CHAPTER 16

10.2K 280 0
                                    

AWAKENED

AURORA'S POV

"Wala ka na bang ibang makausap?!" inis na sabi ko kay Ly. Ilang araw na akong nandito at hindi pa rin ako nagigising sigradong nag-aalala na si Kuya Matt at sina Clarisse.

"Tch! Hindi ba halata?" sarkastikong sabi nito. "Alam mo namang ako at ikaw lang ang nakaka-alam dito hindi ba?" Tanong nito. Inirapan ko naman ito dahil naiinis na ako sa kakulitan niya. Kung ilang araw akong tulog ganun din ang araw na kay tagal ko siyang naka-usap, naka-sama at pinipigilan na patulan siya.

"Ang harsh mo talaga sa akin Aurora, alam mo naman na ikaw lang ang kaibigan ko at si William --" napatikom naman agad ang bibig nito. Nagtatakang tiningnan ko naman siya.

"Ano? William?" takang tanong ko. Tumalikod naman ito at nakita kong pinupokpok nito ang ulo at may ibinubulong-bulong. "Akala ko ba AKO at IKAW lang ang nakaka-alam sa lugar na 'to?" at in-emphasize ang dalawang salita.

Humarap naman ito sa 'kin at may nagmamaang-maangabg mukha. "A-ano kasi haha 'yung b-butterfly kasi ah! Haha tama-tama 'yong butterfly. William ang pangalan niya hehe," pilit na tawa nito. Tiningnan ko naman ito nang walang kabuhay-buhay.

"Sino si William?" seryosong tanong ko at binalewala ang sagot niya kanina.

"A-ah 'y-yong butterfly nga," di makatingin sabi nito.

"Ako ba niloloko mo Ly? Sino nga si William?" medyo inis na sabi ko. Umiling-iling naman ito at napabuntong hininga. Di parin ito makatingin sa 'kin.

"Bawal kong sabihin dahil wala akong karapatan," sabi nito kaya naguluhan ako.

"Ano? Anong walang karapatan? Pwede mo naman sabihin sa akin ng simple," sabi ko rito.

"Malalaman mo rin naman balang araw," sagot nito at humarap sa akin.

"Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin, 'di ba?" sarkastikong sabi ko.

"Kahit naman hindi ko sabihin, malalaman at malalaman mo parin naman," nakukulitang sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako sa inis dahil hindi talaga niya sasabihin kahit anong pilit ko.

May parte kasi sa 'kin na malaki ang sekreto ng kung sinong William na 'yun. At parang narinig ko na rin 'yung pangalan niya pero hindi ko lang maalala.

"Hala! Tingnan mo Aurora, may tumutubo na bagong bulaklak," masayang sigaw nito at tumakbo papunta sa bulaklak. Sinundan ko naman ito nang tingin. "Halika," aya niya sa 'kin at sinulyapan ako saglit bago ibalik ang tingin sa bulakalak.

Tumayo naman ako pero napahawak akosa ulo ko dahil nahilo ako bigla at parang umiikot-ikot ang paningin ko. "Aray!" daing ko dahil mas lalong nahihilo ako, sumasakit din ang ulo ko at para akong inaantok.

Naupo ako sa damuhan dahil hindi ko talaga makayanan para akong hinihila ng antok, ang talukap ng mga mata ko ay unti-unti nang sumasara at bigla na lang dumilim ang lahat.

May naririnig akong boses...

"Tatalab kaya?"

"Baka hindi?"

Unti-unti ko namang ginagalaw ang kamay ko pati ang paa ko dahil mukhang matagal na akong nakahiga sa hinihigaan ko.

"Gumalaw 'yong kamay niya!" rinig kong sigaw nang isang boses.

"Au?" tanong nang isang boses habang marahang niyuyogyog ang balikat ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, medyo malabo pa nung una pero nung tumagal-tagal at naka-adjust naman ako. Bumungad sa akin Ang mahabang kisame. May chandelier na nakasabit habang pinapalibutan nang apoy.

Dahan-dahan naman akong bumangon at tiningnan sila. Gulat ang mga mukha nito pero hindi kabilang doon so Jack na may ibang tingin, seryoso ito pero parang 'yun lang ang itinatakip niya sa totoong emosyon niya.

"'Yung mata mo," gulat na sabi ni Dren. Napakunot noo naman ako.

"Ano?" tanong ko, nagtataka.

"Naging kagaya siya ng buhok mo na kulay kalawakan pero ang na sa kanila at kasing kulay nang lumiliyab na apoy," sagot nito.

"Pa'no nangyari 'yon? Epekto kaya 'yon nang gamot na ibinigay ni Ma'am?" nagtatakang tanong ni Clarisse.

"Anong gamot?" takang tanong ko.

"Ah gamot 'yon para maging maayos ang daloy nang kapangyarihan mo sa loob nang katawan mo," sagot nito. Nalilito man ay hindi ko muna 'yun inisip, lalo lang sumasakit ang ulo ko.

"Ilang araw akong tulog?" tanong ko dahil mukhang masakit ang likod ko.

"Limang araw," sagot ni Rain na nasa tabi ko. Pagising ko pa lang at nandiyan na siya sa tabi ng kama. Kaya pala masakit ang katawan ko ay dahil limang araw na pala ako rito. "Nagugutom ka ba?" biglang tanong nito kaya agad akong umiling kahit na gutom na gutom na talaga ako. Nakaramdam naman ako nang kakaiba para akong kinikilabutan, tumatayo ang balahibo ko sa batok.

Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung masyadong 'caring' na lalaki except Kuya and Dad, they different. Hindi naman sa tomboy o man hater ako. Sadyang ayaw ko lang talagang may dumidikit-dikit sa 'kin especially boys. Kaya nga na bwe-bwesit ako kay Ly eh, pansin niyo?

"Si Kuya, alam ba niya ang nangyari?" tanong ko at isiniwalang bahala ang tanong ni Rain kanina.

"Oo, alalang-alala nga eh, no'ng nalaman niyang na aksidente ka," sabat naman ni Clarisse kay nabaling ang tingin ko dito.

"Paano niya nalaman?" takang tanong ko.

"Kalat na ang nangyari say buong Academía at pati na rin ang ginawa mo. May nakakita kasing isang nec divinos na parte nang N.C.G (nigrum avaritia consecrat) at 'yon 'yong nagbabalita tungkol sa nangyayari sa paligid nang Academía," sabi nito. Inisip ko naman ang ginawa ko at naalala ko lang ay ang paghigop ng kamay ko ng apoy, may narinig akong nagsalita at hanggang doon lang.

(Nec Divinos is from Latin word means Wizard)

(Nigrum Avaritia Consecrat is from Latin word means Black Hallows Greed)

"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" tanong ko dahil gusto ko talagang malaman kung ano ang nangyari bago ako nawalan nang malay.

"Nahimatay ka habang pinapatigil mo 'yong apoy at sobrang init mo kaya dinala ka dito sa kaharian nila Dren ang Kingdom of Fortis," sagot nito sa tanong ko.

(Fortis is from Latin word means Strong)

Napangiwi naman ako dahil sumakit bigla ang balikat ko na may balat. Mukhang nagsisimula na. Bakit ba kasi apoy pa ang unang nahigop ko?! Peste talagaaaa!!!

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon