CHAPTER 21

9.7K 253 2
                                    

PARTY

CLARISSE'S POV

"Hmmm," pakanta-kanta ko habang naliligo. Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako. Hindi ko talaga ma-imagine na gagawin niya akong ka date mamaya sa party. Sobrang gwapo, matcho. 'Yung mga bisceps niya pumuputok sa laki. 'Yung labi niyang kay pula na parang mansanas at mga matang kasing kulay ng abo. Para akong bata na pinansin ng crush niya.

Flashback...

Nang makauwi na kami galing sa bayan ay pumaunang lakad na si Aurora dahil pansin kong nalilito ito at pagod. hindi rin talaga ako makapaniwala kanina. No'ng lumapit kami sa kanya ay bigla na lang huminto ang oras. Hindi kami makagalaw at wala kaming naririnig. Parang may kumokontrol sa katawan at kapangyarihan namin.

"Una na kami Clarisse, maghahanap pa kami ng ka date," usal ni Dren kaya napabaling ako rito. Date? Hahaha niloloko ba ako nito?

"Date?" natatawang ani ko. Tiningnan naman ako nito ng masama.

"Tss! Makatawa naman 'to. Hindi ka sana ayain ni Fabio!" inis na sabi nito. Masama ko naman itong tiningnan.

"Makasabi ka rin! Kunin ko 'yang hininga mo eh!" sabi ko kaya napangiti agad ito ng pilit.

"He-he biro lang besplen, una na kami, tara na Thun," sabay aya nito kay Thunder na kanina la tahimik. Himala yata ah?

"Mabuti pa! Dahil mag beau-beauty rest muna ako," sabay flip hair ko at tumalikod na sa kanila. "Bye!" sabay kaway ko ng patalikod. Mga baliw talaga! Magtataka talaga ako kung may pupulot sa dalawang 'yun.

Habang nag lalakad ay panay ang bati sa 'kin ng mga estudyante na nadadaanan ko. Paulit-ulit lang din ang sagot ko.

"Hi Princess Clarisse."

"Hello!" paulit-ulit lang diba? Pero ang kaisa-isang taong gusto kong bumati sa 'kin ay ang hirap umasa! At hindi talaga ako aasa!!!

"Mahal na prinsesa!" tawag ng isang boses at alam ko kung kanino 'yun! Si Fabio!

Nilingon ko naman ito kung saan nanggagaling ang isang boses. At hindi nga ako nagkamali. Isang napakmatipunong nilalang ang lumalapit sa 'kin ngayon. Ang perpektong hugis ng mukha nito. Ang panga na kay bagay sa kanyang labi, ilong at mga magagandang mata. Hindi ko talaga maiwasang pagpantasyahan siya. Hindi ko rin maiwasan na ibigin siya. "Mahal na prinsesa?" napabalik naman ako sa reyalidad ng may humawak sa balikat ko.

"O-oh F-fabio?" parang tangang sabi ko. Eh sa hindi namalatan na nandiyan siya eh! Ang gwapo kasi parang 'yung mga modelo ng ibang bansa. Moreno pero gosh! yummy! "K-kumusta?"­ tanong ko rito. Ngumiti naman ito 'saka napakamot ng ulo.

"Ayos lang naman po mahal--" itinaas ko naman ang kamay ko kaya naputol ang sasabihin nito.

"Wag mo na akong tawaging 'Mahal na Prinsesa' at wag ka na ring mag 'po' dahil mas matanda ka pa sa'kin Fabio,"ani ko. Nakita ko namang napalungkot ang noo nito kaya ngumiti ako.

"Hindi po yun pwede mahal na prinsesa ginagalang ko po kayo dahil anak kayo ni Haring Vincent," malumanay na sagot nito kaya nalungkot ako pero hindi ko na lang pinahalata. Ngunitian ko na lang ito bago nag-salita.

"Ayos lang yun Fabio, pag sa labas ng kaharian ituring mo akong kaibigan," ani ko. Pwede pa ngang kaibigan. Charing!

"P-pero"

"Ayos lang at ako ang sundin mo dahil yun ang inuutos ko sayo," may-penal sa pagkakasabi ko. Napabuntong hininga naman ito kaya napangiti ako ng todo dahil siguradong suko na ito.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon