(Flashback after the 3rd War)
NARRATOR'S POV
Ang pagnguwa ng apat na bata ang bumalot sa buong silid ng mabiyak ang nakabalot rito. Para itong bagong pisa na mga ibon. May bahid pa ng dugo ang katawan ng mga ito.
Bumukas ang pintuan at iniluwa roon sina propesor at Beth. May nakasunod din ito na mga manggagamot para sa mga bata. Lumapit sa kinaroroonan si Edward para kunin ang mga bata ng nakalutang sa ere.
Una niyang kinuha ay ang may kulay abong buhok at dilaw na mata na parang kidlat. Napatingin siya sa may paa nitong may nakaguhit na parang palatandaan o tattoo. Para itong puzzle na kailangan ng kapares. Umilaw ito ng kulay puti na may kahalong dilaw. Ibinigay niya ito sa babae na maglilinis rito. (/|)
Sunod naman ang batang may kulay nyebeng buhok. May kulay puti na kahalo ang asul na mga mata. May palatandaan rin itong sa may noo niya. Kabaliktaran ng sa na una ang simbolo nito. (|\)
Pangatlo ay ang may sobrang kulay asul na buhok. Ang mata nito ay kasing kulay ng ulap kapag araw. Ang palatandaan nito ay sa may kanang dibdib. Pababa ang hugis triangulo ngunit hindi buo. (\|)
Ang panghuli ay ang kulay apoy nitong buhok. Kulay palamang ay alam mo na kung ano ang kapangyarihan na taglay niya. Ang mga mata nito na kasing kulay ng bukang liwayway tuwing hapon. Ang palatandaan nito ay sa likod ng kanyang palad. Pabaliktad naman ang kanya sa balat ng ikatlong bata. (|/)
Hindi mapigilan ng propesor na mapangiti. Alam niya na ito ang re-in-karnasyon ng monarkiya. Ang apat na ito ay sumisimbolo sa kanila.
Ang tanong... Apat nga lang ba?
(Mortal World)
Malakas ang buhos ng ulan. Mahimbing ang tulog ng lahat ng tao. May mga pusang gala na naghahanap ng masisilungan. Isang bilog na bagay ang tumama at lumanding sa harap ng bahay ng mga Peters. Lumiwanag ang buong paligid at isang bata na mahimbing ang tulog na nasaloob ng lalagyan nito.
Nasaloob ng bahay ang mag asawang Peters habang mahimbing ang tulog. Isang malakas na pagkatok ang maririnig ngunit hindi parin sila nagigising. Sa pagdagundong ng langit ay napamulat ang dalagita nilang pamangkin na si Siona. Nakarinig siya ng katok kaya napatalukbong siya ng kumot.
Ang na sa isip niya ay baka magnanakaw o ang kanyang kuya na pumanaw na at nagpaparamdam. Kumulog muli at kasabay n'on ang pag nguwa ng bata. Rinig na rinig niya ang pag-iyak nito. Nagsisitayuan narin ang mga balahibo niya. Hinigpitan niya ang hawak sa kumot at pumikit ng mariin.
Bakit ba sabay ang mga nangyayaring kakaiba sa kanya. Kung ano-ano ang nakikita at naririnig niya. Bigla ay may narinig siyang katok ng pintuan. Tinawag pa ang kanyang pangalan.
"Siona!" ang tiyahin niya iyon. Kumatok ulit ito at tinawag siya kaya mabilis siyang bumaba ng kama at pinagbuksan ito.
"Ano po iyon nay?" nanay na ang tawag niya rito simula ng ampunin sila ng kuya niya.
"May bata," ani nito. Nakangiti ito. "Samahan mo ako. Na sa baba ang papa mo," at tumalikod na ito. Kahit nalilito ay sumunod na lang siya.
Nang makababa ng hagdan ay maliwanag na sala ang bumungad sa kanya. Napatingin siya sa may sofa at nakita niya doong kilik-kilik ng tiyohin niya ang isang sanggol na mahimbing ang tulog.
Umupo ang tiyahin niya katabi ng kanyang tiyo at pinagmasdan ang sanggol. Lumapit naman siya at na-upo sa tabi ng kanyang tiyo. Pinagmasdan niya ang sanggol at parang may humaplos sa puso niya ng ngumiti ito.
"N-ngumiti siya nay, tay!" masayang sabi niya at natawa naman ang kanyang tiya't tiyo.
"Kay gwapong bata. Sino kaya ang nag bilin nito? Kay ulan kanina mabuti na lang at maylalagyan siya para hindi mabasa," usal ng tiya niya. Napatingin naman siya rito.
"May nangiwan po sa kanya?" takang tanong nito. Nabaling naman ang tingin ng tiya na sa kanya.
"Oo. Hindi mo narinig na umiyak siya kanina?" tanong nito. Napalunok naman siya dahil ang narinig niya kanina na pag nguwa ay sa bata pala talaga iyon.
"Narinig ko po. Akala ko kasi ay aswang na nagpapanggap lang na bata," at napanguso pa siya. Natawa naman ang kanyang tiyo na kilik parin ang sanggol.
"Nadadala ka na sa mga nababasa mo Siona. Mabuti pa ay ipagtimpla mo muna kami ng nanay mo ng kape. Hindi na rin naman kami makakatulog ngayon. Alas singko na," sabi ng kanyang tiyohin. Tumayo naman siya at tumango. Pagkatalikod niya ay napahaplos siya sa palapulsohan niya ng sumakit iyon. Isiniwalang bahala na lamang niya at tumuloy na sa kusina.
Habang ang mag-asawa naman ay napapangiting pinagmamasdan ang bata. Nakita nilang lumiwanag ang batok nito. Napatingin sila sa isa't-isa at hinawi ni Celestine ang lampin na nakatabing rito. Napalunok siya ng makitaan ito ng marka. Para itong tatsulok ngunit dalawa lamang ang sulok. (/\)
"Hindi siya normal Cel. May kakaiba sa kanya," seryosong usal ni Henre. Napakagat naman ng labi si Celestine. Parang sinadya yata ang nangyayari ngayon.
"H-hindi kaya... K-kadugtong siya ni A-aurora?"
(To be continued...)
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasíaSa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...