CHAPTER 12

11.1K 321 1
                                    

ATTACK

AURORA'S POV

Lumipas ang gabi at natapos na rin ang panonood ng telebisyon nang mga ito. Marami rin kaming napanood at hindi rin maiiwasan ang kaingayan nang dalawa. Si Drench at Clarisse. Dalang-dala padin sila sa pelikula. Napapailing na lang ako.

"Hay! Sa wakas at natalo na rin ni Harry si Voldemort. Tsk! Para naman kasing ano si Voldemort eh! Hindi naman ka-gwapohan at wala naman siyang ilong!" Inis na sabi ni Clarisse.

"Oo nga't natalo ni Harry si Voldemort pero bakit nag katuluyan parin si Ron at Hermione?! Dapat kasi ako 'yun!" Nakangusong sabi ni Drench. He's still insisting kahit napaka-imposible ng gusto niya. Too childish.

"Dito muna kayo kumain magluluto lang ako," at tumayo na ako. Mabait naman ako paminsan-minsan. Oo minsan! Para naman kahit isang beses may makasabay ako maghapunan. Hindi na kasi kami masyadong nagkikita ni Kuya Matt. Baka masyado din siyang busy sa pag-aaral.

"Tulungan na kita Au," presinta ni Rain.

"Geh," sabay tango ko rito. At pumunta na sa may kusina. Naririnig ko naman ang papalapit na yabag ni Rain. "Oh dito, ikaw na lang ang mag hiwa nang ing- J-jack?" gulat na usal ko. Paglingon ko ay siya agad ang sumalubong sa akin. Bakit nandito 'to? Akala ko ba si Rain ang tutulong sa 'kin?

"Yea', ako na lang ang tutulong sa 'yo, besides I know how to cook," kibit-balikat na tanong nito. "Ako ang magluluto at ikaw ang mag hihiwa nang mga lulutuin," at pinanood ko itong kinuha ang apron. Medyo akward dahil kulay pink ang apron at may nakatatak na mga bulaklak. Pero mukhang wala naman sa kanya 'yon. Well, he's too cold to notice the awkward atmosphere.

"Tch. Marunong ka pa lang mag tagalog? Hindi halata ah," medyo sarkastikong sabi ko. Bagay naman sa kanya ang magtagalog.

"Tsk! I'm also a Filipino ok?" Sabi nito.

"Bakit kasi hindi ka na lang mag tagalog no? May pa ingles-ingles ka pang nalalaman," at kumuha na ako ng kutsilyo para patayin siya pero syempre joke lang 'yun. Hindi naman ako pumapatay kumukulong lang naman kasi ako.

"I have any choices anytime I want to speak any language. Kaya no bother for me to choose only one language. At isa pa, importante na marami kang matutunan na lengguwahe. Dahil minsan ay masasabak ka sa mga misyon, outside the magic world."

-

"Ang sarap!" Sigaw pa ni Drench at Clarisse.

"Sinong nagluto? Ikaw ba Au? Hindi ko alam na ma-"

"Hindi ako ang nagluto, si Jack," walang buhay na sabi ko. Inaamin ko na masarap nga 'yong luto niya pero masarap naman talaga eh! Masarap din naman akong magluto, so no big deal for me.

"Ay, ganun ba? Pero marunong ka namang mag luto diba?" Tanong ni Thunder.

Tinanguan ko naman ito at nag patuloy na sila sa pagkain pati na rin ako. Minsan naman nararamdan ko na parang may sumusulyap-sulyap sa gawi ko. Tiningnan ko naman sila isa-isa pero wala naman at nakapukos lang sila sa pagkain nila. Ayaw ko ng ganitong nararamdaman.

"May problema ba Au?" Napatingin naman ako kay Rain dahil sa biglang tanong nito. Umiling-iling naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kami sa pagkain. Nag presenta naman si Clarisse na siya na lang ang maghuhugas nang plato. Hinayaan ko na lang.

"Himala at nag presenta ang mahal na prinsesa?" Natatawang sabi ni Thunder.

"Tsk! Atleast no na may naitutulong ako kay Au e, ikaw? Puro ka lang naman pasakit sa ulo! Ang bait ko kaya, diba, Aurora?" Sagot na sabi ni Clarisse rito at umirap pa ito.

"Asus! talaga lang ha? Maniniwala na ba ako?" Pang-iinis pa ni Thunder dito.

"Tumigil na nga kayo, pag katapos mo diyan umuwi na kayo," at tumalikod na ako sa mga ito.

May nararamdaman akong masamang mangyayari. Parang may kakaiba? Ewan basta may kakaiba talaga. Kaya kailangan ko talagang pauwiin sila nang maaga.

"Ihh ang aga pa eh! Dito muna kami, sige na please?" Pakiusap naman ni Clarisse.

"Saka safe naman kami dito--" naputol ang sasabihin ni Drench dahil sa pag lindol.

Ano 'yon?

"Naramdaman mo 'yon?" Tanong sa 'kin ni Rain. Tumango naman ako at saka nag mamadaling lumabas.

"Au!" Rinig kong sigaw nila.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan kahit na naka-lock ito. Pagkabukas ko nang pintuan ay automatikong napanganga ako.

"H-hindi pwede 'to," utal na sabi ko. Nasusunog na ang dalawang dorm nang junior building. Sinong gumawa nito?!

"A-ano?" Rinig kong boses na nasa likod ko. Si Clarisse.

"Shit! Nakapasok na naman sila!" Sabi rin ni Jack. Sinong nakapasok?

"Kailangan nating ilikas ang mga 1st, 2nd at 3rd year junior, dilikado sila," sambit ko at pumasok ulit sa loob para kumuha nang hood. Red Hood. Malaking apoy kaya kailangan ko ng panangga.

"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Dren. Nagtataka siya na tiningnan ang suot ko.

"Mas komportable ako 'pag suot ko 'to," sagot ko rito. "Tara na," at umuna na akong lumakad.

"Mag hiwa-hiwalay tayo, ako sa second at kayo sa first," at iniwan ko na sila doon dahil mukhang pipigilan pa nila ako.

Pagkarating ko sa second floor nang 1st junior dorm building ay may naabutan pa akong pinapatigil ang apoy gamit ang kapangyarihan nila. Mapa tubig man o hangin. Hindi pa sila bihasa sa mga kapangyarihan nila kaya hindi ito nagiging sapat para patigilin ang malahiganteng apoy.

"Umalis na kayo at ako na ang bahala dito!" Sigaw ko sa mga ito. Ang iba sa kanila ay nagulat pa sa pagdating ko. May mga nahihimatay na dahil sa suffocation sa usok.

"S-sino ka? K-kalaban k-ka rin ba?" Tanong nang isang babae.

"Hindi. Kakampi niyo 'ko," sagot ko. "Kaya umalis na kayo dahil mas lalong lumalaki ang apoy," saka tumango ang mga ito.

Nagsitakbuhan naman sila at ako na lang ang natira. Naghanda ako at huminga ng malalim. Tinaas ko naman ang kamay ko at hihigupin na sana ang apoy nang may pumigil sa kamay ko at pilit na hinahatak ako.

"Magpapakamatay ka ba?!" Napalingon naman ako sa nag salita. Si Jack. Matalim niya akong tiningnan kaya gano'n din ako.

"Anong ginagawa mo rito?!" Inis na sabi ko.

"Ano sa tingin mo? Wag mong susubukan ang gagawin mo dahil maski isang hangin, apoy o tubig man ay hindi 'yan kayang pigilan!" Inis na sumbat rin nito. Mahigpit niyang hawak ang braso ko. Nakakainis siya. Bakit hindi na lang siya tumulong?

"Tch," singhal ko. "Alam ko ang ginagawa ko Jack kaya pwede ba umalis ka na dito mapapahamak ka lang, at kung hindi ko ito gagawin masusunog ang buong building!" At binawi ang kamay ko.

Tinaas ko ulit ang kamay ko at dahan-dahan inilalabas ang enerhiya ko. Napakagat naman ako nang labi dahil nagsisimula nang humapdi ang kamay ko dulot nang apoy na hinihigop nito. Hindi ko na narinig na nagsalita si Jack kaya nag-concentrate na lang ako sa ginagawa ko. Parang nasusunog ang mga ugat ko sa loob ng katawan.

"Ahh!" Sigaw ko. Alam kong ikamamatay ko 'to pero wala nang ibang dahilan para pigilan ang pagkalat ng apoy at baka tuluyang kumalat ito sa lahat ng dormitory.

"Au!" rinig kong sigaw nila. Hindi ko sila pinakinggan dahil hindi ko na makontrol ang sarili kong kamay. Nananinigas na ang braso ko at hindi ko na magawang magsalita. Lumalalim na din ang paghinga ko. Sana ay maging ligtas ako pagkatapos nito.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon