33: When She Cries

280 19 0
                                    

Enjoy reading( ˘ ³˘)❤

PS. Don't kill me just yet (┳Д┳)

...

Third Person's Pov

'I'M SORRY....PINILIT nila 'ko...' Ang pamilyar na boses na iyon na hindi niya matukoy kung kanino ang kanyang pinaghihinalaan na siyang nagturo sa kanyang kinaroroonan. Ang alam niya lamang ay babae ang mayari nito.

Isa sa dahilan niya ay ang kahina-hinalang oras ng pagtawag nito. Strangely, ng maputol ang tawag ay siya ding pagdating ng mga tauhan ng kanyang ama. Maski ang paghingi nito ng tawad, at ngayon ay parang alam na niya kung para saan ito.

Masama ang kanyang kutob para dito. Isang bagay lamang ang kanyang nasisiguro--- hindi ito si Isabella, dahil kilala niya ang boses ng kapatid.

What should I do?

Tulalang nakaupo sa sahig ang dalaga. Ni walang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha. She look lost. Her back was pressed againts the cold wall. She was hugging her knees ng napahigpit na para bang sa pamamagitan nito ay walang makakapanakit sa kanya. She only wants to feel safe, kahit konti.

Magulo na ang ayos ng kanyang buhok. Namumula't namamaga ang kanyang mata. Nangingitim ang ilalim ng mga ito.

Marahas na bumukas ang pintuan. Dala ng hangin ang malakas na amoy ng alak. Gulat na napaigtad ang dalaga ng mabasag ang maliit na vase na nakapatong sa isang maliit na lamesita sa gilid ng kanyang kama.

"Jaime mag-usap tayo!"

Her eyes widen in fear. Nanginginig na nag-angat ng tingin ang dalaga. Dumako ang kanyang tingin sa kanyang ama. Their eyes met. At sa kauna-unahang pagkakataon nakita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito.

"Get rid of that bastards Jaime!"

Namayani ang katahimikan sa silid. Umiwas ng tingin ang kanyang ama. Nakasunod lamang ang kanyang tingin dito hanggang sa umupo ito sa kabilang dulo ng silid. 

"Plano mo talagang isilang ang mga iyan hindi ba?" Natatawang itinuro nito ang kanyang tiyan.

Jaime remained silent.

Sumandal sa pader si Senyor Florencio. "Ilang taon kitang pinalaki sa bahay na ito, pinakain, binihisan. Tapos ng dahil lang dito ay napunta tayo sa ganitong sitwasyon. Sabihin mo Jaime, masama ba akong tao, masama ba akong ama? Itinuring kitang anak, kahit.... Tinanggap kita, tinanggap ko kayo. Alam mo ba yon! "

Malakas na tinabig ng Senyor ang lamparang nasa mesa. Tumama ito sa sahig at nagkapira-piraso. Dahil sa komuyon sa silid ay natatarantang mga yabag ang bumungad sa pintuan. Habol ang hiningang pumasok ang kanyang ina.

"Florencio anong nangyayari dito?!"

Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Jaime sa boses ng kanyang ina. Nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa kanyang ama.

Itinuring na anak? Napangiti ng mapakla si Jaime. "Kung itinuring mo 'kong anak bakit mo ginagawa 'to. Bakit mo 'ko sinasaktan." Mahinang usal ng dalaga.

Parang walang narinig ang Senyor. "Tinanggap kita haha tang*na. Tiniis ko lahat ng sinasabi ng iba. Tapos ngayon magdadala ka ng bastardo sa pamilyang ito?! Akala mo ako ang sumira sa pamilayang ito? Dahil sa pag papabuntis mo. Ikaw! Ikaw ang sumira dito!"

"Florencio ano bang pinagsasabi mo?!" Nanginginig na linapitan nito ang kanyang ama. Nawalan ng kulay ang mukha ng kanyang ina ng tabigin ito ng Senyor.

"Tama na." Napahagulgol ng iyak ang dalaga. Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang kanyang puso. Masakit.

"Dati ka pang naghihinala hindi ba? Ngayon makinig ka. Hindi kita anak! Ikaw ang sumira ng pamilyang ito! Mula ng dumating ka nagkandaletse-letse na ang buhay ko! Kung hindi dahil sayo maayos at normal ang pamamahay na 'to! Araw-araw mong ipinapaalala sakin ang kasalanan ng nanay mo!"

Sa Paghulog ng Langit (TFOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon