CHAPTER 9

11.3K 317 3
                                    

Confuse Aurora

AURORA'S POV

"Magiging isa siya sa inyo dahil i-gu-grupo ko kayo sa tatlo. Clarisse, Drench at Rain kayo ang mag kaka-grupo. At Jack, Thunder at Aurora kayo naman ang mag kaka-grupo," sabay turo niya sa amin isa-isa.

Magiging ka grupo ko pala 'yung Jack. Kanina pa siya tahimik, minsan naman nagsasalita. At pati 'yung malakas mang asar ka-grupo ko rin.

"Ano naman ang gagawin namin, Ma'am?" tanong nung Rain at tumingin sa 'kin saka ngumiti. Eh?!

"May i-a-assign ako sa inyo dahil kailangan niyong pumunta sa mundo ng mga tao," sabi nito.

Napakunot naman ang noo ko. Mundo ng mga tao?

"OMG! Hihi shopping-shopping na this!" excited na sabi ni Clarisse.

"Yang utak mo talaga, puro gala ang laman," pang-aasar naman ni Thunder dito.

"At least meron eh 'yang sa 'yo nga puro ka eng-engan ang laman," sagot nito.

Nagsisimula na naman.

"Ako? Eng-eng? eh si Drench 'yung eng-eng sa 'tin hahaha," saka ito humagalpak ng tawa at pinalo-palo pa ang mesa.

"Hoy ba't nasali ako diyan?" inis na sabi ni Drench.

Bago pa sila mag-away ay pinatahimik na sila ni madame. Para kasing walang plano silang tumahimik.

"Bago pa dumating ang annibersaryo ng paaralan kailangan nating bumuli ng mga kakailanganin at ang High Empire na ang bahala doon. Bilang principal ng paaralan na 'to ay inuutusan ko kayong gawin ang bagay na 'yun," saka ito tumayo at hinarap kami. Para siyang pulis na nag pa-plano ng gagawin. "Una ay kailangan natin ng mga booths at ang grupo nila Rainstorm ang bahala dun, sabagay eh nandiyan naman sa inyo si Clarisse at siya na ang bahala sa mga booths at kung may mga ediya kayo ay pwede niyo namang idagdag," at tumingin ito kay Clarisse ng nakangiti.

"Omo! Hihihi ipapadagdag ko talaga ang fashion booth at syempre ang selfie booth!" kikay na pagkakasabi nito.

Umismid naman sa kanya si Drench at kunot ang noo nito.

"Photo booth yun oy! Selfie booth-selfie booth!" sabi nito.

"Hmm! Pwede naman 'yun ah?! Hmmm! Hello? Melenial na ngayon!" nakataas na kilay na ani nito.

"Can you please don't fight?!" inis na sabi ng katabi ko. Si Jack.

Tumahimik naman ang dalawa pero nag babangayan parin ito ng pabulong. Tumingin naman ito sa gawi namin. Napapagitnaan kasi ako nila Thunder at Jack. Nakahalukipkip lang ako at naghihintay ng sasabihin ni ma'am.

"At kayong tatlo naman ay maa-assign sa mga rides," ngiting saad nito. "Kailangan ang pagkukunan natin ng materyales ay maganda't matibay para iwas sa disgrasya. "Napatango naman kami,"at kung anong mga ideya ang nasa inyo ay pwede niyo namang idagdag," saka ito ngumiti sa amin.

Marami pa kaming napagusapan tungkol sa annibersayo daw ng paaralan. At napagusapan din namin ang tungkol sa Masquerade Party na gaganapin para sa huling gabi ng annibersaryo.

Pagkatapos ng meeting ay nag paalam na ito dahil marami pa daw itong gagawin.

"Alis na 'ko," saka ako tumayo at inusog ang upuan para makaalis na ako.

"Sa'n ka pupunta Au?" nakangiting tanong ni Clarisse.

"Magpapahinga na ako dahil pagod na ako," sagot ko rito.

"Aww ok! Hihihi saan nga pala 'yung dorm mo?" tatango-tango​ pa nitong sagot at tanong.

"Second floor, room 43," sagot ko ulit.

"Ahh ok-ok! Ingaaaat," at ngumiti ito ng malapad.

Tiningnan ko muna sila isa-isa saka tumango. Pero iba 'yung pag tingin ko kay Jack, parang nakita ko na siya dati. Pamilyar kasi 'yung mukha niya. Lahat ng sa kanya pamilyar.

Is there something with him in my past? Or nababaliw na ako?

***
2018

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon