MISSION
AURORA'S POV
Lumipas ang araw at linggo ay lahat ng estudyante sa Academía ay sinasanay na. Sinasanay kung paano kontrolin ang hawak nilang kapangyarihan at kung paano humawak ng mga sandata. At ngayong araw rin ay ang pagtalaga sa 'kin bilang anak ng pinakamakapangyarihang tao, ang Sugo at ang Reyna. Nagtipon-tipon lahat ng estudyante't guro sa loob ng bongalo ng Academía.
"A pleasure to our Queen Chrysós and Delegator William for coming in this afternoon to witness the crowning of the Legendary Monarchy Princess Siona Aurora Chrysós-Evergreen. Let's give her a round of a plause," anunsyo ng principal.
Nagsipalakpakan naman ang lahat at umakyat na ako. Ramdam ko ang mga pinupukol nilang tingin sa 'kin. Hindi ko man gusto ng atensyon pero ano ang magagawa ko alangan naman tanggalan ko sila ng mata. TSS! Tumigil ako sa gitna at humarap sa napakaraming estudyante't guro.
Napatingin naman ako sa gilid ng tumabi sa akin at Reyna. Niyakap naman ako nito kaya't niyakapa ko rin ito pabalik. Kumalas na ito ng yakap at tinungo ang ang principal na hawak ang mekropono. Nakasuot ito ng puting mamahaling kasuotan na siyang nakapagpabunyag sa kagandahan nito lalo.
"Good morning students," bati nito. Bumati naman sila pabalik. "I can't wait to announce to all of you that this young beautiful lady in front of the middle is my daughter, Aurora Peters," may mga nagbubulungan naman, ang ina ay pumalakpak at ang iba ay hindi makapaniwala.
May naramdaman naman akong liwanag na pumalibot sa akin at nang mawala ito ay nag-iba na ang suot ko. Isang mahabang puting bistida na pinaresan ng gintong korona. Hindi naman masyadong mabigat at katamtaman lang.
"I declaring that Aurora Peters is a part of The Monarchies and The Keepers and face the mission that will be gathered to gave them," anunsyo nito. Nagulat naman ako sa sinabi nitong 'misyon' daw kuno. "Please go on stage monarchies and keepers," kaya napalingon ako sa may gilid ng stage. Isa-isa silang lumabas at nakangiting napatingin sa 'kin, pwera na lang kay Iris na matalim ang titig sa 'kin.
Anong ginawa ko diyan?!
Hindi ko na ito pinansin at itinuon na lang ang tingin sa Reyna. Lunapit naman ang Sugo sa kanya at tumabi sabay kuha ng mekropono dito. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na sila ang tunay kong magulang. Its been a week ng malaman ko iyon.
"Oh My Gosh! Magkasama na kami ni Jack hihihi," kinikilig na sabi nito. Tss! Kung ako siguro ang nasa posisyon ni Iris ay sa utak ko na lang ito sasabihin, pwede namang hindi ibuka ang bibig.
"At ang misyon na ibibigay ko sa inyo ay ang kunin ang bato ng Smaralda sa kamay ng pinakamagaling na sourcerer na si Galea. Siya ang pinakamagaling na sourcerer sa buong Kosmós de Mageía at siya ang tagapangalaga ng nga halaman na tumutubo sa buong Mageía," usal nito. Tumingin naman ito sa akin at nag salita,"At bukas ang simula ng inyong misyon," nabigla naman ako doon. Bakit bukas agad? Nagmamadali ba sila?
"At sa lahat ng nakipaglaban sa mga Black Hallows ay bibigyan ng parangal ng Academia sa ngalan ng ating Reyna Chrysós," nag sigawan naman ang lahat ang iba ay sobrang saya. Iba't-iba rin ang naririnig kong bulungan.
"Hahaha sigurado akong madaragdagan na naman ang kolekta ng badge ko!" -estudyante 1
"Salamat at may badge na rin akong matatanggap!" -estudyante 2
"Ano kayang badge ang ibibigay sa atin?" -estudyante 3
"Matatanggap niyo ito pag nasa mga silid na nintyo kayo. Ang mga guro na ang magbibigay taga isa sa inyo ng badge," nakangiting pahayag ng Reyna. "Sa ngayon ay magsibalik na kayo sa kanya-kanyang silid ninyo," at pagkatapos ay ibinaba na niya ang mekropono na hawak niya at nag sitayuan naman ang mga estudyante at sabay-sabay na nag siyukuan.
Pagkatapos ng programa ay bumaba na kami sa stage at dumeretso sa opisina ng punong guro. Umupo naman ako sa may couch dahil napagod ako sa kakatayo sa harapan kanina. Ni wala naman akong ginawa, litse! Lumubog naman ang upuan hudyat na may umupo, nakapikit kasi ako! Tss!
"Au," rinig kong boses na sabi ni Rain? Dumilat naman ako at tumingin sa kanya kaya natitigan ko ang mata nito. Seryoso lang akong nakatingin dahil napapagod talaga ako. Tapos kakausapin pa niya ako. Nakakapagod!
"Hmm?" takang tanong ko dahil hindi man lang ito nag salita. Nakatunganga lang kasi ito habang nakatingin sa 'kin. Anong problema nito? Tss! Ngumiti naman ito saka nag salita.
"Hindi ko aakalain na isa ka palang dugong bughaw at ang mas nakakatawa pa doon ay ang mas mataas na lebel mo sa 'min," natatawang ani nito. Sumandal naman ito sa sandalan at hindi parin inaalis ang tingin sa 'kin. "Aurora, sana kahit nalaman mo ng isa kang dugong bughaw at pinakamataas sa amin. Sana hindi ka mag bago dahil sa tingin ko mas lalong lumalalim ang tingin ko sayo," para naman akong na pipe sa sinabi niya. Heto na naman yung pakiramdam na hindi kaaya-aya. Umayos naman ako ng upo dahil hindi ko talaga inaasahan ang sinabi niya.
"A-ah, hindi naman talaga ako magbabago," habang pilit na pinapa-astig ang boses ko. Hindi ako sanay na may nagsasabi sa kin ng mga ganitong bagay. "Bakit naman ako magbabago diba? Ano naman kung isa akong maharlika, tsk!," at sumandal ulit sa couch. "Hindi porket mas mataas ang antas ko sa inyo magbabago na ako, hindi ako ganoong klase ng tao Rain. Pantay-pantay ako tumingin," seryosong usal ko. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"Tama nga ako, hindi ka talaga magbabago," at tumawa ito ng mahina.
Bumukas naman ang pinto kaya napatingin ako roon. Nagsipasukan naman Silva kaya tumayo na rin ako para salubungin sila mama' papa. I prefer to call them mama and papa dahil hindi naman ako ganon ka ignorante kung tatawagin ko sila ng pang-sosyal. Yumakap naman sakin ang Reyna at kumalas din agad ito.
"Are you tired?" tanong nito.
Umiling naman ako kahit pagod ako kanina pero nawala 'yun dahil kay Rain, tsk! Mamaya na lang siguro ako magpapahinga. Umupo naman kami sa may mahabang mesa kung saan kasya kaming lahat. Katabi ko naman si Jack na halatang hindi nagugustuhan ang presensya ni Iris. Kanina pa kasi ito dikit ng dikit. Gusto kong humaglpak ng tawa dahil sa mukha ni Iris na nagpapacute at kay Jack na parang mangangain ng tao dahil sa kunot nitong noo. Tss! Napapailing na lang ako. Tsk! Note: Wag ipilit ang sarili sa taong ayaw sayo.
"Nandito kayo para sa misyon di ba?," tanong ng Sugo. Nagsitanguan naman ang ina habang ako ay nakikinig lang at hindi kumikibo. "Kailangan niyong makuha ang bato ng Smaralda para mapatibay ang harang ng Academía dahil pag nagkataon ay lulusubin tayo ng mga Black Hallows," seryosong usal nito. Napatingin naman ito sakin. "Lalong-lalo ka na Siona dahil ikaw ang target nila ay dapat mag doble ingat ka," paalala nito kaya tumango ako. "At may isa pa kayong makakasama ay hindi dalawa pala dahil kambal sila. Papasukin sila," baling nito sa gwardya kaya tumango ito. Pumunta ito sa pintuan at binuksan may naririnig naman akong nagtatalo na dalawang boses.
"O.M.G Bett makakasama natin ang mga monarchies at keepers. Excited na akong makita sila huhuhu lalong-lalo na si Iris!" madaldal na sabi ng isa.
"Can you shut your fucking mouth Becca?! Your so damn annoying!! Tss!" murang-mura na sabi ng isa. Napangisi naman ako ng maalala sila. Sila yung kambal na nakita ko sa unang araw ko dito.
"Its seems they fighting," usal ni Thunder.
"Parang mapupuno ng mura ang utak ko nito," sabay takip sa tenga ni Dren.
Nang makalapit na sila ay nakita kong natahimik sila at parang nahihiya. Parang hindi naman tinatablan ng kahihiyan ang isang babae na grabe kung makangiti.
"I really can't believe this na nasa harapan ko ang iniidulo at hinahangaan kong mag jowa," ammuse na sabi nito. Tumikhim naman ang sugo kaya napatingin ang dalawa dito. Napayuko naman ang babaeng madaldal kanina.
"Please have a sit Silva twins," at iminuwestra ni itay ang upuan na kaharap ko. Naupo naman agad ang dalawa at napatingin naman sakin ang isang kambal na sa tingin ko ay ito yung nagmumura. Ngumiti naman ako ng tipid kaya nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito at napalunok. Kung kayo siguro ang nasa posisyon ko matatawa kayo, sino ba namang hindi? Tss!
"Ngayong kompleto na kayo ay ibibigay ko na sa inyo ang basbas bilang isang slayer sa buong mageia. At sa paglabas niyo sa academia ay magsisimula na kayong maglakbay," itinaas naman nito ang kamay at saka nagliwanag habang unti-unti kaming pinapalibutan. Parang may nararamdaman akong isang inerheya na pumapalibot sa buong sistema ko. Nang mawala na ang liwanag ay nagkatinginan kami ng nasa harap na kami ng main gate ng mageia. Pano nangyari yun? Ngayon na ba talaga kami maglalakbay? Ahh!! Gusto kong matulog eh!
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...