CHAPTER 28

8.5K 217 5
                                    

SHE'S NOT GONE

NARRATOR'S POV

Malawak. Mataas na harang na pinapalibutan ng tatlong malalakas na kapangyarihan. Limang prinsipe na pinapalibutan ng kanya-kanya nilang kapangyarihan. Tubig, apoy, yelo, kidlat, at bagyo. Magkakahalo laban sa isang malaking halimaw.

Walang ibang maramdaman si Thunder kong hindi ang galit. Nilalamon ang puso niya sa galit. Parang isa siyang kidlat na nakakamatay pag sumabog. Hindi man lang niya alam kung bakit nagging ganyan si Iris. Nung dati ay ang bait-bait nito at nakangiti palagi. Pero nag bago ito dahil hindi na pala ang mismong kaluluwa ang nag kokontrol dito.

Naaalala na naman niya yung mga panahon na muntikan na ring kunin ang kaluluwa ni Clarisse ng mga black hallows. Bata pa lang sila ay nakaranas na siya ng takot sa mga ito, kita niya noon kung paano kinuha ang kaluluwa ng mga yumaong magulang at kapatid. Hindi man lang niya nipagtanggol ang sariling pamilya. At nang dahil doon ay naitakwil siya ng sariling bayan. Hindi siya pwede maging karapat dapat na maging kabahagi ng bayan nila. Buti na lang at may kaisa-isang taong tumulong sa kanya, ang tiyuhin nitong si Thornado mas kilala bilang Thor. Sinanay siyang gamitin ang kapangyarihan na ipinagkaluob sa kanya ng hari ng mga kidlat na si Zues.

"Mag babayad ka sa ginawa mo!" galit na sambit nito bago nawala sa harap ng mga kaibigan at sa isang iglap ay na sa likoran na ito ng kalaban. Isang napakalakas na bultahe ng kuryente ang itinira niya na siyang nakapagpasigaw dito.

"Uwaaa!" at bugmagsak ito sa lupa. Umusok ang buong paligid na siyang hindi makita kung ano ang nangyari sa kalaban. Hingal na hingal at taas baba ang dibdib ni Thunder habang nakalipad parin sa itaas at nag aabang sa kinahihinatnan ng halimaw.

Nakaabang din ang mga kaibigan nito na pinapalibutan ang buong katawan ng mga kapangyarihan nila. Nagaabang din ang mga ito kung ano ang kinahihinatnan ng kalaban. Nang mawala na ang usok ay isang kalahating katawan ang nakita nila ngunit walang umaagos na dugo. Para itong isang sinunog na gomma. Napakunot ang noo ni Thunder dahil sa kinahinatnan ng kalaban.

'Paanong imposible na nangyari iyon?! Imposible!' ani nito sa kanyang isipan.

"Lightning thorn!" sigaw nito at nag pakawala ng maraming maliliit at matutulis na kidlat. Paparating na ito pero napatigil siya dahil sa biglaang pag pagaspas ng pakpak ng nakahigang kalaban. Bumalik naman sa direksyon niya ang tinira niyang kapangyarihan at hindi niya naiwasan kaya na daplisan ang braso niya.

"Shit!" daing nito. Tumulo ang dugo sa braso nito. Napatingin naman siya sa kalaban ng lumipad ito kalahati ang katawan.

"You can't defeat me, weak!" insultong sabi nito at nag palabas ng itim na usok at pinalibutan ang sarili. Napatingin saglit si Thunder sa sugat niya at napangiwi siya nang makita niyang malalim iyon. Tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng masaganang dugo nito. Napatigin siya ulit sa kalaban at hindi makapaniwalang tiningnan ito.

'Paano?'

Ngumisi naman ang kalaban at parang iniinsulto ang lalake. Isang hindi inaasahan na maliliit na bola ang tinira nito papuntang sa direksyon ng lalake. Agad namang gumawa ng harang si Thunder upang hindi siya matamaan. (Lightning Shield)

"Fuck!" malutong na mura ni Jack at agad itinira papunta sa direksyon ng kalaban ang mga malalaki at matutulis na tipak ng yelo. Lumipad naman agad siya at pinalibutan si Thunder ng makapal na yelo para proteksyonan ang kaibigan. Nag silipad naman ang iba pa nilang kaibigan at dinaluhan ang kaibigan.

"Ang pangit mo!" sigaw ni Dren. Napatingin naman sa kanya ang kalaban at tiningnan siya ng masama kaya napangisi ito,"Akala mo ba maganda ka?! Hindi uyy! Tignan ko yang mukha mo! Ang sagwa tingnan!," lait na sabi nito.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon