalakbay kong diwa. Gulat na napakurap-kurap ako.

"S-senyorita-"

Kababakasan ng pag-aalala ang boses ng matanda. Ilang taon na itong nagsisilbi sa mansyon.

"Jaime buksan mo to!"

Malakas na sigaw ng nasa kabila ng pinto. Kung susumahin ay talaga namang nakakaeskandalo ang sigaw na iyon. A flash of anticipation creeps from my bones.

Nabalot ng ako ng kyuryusidad. Minsan lang kung makita ko ang isa sa mga kapamilya ko. I knew for a fact that they despise me.

"Open this freaking door you slut! Akin na ang susi!"

"Senyorita Isabella, huminahon po muna kayo!"

Malakas na kumalampag ang pintuan. Agad na nawala ang kaunting antisipasyon na iyon. I was in doubt but I'm curious.

"Shut up! I will kill that slut! Let me talk to her!"

Ang kyuryusidad na nararamdaman ko ay mas lalong nananaig. Maya-maya lang ay pabalang na bumukas ang pintuan.

Isang matamis na ngiti ang agad na pumaskil sa aking labi. Ito ang unang pagkakataon na muling nakita ko si Isabella sa loob ng isang buwan.

"I will kill you! Malandi ka!"

I thought she would be happy to see me too. Ang ngiti sa labi ko ay nauwi sa ngiwi ng lumagapak ang palad nya sa pisngi ko. Puno ng poot at nanglilisik sa galit ang kanyang mga mata.

"S-senyorita!"

"Tumahimik ka! At ikaw!"

Nagpupuyos na sinugod nya ko. Hindi ako nakapagsalita. Namilog ang mga mata ko ng malakas nyang hinatak ang buhok ko.

"Isabella-" nagpupumiglas ako sa pagkaka-hatak nya. Makirot sa anit.

"Nawala lang ako ng ilang araw nilandi mo na agad si Margus?! Bwisit ka! Ano tapos may nangyari pa sa inyo ha?! Malandi ka! Papatayin kita! Isa ka talagang salot sa pamilya natin! Wala ka na ngang silbi! Nakuha mo pang manglandi at mang agaw!"

Ramdam ko ang pagbaon ng mahahaba nyang kuko sa braso ko at ang mahigpit na paghatak nya sa buhok ko.

Si Margus ang kasintahan ni Isabella. Kilalang palikero at manyakis. Minsan ko na syang nakita ng minsan ay ihinatid nya si Isabella sa mansyon. Ni minsan ay hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya.

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon