CONFUSE
RAINSTORM'S POV
"Maniwala kasi kayo sa 'kin! Nakita talaga ng dalawang mata ko kung paano kinain nang kamay niya 'yong apoy!" Inis na sabi ni Dren. Kunot na kunot ang noo niya. Nakatayo ito sa harapan namin habang nakapamewang. Frustrate na frustrate ang mukha niya.
Kanina pa 'tong mokong na 'to sa sinasabi niya kanina. Pinipilit kaming paniwalaan 'yong mga ka-eng-engan niya sa buhay. Taong kumukuha ng kapangyarihan ng iba? That's rare. Kaya bakit kami maniniwala sa kanya. Wala pa akong nabasa na gano'ng kapangyarihan sa history. Ever.
"Alam mo, Dren, kung gutom ka pwede ka namang ilibre ni Clarisse eh," singit naman Thunder. Nakaupo ito sa sofa habang nakadekwatro at nagbabasa ng libro. Sinasabi niya 'yon ng hindi tinitingnan si Dren.
Tumayo naman si Clarisse saka nilapitan siya't binatukan. Nasa kabilang sofa kasi ito habang may isinusulat na kung ano sa kwaderno nya. Napalingon si Thunder dito. Napapailing na lang ako.
"Sira talaga 'yang ulo mo Thunder. Ikaw pa talaga ang nag sabi niyan ha?! Bwesit 'to!" Sabi ni Clarisse habang nakanguso. Umupo naman ulit si Dren katabi ni Thunder. Napasabunot siya ng buhok at tiningnan kami.
"Guys, seriously?! Bakit hindi niyo ako pinaniniwalaan? Mahirap ba akong paniwalaan?" Ma-dramang usal nito.
"Tss. Stop that drama thingy, Dren," biglang sulpot ng isa pa naming kaibigan na malamig pa sa yelo. Dumeretso ito sa terrace habang hindi kami tinitingnan.
"Jack!" Biglang sigaw ni Dren saka tumakbo papunta do'n. Para siyang bata na namimiss ang magulang.
Bigla namang may naglabasang mga spikes ng ice. Kaya napahinto ito. Muntikan na siyang matusok ng matulis na parte ng spike. Nanlaki pa ang mata nito.
"Hahaha 'yan kasi! Sige takbo lang hahaha," pang-iinis pa ni Thunder. Siya kasi 'yong tipo ng tao na malakas mang asar. Ginagatungan ang mga biro na lalong nakakapagpainis sa tao.
"Tch!" Singhal ni Dren. Hindi ko na pinansin.
Tumayo ako at sinundan si Jack sa may terrace saka lumapit na nakatulala na naman. Bumuntong hininga ako dahil alam ko ng kung ano ang iniisip nito.
Sa aming limang magkakaibigan ay siya ang may pinakamatigas na kalooban. Jack Dustin Cadmar-Kingstone the only son of Orlando Kingstone, King of Frost. He's also a heir of their Kingdom after he finish his school in Academía. Sikat rin siya, actually kami namang lahat pero habulin siya ng babae na hindi naman makalapit sa kanya dahil sa attitude niya. Snob Prince of Monarchy, e?
"O, anong problema?" Sabay tapik sa balikat nito. Umiling-iling naman ito saka ngumiti. Minsanan lang ngumiti, hindi pa totoo.
"Wala," simpleng sagot nito. Nakatingin lang ito sa malayo. Kumpara kina Dren, Clarisse at Thunder ay ako ang mas nakakakilala kay Jack. Kaming dalawa ang unang nagging magkaibigan.
Tumawa naman ako ng mahina. Kaya tumingin ito sakin na nakakunot ang noo. Bumuntong hininga ulit ako at humawak sa grills ng terrace.
"Siya na naman ba ang iniisip mo?" Tanong ko rito. Nawala naman ang pagkakakunot sa noo nito at nakita kong nalungkot ito pero bumalik lang ulit ang malamig nitong titig. Kung titingin siguro siya sa 'yo ay aakalain mong isa kang bagay na walang kwenta.
"Hmm, I can't help to think of her," aniya.
Tinapik-tapik ko naman ang balikat nito. Magsasalita na sana ako ako kung 'di lang sumigaw ang mokong. Tiningnan ko siya ng naiinis. Naririndi na ako sa boses niya.
"Guys pinapatawag tayo ni Madame Principal!" Sigaw ni Dren. Na nasa tapat ng pinto ng terrace.
"'Wag kang sumigaw." Inis na sagot ko sa kanya at niyaya ng lumabas si Jack.
---
AURORA'S POV
Hinihingal na nakarating ako sa likod ng Academy para lang mapalabas ang hapdi sa kamay ko. Naninigas ang mga ugat ko.
"Argh! Ang hapdi talaga!" Inis na bulong ko.
Kung ganito lang naman kasi ang mangyayari nang ginawa ko 'yon sana inilagan ko na lang. Ang hapdi at hindi pa ako sanay lalo na't apoy ang kinuha ko. Ayos lang sana kung tubig o ano pero ang apoy? Jusko parang nali-litson naman ang kamay ko.
"Lumabas ka na please lang," bulong ko.
Para namang mas grumabe pa ang hapdi at para na ring tinutusok-tusok ang mga ugat ko. 'Pag hindi pa 'to lumabas ay mapipilitan akong ipalabas 'to ng sapilitan. Hindi naman kasi ako si Wonder woman o si Super girl na hindi nasasaktan. May dugong mortal rin ang dumadaloy sa ugat ko no!
"Ah miss?" Gulat naman akong napatingin sa likod ko dahil may nag salita.
Kumunot naman ang noo ko dahil may ibinigay itong buto. Kulay dark green ito at parang kendi.
"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Gamot," simpleng sagot naman nito. "Nakakawala 'yan ng sakit," nakangiting usal nito.
Tiningnan ko namang mabuti 'yong buto. Kung iinumin ko 'to may tsansang mawawala ang hapdi pero kung iinumin ko naman ito may tsansang mamatay ako. Hindi ko naman kilala ang babaitang na sa harap ko para pagkatiwalaan agad. May kasabihan kasing 'Be careful about who you trust; the DEVIL once an ANGEL'.
"'Wag kang mag-alala, I'm an assistant nurse dito sa academy," biglang sabi nito.
Kinuha ko naman ang buto dahil mas inilapit pa niya ito sa 'kin. Wala naman sigurong mawawala kung iinumin ko ito, pwera na lang sa buhay ko ang mawala. Nilagok ko naman ito ng deretso kahit wala ng tubig. Hindi naman kasi siya kalakihan parang kasing laki lang ng buto ng monggo.
"Oh epektib ba?" Tanong nito.
Pinaramdaman ko naman ang sarili ko at ang palad kong mahapdi. Para namang bulang unti-unting nawala ang tumutusok-tusok sa may ugat ko.
"Oh?" Tanong nito at naghihintay ng sagot ko.
Tumayo naman ako saka pinagpaggan ako pwetan ko.
"Salamat," sagot ko rito saka tumalikod na naramdaman ko namang sumunod ito sa 'kin.
"Nakita ko 'yong ginawa mo kanina," usal nito kaya napatingin ako dito saglit.
"Alin dun?" Tanong ko.
"'Yong sa canteen at kung paano kinain ng kamay mo 'yong bolang apoy kanina na tinapon sa 'yo ni Prinsipe Drench," sabi nito.
"Sinong Prinsipe Drench?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Ah, 'yong lalake kanina," nakangiting usal nito.
'Yung lalake kanina? 'Yon prinsipe? Ha!
"Ah, ako nga pala si Sharmaine Scott, nakakapagpayabong ako ng mga halaman, ikaw anong pangalan mo?" Sabi nito. Tiningnan ko naman ito saka sinagot.
"Aurora Peters, unidentified ang powers ko dahil ako mismo hindi alam kung anong tawag dito," seryosong usal ko.
Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong kapangyarihan meron ako. Basta't alam ko lang kung paano mag palipad ng isang bagay na hindi ginagamitan ng elemento ng hangin o kung ano pa man. At basta't alam ko kung paano kainin ng kamay ko ang kapangyarihang ibinabato sa 'kin.
Kaya nga ako pumasok o pinasok ng mga magulang ko dito dahil mismo sila ay hindi alam ang kapangyarihang meron ako.
Malalaman ko na kaya ang kapangyarihang meron ako rito? Malalaman kaya ng mga tao dito kung anong klase ang kapangyarihang meron ako?
***
All rights reserved 2018
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...