CHAPTER 3

17.1K 390 13
                                    

Man of Teleportation

AURORA'S POV

Pagkadating namin sa tapat ng dorm na sinasabi niya ay humarap na ito sa akin.

"Maiiwan na kita dito, Aurora. Bawal kasing pumasok sa loob ang mga lalake. Girls dorm lang 'yan,  at sa mga lalake naman na Senior ay sa kabila," saka nito binigay sa akin ang bag na puno ng mga damit. Tsk! sucks!

"Ok, umalis ka na puntahan mo na lang ako mamayang lunch dito para sabay tayong kumain, marami pa akong itatanong at magpapaliwanag ka pa. Tss!" Saka na ako tumalikod.

"Ok, mag-ingat ka Au," pahabol na sigaw nito saka tumakbo na.

Napabuntong hininga naman ako sa lumakad na papasok.

Saan nga ba ako? Fantasia de Academia? Dito na ba ako magaaral? Dito na ba ako titira pansamantala? Gaano naman ka tagal 'yon?

Ito ba 'yong sinasabi ni Mama't Papa sa 'kin na sa pagtuntong ko ng 18 pupunta ako sa mundo na hindi kapanipaniwala. Ito kaya ang sinasabi nila Mama't Papa na mundo na hindi kapanipaniwala? How come they say those things na mismong kami ay hindi matatawag na kapanipaniwala dahil may kakayahan kami na wala ang normal na mga tao. It's weird for a non-magic humans.

"Oh my gosh! This is gonna be so exciting!" Rinig kong impit na sabi ng isang boses babae. Tumingin ako sa may likod ko at nakita ko na may dalawang babae na pareho ang mukha. Kambal siguro. Ang nagsalita naman kanina ay isang babaeng kikay.

"Tss! Your so annoying Becca! Can you please stop shouting?! You sound like a duck! Tss!" Inis naman na sabi ng kambal niya. Ngumuso naman ang kambal nito.

Tumalikod na ako saka hindi na sila pinasin. Kailangan ko pang hanapin ang room number ko para makapagpahinga na ako dahil pagod na ako. Nangangalay na rin ang balikat ko kakabitbit ng bag ko. Ano kaya ang hitsura ng kuwarto ko? Sabi ni Kuya ay wala naman akong makakasama dahil good only for one person lang ang dorm.

"Nasan na ba kasi 'yon! Nabwebwesit na ako sa building na 'to ah!" Inis na bulong ko. Gusto ko ng magpahinga!

"Hey miss!" May kumalabit naman sa 'kin kaya hinarap ko ito.

"Yes?" Tanong ko dahil kahit ultimo sa pagbigkas pagod ako. Kahit maamo ang mukha niya ay hindi parin mawawala ang pagod ko.

"Alam ko ang room number na 'yan," nakangiting usal niya.

Napakunot naman ang noo ko dahil, bakit alam niya na ang room number ang hinahanap ko?

'Malamang sa malamang Aurora Peters! Tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin, may bitbit kang bag! Tsk! Bobo!'

"Ganun ba? Ok! Salamat, pakisamahan mo naman ako," tumango naman ito kaya ngumiti ako. Minsanan lang akong ngumiti kapag alam kong matutulongan talaga ako.

-

After tinulungan ako no'ng babae ay nahanap ko ang room, kaya pala alam niya ang room number kasi magkatabi lang kami. Paano niya nakita ang susi nang room number ko? Well, sabi niya ay nakakabasa siya ng isip, but not in me. And it's kinda weird dahil private ang iniisip ng tao. Nakita niya kasi na bitbit ko sa kamay ang susi kaya ayon, nabasa niya at nalaman.

Tanghali na at nandito ako sa hagdan ng dorm para abangan ko si Kuya Matt. Kanina pa ako nakatunganga dito at hindi pa siya dumadating. Nagugutom na rin ang tiyan ko. Humanda talaga siya sa akin 'pag lumagpas isang oras pa na wala siya. Susugudin ko talaga siya sa boys dorm ng mga Senior.

"Au!" Napatayo naman ako saka napatingin sa may kanan. Si Kuya. May kasama ito.

"Ba't ang tagal mo?! Kanina pa ako naghihintay dito! Nagugutom na rin ang sikmura ko!" Banas na sabi ko. Tumawa lang ito saka ako inakbayan. Tinawanan pa ako ng gunggong.  

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon