CHAPTER 5

12.4K 337 8
                                    

Versus

PROFESSOR EDWARD'S POV

Nakatingin lang ako sa babaeng nakahulakipkip sa upuan niya. Habang ang ibang kaklase niya ay lumulutang. Pati rin naman ako. Wala akong makitang reaksyon niya. Basta na lang na may puwersang nagpalipad sa amin na parang walang gravity.

'I can't believe it! Ngayon lang ako nakakita ng kapangyarihang ito!'

"Oh my gosh she's so scary!" Sigaw ng isang estudyante.

"That's enough, Miss Peters," sabi ko kaya napababa na niya kaming lahat. "Very good, but a confusing one." Nakangiti kong sabi dito.

"Akala ko papatayin mo na kami doon ah?!"

"Akala ko nga rin itatapon mo na kami," hindi makapaniwalang sabi ng mga estudyante ko.

Nakita ko namang ngumisi ito saka humalakipkip habang umiiling-iling. Iba siya, 'yon ang nararamdaman ko. Iba siya sa lahat, sa aming lahat. Hindi ko alam kung saan siya nagmula. At kailangang malaman ito ng High Empire Monarchies.

-

AURORA'S POV

Pagkatapos ng ginawa kong palabas kanina ay nag paalam na si Prof. Edward. Lumabas naman ang mga kaklase ko dahil breaktime na rin.

May mga nag-aalok sa 'king sumabay ng recess pero hinayaan ko lang ang mga ito. Nakakapagod din kasi minsan ang paulit-ulit na pagtango at pagsalita. Alam kong bastos o hambog tingnan pero 'yon talaga ang totoo, di 'ba? Minsan nga nasasabihan pa tayong snob kahit ang totoo ay napapagod lang tayong makipagusap.

"Uy! Ako na ang mag o-order, total ako naman ang madaling maka-memo ng mga salita," presenta ng isang estudyante na hindi ko kilala. She has a small chubby face, small hair with a bangs, and a small pointed nose with heart shape lips. She's cute in overall.

"Ako naman, Devine, orange juice saka one slice pizza," sabi no'ng isa. A thin-tall lady with blond wavy curly hair. She has a pale blue eyes and a heart shape face. She's pretty. So her name is Devine.

"Sa 'kin naman, two hotdog tapos one coke in can," usal nung isa tapos binaling 'yong tingin no'ng Devine sa 'kin. This girl has a morena skin at masasabi kong natural ang pagkaganda niya. Nakadagag ang pilikmata nitong mahahaba at makapal.

"Same of them," sabi ko kaya tumango na ito at nag martsa na paalis.

Humalumbaba naman ako sa mesa dahil bakit walang tinuturong academic dito eh isang academy naman ito pero hindi nga lang pangkaraniwan. Pero kahit na gano'n ay dapat hindi nila pinapabayaan ang pag-aaral ng isang kabataan lalo na't sa mga edad na ito ay nasa sekundarya palang. Marami dapat ang natututunan.

Naguusap ang tatlo habang ako ay busy sa kakalibot ng tingin sa mga estudyanteng kumakain at naguusap sa table nila. Mabuti at walang bully dito.

"Here's the food girls!" Umayos naman ako ng upo dahil dumating na si Devine. Ang bilis naman?

"Thanks Devine," usal nung isa.

"Welcome, oh siya kain na," saka na kami nag simulang kumain.

Sa kalagitnaan ng tahimik na kumakain ang nasa loob ng school canteen ay may bigla namang gumawa ng eksena sa may counter. Kakasabi ko lang na walang bully dito pero akala ko lang pala. Kailan pa ba mawawala ang mga bullies sa school? Even if this is a magical school hindi parin 'yon mawawala.

"Ano ba?! Tanga ka ba? Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Rinig kong sigaw ng isang boses babae. Malalaman mo na galit ito dahil sa bigat ng mga salita na binibitawan niya.

"Hala,si Margaret 'yon ah?" Rinig kong usal ni Devine. Kaya napatingin ako rito. Napatingin naman ito sa 'kin kaya alanganin itong ngumiti.

Margaret, pangalan pa lang, asal hindi maganda na. Nararamdaman kong hindi maganda ang mangyayari ngayon dahil sa atmosphere na nakapalibot sa loob. Its heavy and black.

"Saan diyan?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Gusto kong tulongan ang sinigawan niya.

"A-ah ano kas--"

"Sa'n?" Pagputol ko sa sasabihin niya. Nararamdaman kong nagaalangan siyang sabihin. "Wala naman akong gagawin," nakangiti kong sabi.

"Ah 'yong sumigaw k-kanina," utal na sabi nito. Bakit nauutal? E, hindi ko naman aanuhin 'yong babae.

Tumingin naman ako sa Margaret at nakita kong hahampasin niya ito ng food tray ay sinangga ko na ito. Nang kapangyarihan ko. Hindi ko binibitawan ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa tray na tingin ko ay makapal talaga.

Nanginginig ang babaeng estudyante na sinigawan niya na sa tingin ko ay nasa lower year pa. Nakayuko ito at alam kung umiiyak dahil sa 'pag galaw ng abaga nito.

"What?!" Gulat na usal nito. Nakatingin siya sa kamay niyang hindi niya maigalaw.

Iiling-iling na lumapit ako rito saka tinayo ang babae. Mataba ito kaya siguro madaling awayin at mapansin ng mga papansin. Tama nga ako, nang hawakan ko siya sa kamay ay giniginaw ito kaya alam kong kinakabahan siya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko rito. Tumango naman ito at tumingin sa 'kin. Nginitian ko siya para sabihing ayos lang ang lahat. Pinaalis ko siya sa lugar na iyon.

Hinarap ko naman ang babae na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya at nasa ere parin ang food tray na hawak-hawak niya sa kamay, tss, so cheap. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Discriminating weak people it means you're nonsense and stupid." Nakangising usal ko.

Nakataas ang kilay ko dahil gustong-gusto kong tarayan ang mga malditang katulad niya. Para maipamukha sa kanya na sa dinami-dami ng tao sa mundo ay may katapat siya.

Kumunot naman ang noo nito. "Using your power at someone who doesn't care for your existence means you're weak, immature and stupid." Ani ko rito habang tinitingnan siya ng masama. Sinubukan naman nitong gumalaw pero walang nangyari.

"OMG, what happened to Marga?"

"Who's that girl ba kasi?"

"She's a new transferrie."

Pero hinayaan ko lang sila puro lang naman kasi sila dada ng dada eh. Pati sila nakikialam. Kung ipamukha kaya nila sa babaeng 'to na hindi tama ang ginagawa niyang pangmamaliit ng ibang estudyante.

"Insecurities means D--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay may isang bola ng apoy ang papalapit mabuti na lang at nakaiwas ako.

"Kyaaaaah," sigawan ng mga estudyante.

Gumawa naman sila ng daan para makalakad papalapit rito ang kung sinong Pontio Pilato ang nagtapon nun sa 'kin.

"Using your power, Miss, it means breaking my rule and law of the Academia," makahulugang sabi nito. Pakialamero!

Nagpalabas ito ulit ng bola ng apoy at tinapon sa 'kin pero pinigilan ko ito. Kaya nasa ere ito't nakalutang. Nakita ko namang nagulat ito pero hindi ko ito pinansin at kinain ng kamay ko ang kapangyarihang inilabas niya. Medyo masakit siya dahil hindi pa ako sanay.

"Stop it Mister, you're just wasting your power," nakangising usal ko para maitago ang hapdi sa may palad ko. Parang naninigas ang mga ugat nito.

"P-paano?" Utal niyang sabi.

"Longer than I say, you will know that one day," makahulugang usal ko saka na sila/siya iniwan doon. Kailangan ko ng gamot. Ang hapdi!

2018

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon