CHAPTER 4

13.5K 369 1
                                    

Force

AURORA'S POV

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na nila ako sa dorm. Lumipas ang dalawang araw at tansya kong lunes na dahil marami akong nakikitang mga estudyante na naglabasan sa kani-kanilang dorm. Sa sabado't linggo kasi ay hindi ako lumabas ng kwarto dahil wala naman akong pagkaka-abalahan, saka hindi rin naman kasi ako palakaibigan.

"Oh my gosh! I like the uniform here na talaga! It's so cool and cutie, you know? Hihihi," rinig kong pabebe na sabi ng isang estudyante.

"Yeah right hihihi pero mas excited ako sa mga activities!" Sagot naman nung isa niyang kaibigan.

"At yung pagbabalik ng The Monarchies!" At tumili ito sabay palakpak.

Nasa harapan ko kasi ang mga ito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila. Papasok na ako ngayon ng building at inaakyat ang hagdan. Alam ko na ang room number ko dahil sinabi ni Kuya. Mabuti na lang rin at siya ang bumili ng mga gamit ko dahil wala naman akong pera na pambili. Hindi ko rin alam kung saan ang bilihan dito.

Huminto naman ako nang nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom. Kumatok ako ng tatlong beses at tsaka may nabukas rito.

"Come in," nakangiting usal ng matandang lalake. Mga nasa mid 40's na ito at mukhang professor ito rito. Suot kasi nito ang teachers uniform ng Academy. It's a color green polo that kinda weird. May logo na nakatatak sa kanang dibdib nito. It's the logo of Academy, a star inside the circle. May badge din sa kuwelyo nito na parang Griffin. At parang gawa sa ginto.

Tiningnan ko naman ang kabuuan ng classroom. Malaki, maraming upuan na de kahoy at teachers table na walang blackboard. Malaki sa loob at kasya yata ang mga 60 na estudyante. Malamig din dahil sa mga malalaking nakabukas na bintana.

Tsk! Paano sila mag le-lesson niyan? May mga high-tech na invention ba sila para sa pagtuturo? 'Yong lilitaw ang mga informations para sa lesson namin. O baka naman may super magic na ginagamit sila. Ano-ano kaya ang mga kapangyarihan nila?

Humanap na ako ng upuan sa may bandang gitna tsaka na upo. Mas prefer ko dito para hindi tawag pansin kung may mga recitation, hindi naman ako takot sa ganyan. Ayaw ko lang na nakikita nang teacher at ikaw ang pasasagutin ng mga tanong nila.

"Ok, as of now na marami-rami na kaayo ay sisimulan na natin ang pagpapakilala at ang pagkikitang gilas ng inyong mga kapangyarihan," at ngumiti ito. Nagsitilian naman ang mga kababaihan at nagtawanan ang mga lalake. Masyado silang excited, excited magpasikat sa mga kapangyarihan nila.

Tumayo naman ang isang matabang lalake at nagpakilala ito. Napakitang gilas naman ito ng kapangyarihan niya. Lumalaking kamay. Weird? Kapangyarihan na ba 'yon o isa lang siyang napag-experimentohan na tao at nagkaroon ng ibang kakayahan. Baka special ability lang 'yon.

"Hmm... nice," usal ni propesor at pumalakpak. "Ok, next."

Nagsunod-sunod na ang nagpakilala at tumayo naman ang nasa gilid ko na lalake na kanina pa tahimik. Mukhang wala siyang mga kaibigan. He's silent and kinda weird dahil nakatunganga lang siya. Hindi ko din feel ang vibes niya at aura na nakapalibot sa kanya. Palihim na lang akong ngumiwi.

"Oh my gosh! 'Yong weirdo na ang magpapakilala," bulong ng isang babae.

"Ano na naman kaya ang ipakikita niya 'no?" Bulong naman no'ng katabi niya. Uso pala ang bulongan na marami ang nakakarinig? Tsk!

"Ewan!" Sagot no'ng isa.

Nasa harapan na ito kaya tumingin rin ako roon. He's shaking and standing in front without any confidence on his self.

Baka dahil sa kapangyarihan niya? Ano ba ang kaya niyang gawin?

"Sam Xander Hill," saka ito nagpakita ng kapangyarihan niya.

Napakunot naman ako ng noo dahil bakit tumatawa ang mga kaklase ko eh wala namang nakakatawa. Nakita ko namang napakunot siya ng noo dahil bakit ako hindi tumatawa. Tiningnan ko siya ng nagtataka. Doon ko lang narealize na ako lang ang hindi tumatawa. Ang lahat sa loob ng room na ito humahagalpak sa tawa at napapahawak pa sa tiyan na para bang mawawalan na sila ng hininga sa kakatawa.

Napaisip ako... may nabasa akong ganitong ability, and it's dangerous for the person who do not know how to avoid this kind of ability. It's Baleful Lachēn ability. That can cause a person lacking an air to breathe.

"That's enough Mr. Funny weirdo, baka makapatay ka," iiling-iling na sambit ko. Nakangisi parin ako at parang matatawa na dahil sa reaksyon ng mukha niya. Hindi siya makapaniwalang tiningnan ako na naiwasan ko ang kakayahan niya. Well, I can get his ability.

"H-hindi ka tinablan?" Usal nito. Nakakunot ang noo niya.

"Maybe?" Hindi siguradong usal ko. Sarkastiko ang tono.

Tumigil na maya-maya ang tawanan saka na ako pumunta sa harapan. Kahit hindi pa man ako tinatawag. Naupo muli si Mr Weirdo sa upuan niya nang hindi ako iniimikan. Ang mga tinginan ng mga kaklase ko ay nagtataka, dahil siguro ay hindi ako pamilyar sa kanila, gano'n din naman ako. Hindi ko sila kilala, hindi nila ako kilala, at wala akong planong kilalanin sila. Hindi ako chismosa.

"Aurora Peters," usal ko saka na umupo. Ayaw kong masyadong ma-expose sa mga tao. Dahil kapag nagtagal ako sa harap ay malalaman ko talaga ang mga klase ng tingin nila. Numero uno na doon ang judgments. They even giving me a head to toe look.

"What power do you have, Miss Peters?" Nagtatakang tanong ni Prof. Kailangan ba talaga? Wala akong maipalabas, e, bukod na lang sa pangunguha ng ibang kapangyarihan.

Beside on that ability, I can manipulate the force in one place. Kung alam kong malakas ang puwersa na nasa paligid ko ay magagamit ko 'yon. Mas may chance na makabuhat ako ng mabigat na bagay sa paligid ko.

Sumandal ako sa upuan at humalakipkip. Pumitik ako hudyat na nilalabas at ginagamit ko ang puwersang nakapalibot sa buong room. Maya-maya naman ay natilian ang mga babae at nagsisigawan ang mga lalake. Ang o-OA nila, mga ignorante! Kapag hindi ko sinabi kung ano ang kakayahan ko ay tatanongin ng tatanongin nila ako. Ipinakita ko naman naging ignorante ang mga ngina! Pati mga lalaki ay nakikisigaw.

Are they scared?

"Oh my gosh, she's so scary!" Rinig kong sigaw ng isa.

Kada ba may mga magpapakita ng kapangyarihan ay magrereact sila?

Hindi naman nakakatakot ang kapangyarihan ko. Isa pa, normal ito. Ito ang isa sa mga common na ability ng isang tao. Bakit ba nila sinasabi 'yan? Mas sila pa itong nakakatakot dahil sa kakaiba nilang kapangyarihan. Lumalaking kamay at kayang magpatawa ng mga tao? That even more scary than mine.

🤝
2018.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon