CHAPTER 11

11K 307 2
                                    

WEIRD

AURORA'S POV

Tiningnan ko naman sila nang nagtataka. Anong Galaxy? Mga sira na ba sila? Tsaka ano ba ang ginagawa nila dito? Natutulog ako, e. Kaya pala nawalan bigla ako ng malay. Ginigising na pala ang diwa ko.

"Ang ganda talaga! The most breathtakingly view I've ever seen. Kahit na sa buhok mo lang, oks na oks na ako!" Masayang sabi ni Clarisse. She's grinning all the time.

Kanina pa sila sa galaxy-galaxy nilang 'yan. Tiningnan ko naman ang buhok dahil kanina pa sila nga-nga ng--What the F?!

Anong? Pa'no?

"A-Anong?" Hindi makapaniwalang usal ko. Pa'no nangyari 'to?

Dali-dali naman akong tumakbo papasok ng kwarto. Hinayaan ko lang na nakabukas ang pinto. Not minding them at all. At pagkapasok sa kuwarto ay agad kong tiningnan sa salamin ang repleksyon ko. May pagka-violet na blue na pink na white na hindi ko ma-explaine! May kumikinang-kinang rin ditong parang maliliit na diamonds.

Bakit nagkaganito ang buhok ko? Anong nangyari sa dati? At parang pamilyar 'to. Teka?

"No. Way!" Tanging na sambit ko.

'Yung Kay Ly Kagayang-kagaya nito! Pero bakit nagging magkapareho kami? Bakit nagging mabilis yata? Ni wala nga akong maramdaman habang natutulog ako na nagbago na pala ang kulay ng buhok ko.

"Au!" Napalingon naman ako sa may pintuan ng nandoon si Clarisse. Pa'no nakapasok 'to?

"Hindi mo nasara 'yong pinto kaya pumasok kami saka hindi rin naman lock 'tong kwarto mo kaya pumasok ako," nakangising pagpapaliwanag nito. Oo nga pala.

Bakit ba nandito 'tong mga 'to? Wala naman akong sinabi na pumasok sila! Mga trespassers!

"Ba't kayo nandito?" Tanong ko saka na upo sa upuan na kaharap ng salamin.

Hindi parin ako makapaniwala na nagbago ng bigla ang buhok ko. Dati pa naman pabago-bago ang buhok. Sometimes red, blue, green, yellow, golden, and the last is violet. Sa violet nagtagal ang buhok ko. Ang akala kong hindi na magbabago ang buhok ko ay nagkamali ako. Kapag may ginagawa akong kakaiba patungkol sa kakayahan ko ay walang pasabing magbabago ang buhok ko. And it's kinda weird.

"Hmm, movie marathon?" Patanong na sagot nito.

"Ba't dito pa? May sarili kayong dorm kaya doon na lang kayo saka pagod ako," at hinila ko ito pero di ito nag patinag sa halip ako pa ang hinila.

"Ahuh! No, no! Kailangan sumali ka sa amin, hmm? Saka minsan-minsan lang 'to kaya sulitin mo na lang," nakangiting sabi nito at hinila na ako ng tuluyan pababa.

Nakita ko namang nagsasalang na si Drench ng tape at hinahanda na ni Rainstorm ang mga pagkain habang si Thunder ay nakahiga sa couch, ba't may kulang? Nasa'n 'yung Jack?

Ba't ko naman siya hinahanap? Pake ko do'n, we're not close! Tsk! Aurora Peters, ayusin mo 'yang sarili mo!

"Nasa'n pala si Prinsipeng yelo?" Tanong ni Clarisse ng makarating kami sa may couch. Mabuti ay natanong niya, wala rin naman akong plano.

"Nasa kusina, Hi Au!" Biglang bati sa 'kin ni Rainstorm. "Ang ganda mo-I mean 'y-yung buhok mo," saka lumunok ito. I found it cute. Mukhang friendly siya. I like his- I mean... his sapphire eyes.

"Anong movie?" Si Clarisse. Inaya ako nitong maupo.

"Geostorm!" Sigaw naman ni Dren.

"S-storm?" Nag-aalangan na sabi ni Clarisse. "Ah- sorry... I don't mean-"

Anong meron naman sa Storm? May kakilala ba siya na something Storm ang pangalan?

"Ha-ha-ha," pilit na tawa ni Thunder at pinanlisikan niya si Drench.

"What's wrong Monarchies?" Tanong ko sa mga ito. The atmosphere is getting awkward.

"W-wala may na-aalala lang kami, diba?" Ani ni Thunder na hindi makatingin.

"O-oo," tango naman ni Dren. Napayuko ito. "I didn't meant it. Alam kong hindi pa ni-"

"Tama na 'yan manood na lang tayo ng iba, HP?" Biglang singit ni Rainstorm.

"Narnia?" Singit naman ni Dren. Inismiran naman siya ni Thunder.

"Justice League?" Si Thunder.

"HP na lang 1-7 ano game?" Biglang usal ni Clarisse kaya medyo nawala na ang malungkot na awra kanina. Bumalik na ulit ang sigla niya.

She's smiling yet so far to the emotions on her eyes.

Si Drench ulit ang nag salang at hinintay namin na mag simula na. Ang galing niya may manoeuvre ng TV. Ako ay kakaunti lang ang nalalaman dahil hindi naman ako masyadong mahilig manuod ng pelikula. Inaantok lang ako.

'Harry Potter and the sorcerer of stone' ang nakalagay sa may screen.

I'm also a fan of witchcraft and wizardry.

"Waah! Ang cute talaga ni Daniel no'ng maliit pa siya," gigil na sabi ni Clarisse. Tutok na tutok ang mata niya sa screen.

"Ang ganda din ni Emma! Crush ko talaga siya," sabi din naman ni Dren. Gano'n din ito, tutok na tutok ang mata sa screen.

Habang lumilipas at lumilipas ang panonood namin ay palikot at paingay naman ang dalawa. Nagbabangayan at parang sila ang naaapektuhan ng pelikula. Ilang beses na silang sinusuway ni Rain pero hindi parin sila natitigil.

"Bwesit talaga 'tong si Dracu eh! Gwapo sana kaso napaka sama ng ugali," mahina naman akong natawa sa ekspresyon ng mukha ni Clarisse dahil lukot na lukot ito.

"Bakit si Hermione ang nakatuluyan ni Ron? Dapat ako 'yun-- aray!" napadaing naman siya dahil sa biglang pagbatok sa kanya ni Thunder.

"Hahahaha- ikaw?? E, wala ka nga sa kalingkingan ni Ron diyan eh! Patamaan ka lang siguro ng spell dedbat ka na! Hahahaha ulol mo Drench Apostle!" wagas naman na pang-inis sa kanya ni Thunder. Binato pa niya ng popcorn sa mukha si Dren. Para silang mga bata.

"Pfft--" pigil na tawa ko.

"Why are you laughing?" Napalingon naman ako sa may gilid ko at nakita ko ang dalawang pares ng mata na kulay abo. Kaya nawala ang ngiti sa labi ko't napalitan ng seryosong tingin.

"Why do care?" Tanong ko saka suminghal ng mahina. Nawala bigla ang saya sa mukha ko dahil sa tanong niya. So nonsense.

"Tss. I'm just asking, Miss Peters," masungit na sabi nito.

Hindi ko na siya pinansin dahil tumabi naman sa 'kin si Rain. Napatingin naman ako sa mata niyang asul. He's captivating my gazes. Napaka-kalmado naman ng mga mata niya. Tanging kislap at saya na emosyon ang makikita rito.

"Gusto mo?" Tanong nito at inalok ako ng chichirya. Kinuha ko naman ito. Mabuti pa 'tong isang 'to mabait!

Mabait ka rin ba Aurora?

"Salamat," sabi ko rito. Ngumiti naman siya pabalik kaya ngumiti din ako ng tipid.

"Tss!" singhal ng katabi ko.

Anong problema nito? Baka gusto din niya ng chichirya tapos hindi siya binigyan ni Rain? Ang suplado naman kasi niya! Bahala siya sa buhay niya. Makapanood na nga lang ng pelikula.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon