CHAPTER 30

8K 176 2
                                    

FINDING HER

CLARISSE'S POV

Nararamdaman ko ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Pinapakiramdaman ko ang paligid kung may tao ba. Nakapikit parin ang mata ko at para akong nakatulog ng ilang araw, linggo, o buwan dahil hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko. Dahan-dahan ko namang iginalaw ang hinliliit ko para maramdamang gising na ba talaga ang diwa ko. May narinig naman akong nag bukas ng pinto kaya gusto kong idilat ang mata ko pero nahihirapan ako.

"Clarisse," rinig kong sambit nito bago may maramdaman akong humawak sa pisnge ko. Hindi ako makagalaw! Pinipilit kong igalaw ang hinliliit ko pero parang nanginginig lang ito.

"Gising ka na? Miss ka na namin. Miss na kita," mahinang usal nito. Narinig ko namang suminghot ito. Umiiyak siya?

"H-hmm," ungol ko.

"C-clarisse? G-gising na!" masayang sabi nito. Dahan-dahan ko namang minulat ang mata ko. Halos hindi ito mag hiwalay ng ibuka ko. Napapikit-pikit pa ako para hindi masyadong masakit sa mata ang ilaw at mawala ang blurred.

Nang bumungad sa akin ang mataas na kisame na kulay ginto at chandelier na nakasabit. Nabigla naman ako ng may biglang yumakap sakin.

"Your finally awake!" masayang sabi nito.

"T-tubig," napabangon naman ito at tumingin sakin. Bigla naman akong nailang sa klase ng titig niya. Umiwas ako ng tingin at tumayo naman ito, kukuha siguro ng tubig. Si Thunder!

Bakit ganun siya makatingin? Parang may something na hindi ko maintindihan?! Ano ba ang nangyare kasi?

"Uminom ka muna, paparating na sila Dren dito kasama ang ibang professor at si Madame," sabi nito at inalalayan akong umupo at uminom ng tubig. Nang matapos ay saka nito inilagay sa bed side table ang baso at humarap ulit sakin bago ako tingnan ng nakakailang. Geez!

"Nag-alala ako sayo. Alam mo ba yun?" seryosong usal nito kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ba siya nagkakaganyan? At ano ba ang pinagsasasabi niya?!

"B-bakit naman?" awkward na tanong ko. Gusto kong mapamura ng ma-utal ako! Tanga!

"Kasi gus--"

"Mr. Smith. Ms. May, how are you?" biglang bukas ng pintuan at pumasok ang dalawang professor na kasunod si Madame at ang mga kaibigan ko. Napakunot noo naman ako dahil bakit parang kulang?

Nasaan si Aurora, Jack at Becca? Wala rin si Bett?

"O-ok naman po Prof. Pero t-teka nasaan s-sina Aurora, Jack, at ang kambal? B-bakit wala sila dito?" sunod-sunod na tanong ko. Na ko-kyuryos lang talaga ako.

"Wala na si Aurora at Becca. Hindi din sumama pabalik si Jack dito dahil hahanapin daw nito sih Aurora na imposible namang nagyari," sabay buntong hininga nito. Gusto ko namang sumigaw kung bakit pero parang hindi pa napoproseso ng buo ang lahat ng ito.

"B-bakit?" nagtatakang tanong ko. Gusto kong masagot nila iyon.

"Hindi namin alam kung nasaan napunta si Aurora at Becca. Si Jack naman ay hahanapin si Aurora at hindi ko alam kung nasaan na ito ngayon. Walang sino man ang nakakaalam kung nasaan si Aurora at Becca," seryosong usal ni Madame. Napaisip naman ako kung nasaan na ang mga kaibigan ko. Ayaw kong isipin na wala na si Aurora at Becca dahil natatakot ako. Gusto ko namang samahan si Jack para mahanap si Aurora.

"Eh... Si Bett? Nasaan siya?" baling ko ulit sa kanila. Tumingin naman sa akin si Dren saka huminga ng malalim.

"Nawala na ang ala-ala niya sa kakambal niyang si Becca, ginamitan kasi siya ni Becca ng isang spell para malimutan niya ang kapatid niya. Pinauwi na muna siya sa kaharian namin para may matulugan siya. Hindi siya pwedeng mapag-isa ngayon dahil nagbabalak na sumalakay ang mag black hallows. Nadagdagan na rin ang harang ng buong Kosmós de Mageía sa tulong ni Galea," mahabang litanya nito. So ang ibig sabihin ay wala nga ang tatlo kong kaibigan dito? Sumakit naman ang ulo ko kaya napahawak ako doon. Parang nasobrahan yata ako sa kakaisip sa mga bagay na nangyayari ngayon. Naguguluhan na ako!

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon