Questions
AURORA'S POV
Nakatingin lang ako sa mga taong na sa harapan ko ngayon. Nakatingin lang rin ang mga ito sa 'kin at parang sinusuri ako, lalo na 'yung lalakeng nakaaway ko sa canteen.
"Hmm, anong pangalan mo?" Tanong ng isang babae sa 'kin. May mahaba't maitim itong buhok.
"Aurora," sagot ko.
"Aurora means light," singit ng isang lalakeng may hitsura rin. "By the way, I'm Rainstorm Jefferson, Prince of water," sabay lahad ng kamay niya. Siya 'yon.
Tiningnan ko naman ang palad niya, hindi ko sana kukunin pero nakakabastos naman sa isang Prinsipe at maharlikang kagaya niya. Inabot ko na lang ito at nakipagkamay, malambot ito at parang babae ang palad niya.
"I'm Clarisse May, Princess of Air nice meeting you, Aurora," nakangiti ito at naglahad din ng kamay kaya tinanggap ko rin ito at pilit na ngumiti.
"Hi Aurora! I'm Thunder Smith, Prince of lightning and nephew of Thor nice meeting you!" Maligalig na sabi nito at nakipag-abot rin ng kamay.
Inabot ko rin ito at may naramdaman naman akong parang spark pero binaliwala ko na lang 'yon. Nakita ko ring natigilan ito pero kalaunay ngumiti rin ito pero, pilit.
Natapos na makipagkilala ang iba pero may dalawa pa ring natitira 'yong lalakeng nakaaway ko sa canteen at 'yung lalakeng maamo ang mukha pero walang karea-reaksyon. Tiningnan ko naman ang lalake na nakaaway ko sa canteen, tiningnan naman ako nito ng nakakunot noo at nakanguso.
"Hmm! A-anong tini-tingin-tingin mo ha?" inis na sabi nito.
"Wala naman," sagot ko.
"Hindi ako makikipagkilala sa 'yo no!" inis na sabi pa nito. "Ako? Isang Drench Apostle na Prinsipe ng apoy, makipagkilala sa 'yo? No way!" dugtong pa nito.
Napapailing na lang ako na tiningnan siya. Ngumiti naman ako ng tipid at tiningnan siya sa mga mata nitong kulay Red Orange.
"Nice meeting you, Prince Drench," nakangising sambit ko. Nanlalaking mata na napatingin ito sa 'kin.
"P-paano?" utal na sambit nito. Binatukan naman siya nung Thunder.
"Ulol! Ang bobo mo talaga kahit kailan, Dren! Sa sinabi mong 'yon kanina, hindi ka pa talaga magpapakilala?! Tsk! Kulang na nga lang, e, edad mo ang sabihin mo!" sabi nito.
Napanguso naman ito at napakamot ng ulo. Para siyang bata na inaway o napagalitan.
"Oh sige na sige na! Hay!" inis na sambit nito.
Tsk! Isip bata!
-
DRENCH'S POV
Nakatingin lang ako sa babaeng kaharap ko na naka-upo ngayon. Kulot na may maikling buhok na kulay ginto, magandang hugis ng kilay at hindi gaanong makapal, mapulang labi na parang kasing kulay nang dugo, mataas at cute na ilong, bilugang mukha at mapupungay na mga mata na para bang nangungusap pero walang ekspresyon.
Normal lang ang kulay tsokolate nitong mga mata pero parang may mga bituin na kumikislap. Hindi nga lang na kagaya sa amin na inborn ang mga mata at nakadepende sa kung anong kapangyarihan mayroon kami.
Oo, inaamin ko na may magandang mukha siya...
Pero, hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong ginawa niya sa canteen nung lunes. Para siyang weird na ewan o kung ako ba ang weird nang time na 'yon.
Kung titingnan kasi siya ay parang walang kakayahang gawin 'yon dahil ang tahimik niya't isa pa sa ugaling ipinakita niya sa amin kanina parang hindi niya ugaling makihalubilo.
"Ah, siya nga pala si Jack Stone, prinsipe siya ng yelo at may kakayahan rin siyang gumamit ng light power," pagpapakilala pa ni Rain kay Jack kay Aurora.
Ngumiti lang ito ng tipid at parang pilit. Hmm? Ganyan ba talaga siya makipag-usap sa mga taong nakakaharap niya? Parang Jack the second yata 'to eh.
"Mag hintay muna tayo saglit dahil parating na si Ma'am," singit ni Thunder.
"Siya 'yung sinasabi ko sa inyo na naka-away ko sa canteen," sabi ko sabay turo kay Aurora.
Tinapik naman ni Clarisse 'yung kamay ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Wag mo nga siyang turuin!" Galit na sabi nito sa at inirapan ko na lang ito.
Pakialamera!
"Mukhang mag kakaaway na agad kayo," biglang sulpot ng isang boses.
Napatayo naman ang lahat maliban lang sa dalawa si Jack at Aurora. Nang tiningnan sila ni ma'am at tumayo na sila pero parang napipilitang tumayo.
"Hindi ko aakalain na may kaparehang ugali ka pala Prinsipe Jack," nakangiting usal ni Ma'am at naupo sa gitna saka naupo rin kami.
"Spill it out ate," bored na sabi ni Jack.
Actually ay magkapatid sila sa ina, bale ang asawa ng Hari ngayon ay nanay ni Madame. Mahabang istorya kasi kung bakit namatay ang nanay ni Jack na dating Reyna ng Kosmós de Mageía.
"Ok-okay," natatawang ani nito. "Kaya ko kayo pinatawag dito ay dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng ikalabing-isang daan labing walo na annibersaryo ng academía," dugtong nito.
"Pero ba't kasali ako? Hindi naman ako isa sa kanila? Hindi rin naman ako dugong bughaw," singit ni Au. Ngumiti naman si ma'am saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Dahil simula ngayon isa ka na sa kanila!" masayang sagot naman ni ma'am.
"Pero, Ma'am, wala po siyang dugong bughaw," ani ni Clarisse.
"Bawal rin po sa academía na mapasali ang hindi pa alam ang kapangyarihan sa Monarchies," si Thunder.
"Isa siya sa inyo at 'yun ang nakikita ko Monarchies, alam niyo naman siguro ang kakayahan ko," mahinahon na sagot ni ma'am.
Napapaisip naman sila at pati rin ako!
Kung kasali siya sa amin edi may dugong maharlika siya? Pero wala namang nawawalang anak ang dating Hari at Reyna. Pwera na lang kung ngayon mangyayari ang hindi inaasahang pangyayari. Ang lumaganap ang kadiliman.
Hindi naman siguro siya ang sugo diba?
***
2018
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...