WAITING
PROFESSOR EDWARD'S POV
Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga bata na ngayon ay masayang nag iinsayo para pagehusayin sila sa laban.
Matagal na panahon na simula ng mangyari ang ikatlong laban sa pagitan ng mabuti't masama. Pagkatapos ng laban ay wala ng mga black hallows. Natalo ito ng prinsesa. Si Aurora.
"Waahh! Bakit ayaw paring lumabas nung akin? Bakit natutunaw lang?!" Reklamo ng isa sa kanila. May kulay abo itong mgamata na sumisimbolo ng hangin.
"Ayaw ko na! Suko na ako!" At napahiga pa ito sa damuhan. Sa kanilang anim ay siya ang pinakamatanda. May kulay apoy itong buhok.
"Ang hihina niyo naman eh! Wala pala kayo sa kalingkingan ko. Suuuuuus!" Mahangin na sabi naman ng isa sa kanila at nag taas noo pa ito. May mahaba at makintab itong buhok na kulay asul. "Hoy lolo! Baka mapagod ka diyan. Halika rito!" At iminuwestra nito ang kamay para palapitin ang isa sa kanila. Lumapit naman ito at may masamang pinupukol na tingin sa tumawag sa kaniya.
"Huwag mo nga akong tawaging lolo! May pangalan ako!" Galit na sabi nito at binatukan sa ulo. "Gawin kitang yelo diyan eh!" At nagpalabas ito ng maliit na bolang nyebe. May kulay nyebe itong mga mata na pinresan ng kulay gintong mata.
Napapailing na lumapit ako sa kanila. Kahit ganyan sila ay magkakaibigan parin naman sila. Ganyan lang sila mag lambingan. Napatayo naman ang mga ito ng tuwid ng makita akong papalapit sa gawi nila. Para itong mga sundalo kung makatindig.
"Master!" Sabay-sabay na sabi nila at nagsiyukuan. Napatawa naman ako ng mahina. Hindi ko aakalain na magiging ganito sila kabait kahit na mga pilyo minsan.
"Tapos na ba ang ensayo niyo?" Tanong ko. Napatingin naman sila sa akin at sabay-sabay tumango kasabay ng ngiting malaki sa labi nila.
"Opo master!" Agarang sagot nila.
"Talaga?" Kunyaring paninigurado ko at sumingkit ang mga mata ko. Napaiwas naman sila ng tingin at sabay napasipol-sipol sa hangin. Tsk! Mga pasaway. "Sumunod kayo sa akin. May ipapakita ako," at tiningnan sila isa-isa. Napatingin naman sila sa akin na may nagtatakang tingin. Tumalikod na ako at nag simula ng mag lakad.
"Ano po 'yong ipapakita niyo sa amin, master?"
"Saan po iyon?"
"Malalaman niyo rin basta sumunod lang kayo sa akin," sagot ko.
Nakarating kami sa loob ng pinakatatagong lugar sa buong academia. Simula nung matapos ang ikatlong labanan. Lahat ng nasaloob nito ay mga alalala sa mga lumaban noon at sa mga nasawi kabilang na ang mga anak ng bawat monarkiya.
"Woah! Ang ganda!" rinig kong mangha na sabi ng mga ito. Napatingin naman ako sa kanila at inililibot ng mga ito ang paningin nila. Napansin ko namang nakatingin si Leandro sa malaking painting na nakapaskil sa malaking dingding. Parang sinusuri niya ito. Tumatagilid pa ang kanyang ulo na mukhang napakaseryoso niya. Si Leandro ang may kulay nyebeng buhok na tinatawag nilang 'lolo'.
"Uy lolo! Ang seryoso mo naman! Tsk! Huwag mong sabihin na nagkagusto ka diyan? Nakuuuu hindi ka si Binibining Carmela para mainlab sa wala na," asar na sabi ni Zam ang may kulay apoy na buhok.
Inismiran naman siya nito. "Tch! Parang nagagandahan lang kasi eh no? Master!" Napatingin naman ako rito at saka lumapit na may nagtatakang tingin.
"Bakit?" tanong ko.
"Ahm, sino po sila? Mga ninuno po ba natin sila, Master?" tanong nito. Napahawak naman ako sa balikat nito sabay ngumiti ng makahulugan. Tumingin ako sa malaking painting at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...