World of Magic
AURORA'S POV
"Siona, bakit hindi ka pa natutulog? Alas-dyes na oh. Sasakit na naman ang ulo mo niyan," tawag pansin sa 'kin ni mama na tiyahin ko.
Ito na ang kumupkop sa 'kin noong nawala si kuya kasama sila mama't papa dahil sa isang aksidente. Kahit matagal na 'yon ay sariwa parin sa ala-ala ko ang lahat. Kung paano nawala ang mga mahal ko sa buhay.
Nakasuot ito ng bulaklaking bestida na kulay pula. Nakapusod din ang buhok nitong mahaba na hanggang bewang na niya. Kahit matanda na ito ay maganda parin kaya lang ay walang anak. Sayang ang lahi nila ni papa na aking tiyuhin.
"Matutulog na po, ma," sagot ko at sumunod nang pumanhik sa itaas.
Sila rin ang may sabi na tawagin ko silang mama at papa. Pangalawang magulang ko na rin kasi daw sila. Tinuring nila akong tunay na anak. Binihisan, pinaaral, at pinakain.
Humalik muna ako sa pisngi niya at saka pumasok na sa kwarto ko. Nanghilamos muna ako bago dumiretso sa kama at naupo. Kinuha ko ang family picture namin. Naka-wacky face kami pwera sa 'kin na nakabusangot. Naaalala kong inaasar ako ni kuya na ngumiti kahit na ayaw ko dahil bungi ang ngipin ko.
Napahaplos ako sa mukha nila. Nararamdaman ko na naman na parang may gumagapos sa dibdib ko. Nanunubig ang mata. Hanggang isang patak ng luha ang kumawala sa mata ko at sinundan pa iyon ng hindi mabilang na luha. Sunod-sunod. Walang tigil.
"Ba't niyo ko iniwan?" Piping tanong ko.
Paulit-ulit kong tanong 'yan gabi-gabi. Walang palya. Pero ako lang ang mukhang tanga dahil wala akong makuhang sagot dahil wala na sila. Hindi na sila babalik. Patay na sila.
Niyakap ko naman ito. Bumubuhos parin ang mga luha ko. Napatingin ako sa bintana nitong kwarto. Binitawan ko muna ang frame at hinawi ang kurtina. Kung may nakakapagpapagaan ng loob ko iyon ay ang mga bituin.
Kumikislap-kislap kasi sila na parang mga dyamante. Pinapasaya ka at napapangiti. Nakakagaan rin sa pakiramdam. Dagdagan pa ang kulay ng mga ulap na parang kalawakan. Naghahalo ang kulay ube, rosas, asul, dilaw, berde at itim. Hindi mo maipaliwanag. Tuwing tinitingnan ko nga ito ay naiimagine ko ang milky way, andromeda o universe. Mahilig ako doon, sa astronomy.
Pero sabi ng Science teacher namin na hindi raw kaya ng mata natin na makakita ng ganyan kalayo. Tanging bituin lang at ang buwan. Napaupo naman ako ng tuwid nang may dumaang falling star. May isa akong hiling na palagi kong sinasabi.
Umupo ako ng maayos at nag indian sit saka pinagdikit ang palad. Huminga ako ng malalim saka pumikit bago binigkas ang hihilingin ko.
"I wish I can escape the reality and go to the fantasy." Inulit ko pa 'yon ng dalawang beses.
Nang matapos ay unti-unti akong nahiga at kinain ng antok hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari sa paligid ko.
"We better move her in Mageía, delikado na siya."
May mga naririnig akong boses pero hindi ko maklaro kung kanino 'yon. Dalawa sila...
"But, Chrysós..."
"No more buts' Satira, para rin ito sa ikakabuti niya. She's not safe anymore in the mortal world."
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...