ARGUE
AURORA'S POV
Matapos namin kausapin ang mga maliliit na nilalang na 'yun ay naglilibot-libot pa kami sa lugar at may nakikita pa akong ibang tindahan. Mapa-atelier man o mapa-tindahan ngbng mga gulay at prutas. Palangiti ang mga tindera at tindero pero sa tuwing titingin sa gawi ko ay napapayuko ito tila ayaw akong tingnan. Anong problema?
Habang dumadaan pa kami ay napatingin naman ako sa may isang tindahan na kaunti lang ang bumibili. May nakasabit na mga iba't-ibang kwintas, porselas at iba pa. Lumakad naman ako papunta roon at nagtititingin.
"Magandang umaga binibini, ano ang iyong naiibigan?," napatingin naman ako sa nag-salita, isang babaeng kasing-edad ko lang rin 'ata. Nakangiti ito pero nang tumingin ito sa akin ay gulat ang nakapaskil sa mga mata nito,"K-kamahalan," ani nito habang nauutal.
"H-ho?," takang tanong ko dahil bakit tinatawag niya ako nang Kamahalan?,"Pasensya na pero bakit tinatawag mo ako nang Kamahalan?," takang tanong ko ulit nang hindi ito mag salita. Kinakabang tumingin naman it sa 'kin kaya nagtataka ako ritong tumingin. Hindi naman ako halimaw para katakutan.
"Ikaw si Reyna Aurora Chrysós, 'di po ba?" tanong nito habang mababakasan parin ng takot sa mga mata. "Nagbalik kayo Kamahalan," usal nito sabay luhod at yuko na para bang ginagalang talaga ako bilang isang maharlika. Napalunok naman ako dahil nakakaagaw na ito ng pansin. Ano ba 'tong ginagawa niya?! Nababaliw na siguro 'to!
"A-ah pasensya na hindi Aurora Chrysós ang pangalan ko--" naputol ang sasabihin ko ng magsiyukuan rin ang iba. A-ano ba 'to?! H-hindi ko maintindihan.
"Au!" napalingon naman ako sa tumawag sa 'kin. Si Clarisse. Nagtatakang lumapit ito sa 'kin kasama ang apat. "B-bakit sila nagsiyukuan?" tanong nito. Umiling-iling naman ako dahil maski ako ay hindi ko alam. Nilibot ko naman ang tingin ko at halos lahat ay nakayuko.
"Kamahalan, salamat bumalik na kayo," ani ulit nito. Napapailing at sabay mwestra ng kamay na nagsasabi ng hindi. Ano ba 'to?! Kamahalan? Sino? Ako? Impossible! Hindi nga ako dugong maharlika eh! Kaya napaka-imposible.
"Pasensya na pero hindi talaga ako 'yun, aalis na kami," sabay talikod ko. Nakita ko rin ang pagtataka sa mukha nila Clarisse. "Tara na," ani ko sabay pumaunang lumakad. Pero napahinto ako sa sinabi ng babae.
"Kung hindi ikaw ang mahal na reyna. Sana kahit katiting man lang matulungan mo kami. Matulungan mo kaming bumalik sa dating sigla ang lahat lalong-lalo na ang bayan. At alam ko at sigurado ako na ikaw 'yun dahil 'yun ang nakikita ko,"mahabang usal nito. Nilingon ko nama ito pero mistulang imahinasyon lang ang lahat. Parang walang nangyari. Busy silang lahat sa pagbili, pagtinda at iba pa nilang ginagawa pero ang babae hindi ko na mahanap. Bigla na lang nawala. Ano 'yun? Pa'no nangyari 'yun? Imahinsayon ba 'yun o totoo talaga? Hindi ko maintindihan! Watdapak!!!
"Au, ok ka lang? Tara balik na tayo, alam kong naguguluhan ka at pati rin naman kamin eh," sabi no Dren kaya tumango lang ako. Mabuti pa nga at ganun dahil napapagod na rin ako. Gusto kong magpahinga dahil may okasyon pa naman mamaya. Sumasakit lang ang ulo ko. Alam kong hindi imahinasyon ang lahat. Alam kong nangyari 'yun. At para akong kinikilabutan sa tuwing maiisip ang pinagsasasabi ng babae kanina. Para siyang isang manghuhula ng kasalukuyan dahil parang sigurado siya sa sinasabi niya. Iwinaglit ko na lang sa isip 'yun dahil nagutom ako bigla. Wala pa nga pala akong kain dahil umagang-umaga ay kinaladkad ako ni Clarisse papunta sa dorm niya.
***
Nang makabalik na kami sa academía ay papunta na sana ako sa palakad patungong dorm nang may humawak sa palapulsuhan ko. Hay naman! Gutom na ako eh! Nilingon ko naman ito at nakita kong si Rain ang humawak no'n.
"Oh?" bagot na tanong ko. Tiningnan naman ako nito nang nakangiti.
"Alam kong gutom ka kaya tara! Kain tayo libre ko," sabi nito. Hindi pa nga ako nakakasagot ng kinaladkad na ako nito. May sinabi ba akong OO? Hindi pa ako nakakasagot eh! Hinila na ako?! Katarungan please!
Nakarating naman kami sa may mga booths na maraming pagkain. May nakapaskil na pangalan sa itaas 'Joy for Sweet'.
"M-mahal na Prinsipe," usal ng babae. Nakikita ko namang namumula ito. Tsk! Chick magnet pala 'tong isang 'to. "A-ano pong sa inyo?" nakangiting tanong nito na parang hindi napapansin ang prisensya ko. Langya eh no? Ako hindi ba niya tatanungin dahil gutom na ako eh baka siya ang kakainin ko. Charot!
"Anong gusto mo Au?" tanong nito. Hindi parin nito binibitawan ang kamay ko. Sa kamay ko na humawak?! Hindi na sa palapulsuhan?!
"Gustong kong bitawan mo 'yung kamay ko dahil namamasa na," ani ko. Napatingin naman siya rito at binitawan pero nabigla ako ng akbayan niya ako. Mas malala! Ngumiti naman ito sa 'kin. Gusto kong lumubog sa lupa dahil sobrang lapit niya. Parang nagiinit 'yung pisnge ko.
"Alam ko na kung anong gusto mo," nakangiting ani nito. Hindi ko na pinansin ang sinasabi niya sa babae dahil hindi ako makagalaw ng maayos, idagdag pa ang tingin ng babae na parang pinapatay na ako. Ano ginawa ko diyan?
"Get off, Rainstorm," rinig kong sabi ng isang boses sa likod. At alam kong sino 'yun. Ito na naman ang puso ko! Nababaliw na naman. Napalingon naman si Rain kaya nawala ang pagkakaakbay niya sa 'kin. Dahan-dahan naman akong lumingon. Napatingin naman sa 'kin si Jack kaya lalong hindi mapakali ang puso ko. Ang tibok nito. Nabigla naman ako ng hinila ako bigla ni Jack sabay siklop nang kamay naming dalawa. "You don't have a right to touch her even in the littlest thing, Rain," seryosong usal nito.
"Huh! Umiipal ka na naman?" umay sa sabi ni Rain rito. Naramdaman ko namang humigpit ang hawak sa 'kin ni Jack.
"Hindi ako umiipal. Binabakuran ko lang kung anong akin," sabi ulit nito.
"Tama na," sabay hawi ko sa kamay ni Jack dahil hindi talaga ako komportable. Pero hinigpitan lang nito. "Bitaw," ani ko pero binaliwala lang nito. Grabe!
"Halika ka na Au," sabi ni Rain at hahawakan sana ako kaso humakbang paharap si Jack kaya nasa likod niya ako. Nagpalabas naman ito ng kapangyarihan niya.
"Don't you dare," usal ni Jack. Nakita ko naman na nabigla si Rain pero nawala agad ito. Nagpalabas din ito ng kapangyarihan niya.
"Talaga bang gagamitan mo ako ng kapangyarihan mo, Jack?" ani nito.
"Oo, kung 'yun ang nararapat," sagot nito.
"TAMA NA!" sigaw ko kaya biglang dumagundong ang langit. "Diba sabi kong tama na?! Bakit hindi niyo 'yun naiintindihan?! Mahirap bang intindihin 'yun?!" galit na sigaw ko.
"Au," sabay na usal nila. Kunot noo ko naman silang tiningnan.
"Pwede bang kalimutan niyo na 'yung naramdaman niyo sa 'kin?" tanong ko sa kanilang dalawa. "Mahirap para sa 'kin na nag-aaway kayo dahil baka ako pa 'yung dahilan na baka masira ang pagkakaibigan niyo," ani ko. Tumalikod naman ako at lumakad na. Hindi ko na pinansin ang pagtawag nila sa 'kin. Sana naman gumana 'yung pag-arte ko. Sucks!!! Mahirap pa lang umarte talaga. Pero 'yung pag dagundong ng langit. Bigla lang 'yun. Hindi ko 'yun inaasahan.
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...