CHAPTER 15

10.6K 263 3
                                    

UNCONSCIOUS AURORA

CLARISSE'S POV

Lumipas ang ilang araw at hindi parin nagigigising so Au. Nakabalik na rin kami galing sa mundo nang mga tao. At nabili na rin ang mga kinakailangan para sa annibersaryo ng academía. Sayang nga at hindi namin nakasama so Au, gusto ko pa naman siyang maka-bonding para mas maging close kami.

Araw ng biyernes ay nandito kami sa loob nang bongalo ng Academía, para lamang itong theatro. Nagtipon-tipon ang lahat pati ang mga senior ay nandito rin. Nakita ko nga rin ang kapatid ni Au na si kuya Matt. Nung nalaman niyang na aksidente ang kapatid niya aybsobra ang pag-aalala nito. Pinuntahan niya rin ito sa kaharian nila Dren at tiningnan.

Natahimik naman ang lahat at naupo ng maayos dahil dumating na si Madame Principal. Tiningnan naman niya kami at bumaling sa mga estudyante.

"Good morning students!" bati ni Ma'am.

"Good morning ma'am," pabalik na bati namin.

"Pinatawag ko kayo dahil sa isang mahalagang anunsyo," pagputol nito,"Dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng ikalabing-isang daan na annibersaryo ng academía," dugtong nito. Nagsigawan naman ang iba, halatang excited sila. Pati na rin naman ako kaso ay meron sa parte ko na hindi dahil hindi pa rin nagkakamalay si Aurora.

"Oh! Ba't parang biyernes santo 'yang mukha mo? At halatang hindi ka excited," sabi ni Thunder. Sininghalan knnaman ito dahil nagsisimula na namang mang-asar.

"Excited naman ako ang kaso nga lang ay hindi parin nagkakamalay si Au," sagot ko at humalukipkip sabay sandal sa sandals nang upuan. Napabuntong hininga naman ako dahil sa kakaisip kung kailan magkakamalay si Aurora, malapit pa naman na ang annibersaryo.

"Ako nga rin eh halos mag-iisang linggo na siya sa higaan, hindi ba siya mapapagod kakahiga? Tsk. Kung ako 'yun siguradong mangangalay ang likod ko," sabat naman ni Dren. Nakuha pang mag-biro.

"May mga rides tayo at iba't-ibang klaseng booths. Sa buong mag hapon ay malaya kayong hindi magsuot nang uniporme ng academía at sa pagsapit ng gabi ay magkakaroon tayo ng Masquerade Party," nag sigawan ang lahat dahil doon. Sino ba naman ang hindi, party na 'yun!

"Ang theme ng party ay black and white at exactly six in the evening ang simula nang party. And that's all, students. Maaari na kayong bumalik sa inyong silid," at ibinaba na nito ang mic bago lumapit sa amin. Naka-upo kasi kami sa mismong stage.

Tumayo kami at sinalubong si ma'am dahil mukhang may sasabihin ito. "Monarchies, kumusta na si Miss Peters? Hindi pa rin ba nagkakamalay?" tanong nito.

"Opo ma'am maayos na po ang init ng katawan niya pero ang sabi naman po ni Mama ay baka magkamalay na siya," sagot ni Dren na nasa tabi ko.

"Ganun ba?" at nag-isip pa ito saglit at may kinuha sa kaniyang bulsa. "Ito ipainim niyo ito sa kanya," at ipinakita sa amin ang isang maliit na bote na may lamang likido na kulay lila at parang may silver dust na kumikislap.

"A-ano po 'to?" takang taong ko at kinuha ang ibinigay niya.

"Gamot 'yan para maging maayos ang daloy nang kapangyarihan sa katawan ng isang tao. At 'yan rin ang kahuli-hulihang bulaklak ng orchidées na nakuha ko noon," sagot ni ma'am.

(Orchidees is from the French word means Orchid)

Nagulat naman ako dahil alam ko kung saan ito nanggaling

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagulat naman ako dahil alam ko kung saan ito nanggaling. Ito 'yung bulaklak na matagal nang na sa pangangalaga ni Ma'am. Pinakita niya nga ito sa amin ay bagong tubo pa lang.

"Pero ma'am 'y-yan po 'yung p-paboritong bulaklak niyo, 'di po ba?" saan naman ni Thunder. Wala kasi ang dalawa sina Jack at Rain, ewan ko sa dalawang 'yun kung sa'n-sa'n pumupunta.

Ngumiti naman ito at saka tumawa nang mahina. "Alam ko 'yun pero malaking ang maitutilong niyan at alam kong mababago ko ulit 'yan, dibale nang mawala ang napaka-importanteng bagay sa 'kin basta't 'wag lang ang buhay ni Miss Peters," makahulugang sabi ni Ma'am. Nalilito man at ngumiti na lang ako--kami.

"Maraming salamat dito Ma'am, sobrang makakatalong po ito kay Aurora, maraming salamat po talaga," ani ko.

"Wala 'yun Miss May, tungkulin kong tulungan ang nangangailan, sa ano pa't naging principal ako ng academía diba?" sabi nito kaya tumango kami.

"Maraming salamat po talaga ma'am," sabi ko ulit.

"Haha o-siya, mauuna na ako dahil marami pa akong gagawin," at ngumiti muna ito bago nawala sa harapan namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi maimpluwensiyahan si Jack sa kabaitan ni Ma'am? Sobrang bait ni Ma'am, 'yun naman ang kabaliktaran sa ugali ni Jack.

"Tara na Clar, para magising na si Aurora," nakangiting sabi ni Thunder kaya ngumiti rin ako at tumango.

"Tara!" aya ko.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon