Kabanata 2

1.4K 63 25
                                    

Enjoy reading!

Saved

AKALA ko dati ang boses ni Ama ang pinaka nakakatakot na boses na maririnig ng tenga ko, nagkamali ako. May mas malala pa pala.

His voice sounded raspy and cold. So cold that even I can sense the danger within it. Not a trace of emotion can be traced from it either.

A cold wind brush up my exposed skin making the hair at the back of  my nape to stand on its end. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga tuhod ko. Maski ang buong katawan ko ay nanlalamig dahil sa takot but strangely enough it's different from the fearful feeling I got from the presence of my father's underlings.

Malakas ang pagkakahablot niya sakin. Napaigik ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa malamig at matigas na pader. I momentarily felt dizzy. Takip-takip ng magaspang na kamay nito ang bibig ko. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

Muling umahon ang kaba sa dibdib ko. Sinong mag-aakala na mangyayari sa'kin ang bagay na 'to? I never wish to be in this situation nor do I saw myself in this way. Pero magpahanggang ngayon wala akong makapa na pagsisi sa aking dibdib.

Tinangka kong sipain siya pero nahuli nya kaagad ang aking binti at iniharang ang kanyang mahabang binti sa akin.

"I said don't f*cking move. Or else i will be the one to kill you. I'm trying to save your ass here." He hissed.

Madiin at malamig ang boses nya kaya hindi ko maiwasang manlamig sa takot.

"Asan na?!"

Hindi ako makagalaw. Mahigpit na nakatakip ang kamay ng estranghero sa bibig ko. Hindi ako makagawa ng ingay.

"Boss nawala! Nandito lang yun kanina!"

What if kasamahan pala sya ng mga tauhan ni Daddy? What if patayin nya kami? What if kusa nya akong ibigay dito?

"Mga inutil hanapin nyo! Nandyan lang yun. Hindi siya makakalayo dito!"
Palapit ng palapit ang mga boses at yabag.

Malamang sa mga oras na ito ay meron ng pabuya si Ama para mahanap kami.

Tinangka ko ulit na magpapalag kahit mahina pa ang aking katawan. Pikit mata kong kinagat ang kamay nya. I bit down until a metallic taste enters my mouth. Bahala na! Hindi pwedeng wala akong gawin! Kailangan ko pang mabuhay para sa mga anak ko! I just can't give up!

"Oh sh*t you b*tch!"

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Ng maramdaman kong lumutang ang kapit niya ay agad ko siyang itinulak palayo. Muli akong tumakbo. Gustong-gusto ko ng makalayo sa lugar na ito!

Nahagip nya ulit ang braso ko, pero malakas na sinipa ko ang pagitan ng kanyang mga hita sanhi upang mapaluhod siya habang sapo ito. Jusko! Sorry po!

"Ah damn it!"

Muli akong tumakbo. Takbo lang ako ng takbo. Pagod at masakit na ang katawan ko. Halos maubos na rin ang tubig sa katawan ko dahil sa hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"BOSS AYUN SI MA'AM JAIME NAKITA KO NA!"

"ANO PANG TINUTUNGANGA NYO? KUNIN NYO DALHIN NYO DITO BAGO PA TAYO MALINTIKAN PARE-PAREHO!"

Namilog ang mga mata ko. No way!

Pumunta ako sa mas madilim na parte ng eskinita. Napatigil ako sa may dalawang daanan agad kong tinahak ng kaliwa. Isa pang liko at nakahanap ako ng kumpol na lalagyan ng tubig. Mabilis ko ditong nagtago at sinikap na pagkasyahin ang sarili sa likod nito.

"Ma'am Jaime~ Lumabas ka na jan. Alam kong nandito ka! Wag mo na kaming pahirapan."

"Hahaha Boss mukhang gustong makipaglaro ni MA'AM!"

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon