THIRD WAR
NARRATOR'S POV
Isang napakalakas na bultahe ng kuryente ang tumama sa buong kalupaan ng academia. Naging sanhi ito upang mawasak ng tuluyan ang harang na pumapalibot sa boong paaralan. Nag simula ng umatake ang mga kalaban. May nilalabanan ng iba ngunit hirap nila itong hulihin at patayin. May iba ay natatamaan ng bolang itim at nagiging abo ito. Dilikado. Sobrang dilikado kapag tumama ito sa iyo. Maaari kang maging abo kapag tumama ito sa iyo.
"Ahahahaha!" Isang malakas na pagtawa ang narinig ng lahat. Naging itim ang kulay ng mga ulap. Natatakpan na ang sinag ng araw. Lumabas ang isang bulto ng babae mula sa ilalim ng lupa. Napapalibutan ito ng itim na awra.
"M-madame," pabulong na sabi ng ilan. Hindi sila makapaniwala na nakatingin rito. Ibang-iba na ang katauhan nito. Buhaghag na buhok habang nakatali. Nakakapang itim. Nakadamit ng mahaba at kulay itim na damit.
"Stupid students!" galit na sigaw niya. "Hahahaha! Mga hangal! Hindi ko akalain na magiging ganito ka dali ang pag lusob namin sa Akademya," at ngumisi pa ito ng nakakaloko. "Hindi niyo man lang napansin na ang mismong iginagalang ninyo ay siyang pinuno pala ng mga mortal niyong kaaway!" Asik nito. May hawak itong tungkod na siyang nakakapagpalaks pa sa kanya lalo. Dito rin nagmumula ang kapangyarihang itim niya.
"Ngayon! Sisiguraduhin kong magiging akin ang buong Kosmos de Mageia! At luluhod kayo sa harap ko para mag makaawa! Hahaha ang saya no'n!" At tumawa ulit ito na parang demonyo.
Nagsidatingan ang mga ibang estudyante't mga guro. Nagtipon-tiponang mga ito. Nagkakaisa. At tinatatagan ang loob alang-alang sa kabutihan ng lahat. Na sa gitna si Propesor Edward at may hawak itong espada. He's a water-fire slayer. Ang hawak nitong espada ay sumisimbolo sa kapangyarihan nito. Mahaba at pa-arko ang guhit ng espada na may dalawang bato sa hawakan. Mababakas sa mata nito ang galit.
"Hindi ako makapaniwala na isa ka palang traydor Victoria. At hindi ko alam kung bakit mo ito ginawa! Itinuring kita bilang nakakataas at bilang kapatid pero ikaw naman pala ang mismong bumali," usal nito.TTiningnan lang siya nito na parang nahihibang at ngumisi.
"Ni-isa sa inyo hindi naman alam kung bakit ako nagkakaganito hindi ba?! Ni-hindi niyo naman alam kung bakit ako nag traydor sa Mageia 'di ba?! Kaya wala kayong karapatan na tanongin ako kung bakit ako nagkakaganito dahil wala kayong alam!" Galit na sambit nito.
"Hmm-ha! Aha-ahaha-ahahaha-ahahahaha!" At lumakas pa ang tawa nito. "Ngayon, subukan natin ang tapang niyo. Subukan natin ang tatag ng loob niyo! Subukan natin kung hanggang saan ang kaya niyo!" Asik nito at ngumisi sabay taas ng tungkod niya. Kasabay naman nun ay ang pagdilim ng kalangitan. Lumakas ang ihip ng hangin. Nagtipon-tipon naman ang ng mga alagad ni Victoria, ang black hallows.
"Bago ka gumawa ng ikamamatay mo, siguraduhin mong ako ang gagawa," isang nakakapanindig balahibo ang narinig ng lahat. Alam nila kung kaninong boses yun. Nabuhayan naman sila ng loob dahil alam nilang may pag-asa silang manalo.
Bigla ay nawala ang maitim na ulap at naging kulay kalawakan ito. Ube, berde, asul, na magkakahalo. Napakaraming bituin ang nagkikislapan. Isang nakakasilaw na liwanag ang kumawala dito at napapikit ang lahat. Biglang lumamig ang temperatura kasabay pa ang pagihip ng hangin.
"M-monarchies," usal ng propesor. Unti-unting nawawala ang liwanag at unti-unti ring nakikita ang anim na bulto ng tao na napapalibutan ng kanya-kanya nilang kapangyarihan. Parehong nakasuot ang mga ito ng pulang kapa na sumisimbolo sa kung sino sila at sino ang sinusunod nila.
"A-aurora," mahinang bulong ni Victoria. Ibang-iba na ito.
Kulay kalawakan na mga mata at ang kulay ng buhok nito. Napakamakapangyarihan ito kung tumingin. Hindi mo kakayanin. Para kang hinihigop. Katabi nito si Jack na mistulang naging si Jack Frost. Ang dating kulay itim nitong buhok ay naging kakulay ng nyebe. Ang mga mata nito na kay lamig tumingin na para kang magiging yelo. Hindi ito mababakasan ng kahit anomang reaksyon.
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasíaSa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...