Enjoy reading!
Third Person's POV
"You, why, bakit hindi mo 'ko sinisigawan..."
Thunder trembled. He lied. They are not married. Jaime stiffened for a moment.
Natatarantang mas lalong humigpit ang yakap niya sa dalaga. Naiinis siya sa sarili kung bakit niya hindi inirehistro ang kanilang kasal dahil nagpadala siya sa galit. He's such a jerk. Ayaw niya mang saktan ang dalaga ay mas mabuti ng aminin niya dito ang kanyang pagkakamali.
"I'm sorry, I'll make it up to you," Paulit- ulit na usal niya habang hinahalikan ang buhok ng dalaga.
Jaime smiles a little. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Strangely enough, a big burden on her chest was lifted.
"Hindi ko sasabihing, hindi ako nasaktan sa nalaman ko," Panimula niya. "But it's not entirely your fault. Hindi ko inisip ang magiging epekto ng pagdating ko sa buhay mo. I was selfish. I never thought about your feelings, your disposition. Pilit kong ipinagsiksikan ang sarili ko sayo. I made your life messy. Idinamay kita sa gulo ng pamilya ko.
"At first inisip ko na responsibilidad mo kami, dahil sa pagbubuntis ko. I want them, but I never ask your side. I wallow in self pity. Masyado kong inisip ang lahat ng kalungkutan ko. Masyado kong kinaawaan ang sarili ko at natakot sa kung anong mangyayari sa mga magiging anak ko. That I never realize the burden and responsibility, na ipinasa ko sa iyo. I never consider your side specially your family. That's why I can never blame them. Gusto kong humingi ng tawad sayo at maging sa pamilya mo."
Mabining hinaplos ni Jaime ang kanyang tiyan.
"Thank you ha, dahil tinanggap mo kami at hindi ipinagtabuyan. Inako mo yung responsibilidad na alagaan kami. Thunder, salamat sa lahat."
Nagsipaglaglan ang kanyang mga luha.
"Shh, stop saying that please, don't say that.. Responsibilidad kita, kayo." His voice broke. Hinalik-halikan niya ang buhok ng dalaga.
"I was selfish. This time, gusto kong gawin yung tama. I, I realized, I don't deserve you but, can I ask one last favor from you? Take care of them, kasi I-"
"Stop! Ano bang pinagsasasabi mo? I don't like where we are getting at! We're going to take care of them together!" Agad na pagtitigil niya sa dalaga. "Bakit parang nagpapaalam ka?!"
Muling kinain ng kaba ang kanyang dibdib kung kaya ay hindi niya mapigilang mapasigaw. He's panicking. Hindi niya gusto ang ipinupunto ng dalaga. Hindi niya kayang tanggapin.
"Thunder-"
"Jaime, listen to me. Marry me! Let's start over again, Bee, baby, please let's start over again. We've been through a lot. This time for real! Let's raise them together."
Marahang humiwalay siya sa dalaga. He got the ring then gently put it around her once pale long slender fingers. She lost too much weight. Her face sank and her fingers are slightly bony. Nanginginig ang kanyang mga daliri ng hinaplos niya ang ipinasuot niyang singsing dito."There, there, see? It fits. Beautiful. It suits you!"
Masuyong hinalikan niya ang kamay nito. Pilit niyang inignora ang gustong sabihin ni Jaime. He don't want to listen to her. His trembling hands gently cups her pale face. Tinitigan niya ang mga mata nito. He tried his best to show her a jolly smile.
Tears were brimming on her eyes. Parang napapasong inalis ni Jaime ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Thunder. Tinitigan niya ang singsing sa kanyang palasingsingan. She should be happy because he want to marry her. She should be crying for joy. She should be thanking the heavens... Pero hindi.
BINABASA MO ANG
Sa Paghulog ng Langit (TFOT)
Romance"Falling inlove with a person who does not know how to show their feelings is as good as nothing. Because sometimes even action cannot speak louder than pain. " ... Lumaki si Jaime sa mala-panaginip na realidad. Sa ganitong kadahilanan umaasa lamang...
