CHAPTER 18

9.7K 248 2
                                    

GOSSIPS

AURORA'S POV

"Naku! Kung narinig mo lang ang dalawang Prinsipe na nagkasagutan mabibigla at mabibigla ka talaga sa batuhan ng salita nila," rinig kong chismis ng isang babae na sa tingin ko ay ka year level ko.

Nandito ako sa sanga ng malaking puno sa likod ng academía para sana mag isip-isip at mag pahangin pero mukhang hindi talaga ako lulubayan ng mga chismosang bunganga ng mga estudyante dito.

"Talaga?! Bakit daw?! Bakit sila nagkasagutan?!" sunod-sunod na tanong nito at halatang sabik na malaman ang sagot.

"Kilala mo ba 'yung babaeng nakalaban dati ni Prinsipe Drench?" tanong nito na halata't ako ang tinutukoy. Hindi na lang sabihin nang diritso eh! May pa suspense-suspense pa.

"Oo, si Aurora," sagot naman ng kaibigan niya. "Balita ko rin eh siya 'yung nag ligtas sa 1st and 2nd junior building," chismosang sabi nito.

"Oo 'yun nga! Eh 'yun na nga tapos nagkabatuhan ng tanong alam mo ba ang sanabi ng dalawang Prinsipe?" suspense na tanong nito.

"Ano?!" excited na tanong no'ng isa.

"Na may gusto daw sila kay Aurora! Nakita ko nga rin ang mga mata ni Aurora Peters, kakaiba talaga siya. 'Yung Isa kulay kalawakan ang isa naman kulay apoy at ang dating kulay kalawakan na buhok ay nagging itim at umikli," mahabang litanya nito. Napasinghap naman ang kasamahan niya.

"T-talaga?! Oh. My. Gosh!" di makapaniwalang usal nito. 'Di ko tuloy maiwasan na isipin​ ang nangyari kanina. 'Di talaga ako makapaniwala. Inamin ng dalawang gunggong na 'yun na may gusto sila sa 'kin?! Haba naman ng buhok ko!

"Eh ikaw? May gusto ka ba sa kanya? Are you admiring her just like I admire her, Rainstorm," mas gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Paano 'pag sinabi kong, OO? May magagawa ka ba?," ngising sagot nito.

"Oo," simpleng sagot nito. Kung hindi talaga masakit pa ang katawan ko, itinapon ko na ang dalawang 'to! At bago pa sila mag-away at tumayo na ako. Napatingin naman ang dalawa sa 'kin kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Gusto niyo pa bang mabuhay? Ano bang ginagawa niyo?!," inis na sabi ko. Bwesit 'tong dalawang 'to! Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Tuloy parin sa pag-aaway.

"Eh siya kasi eh!," turo ni Rain kay Jack.

"What?! Me?!," gulat na sabi ni Jack,"Why are you blaming me?!," sabay turo sa sarili,"Hey!," turo nito kay Rain,"I'm just giving her what she want and then you suddenly interrupt," paliwanag ni Jack. Inglesero parin kahit nakikipag-away na.

"Pwede bang tumigil na kayo?! Nakakainit kayo ng ulo eh!," banas na sabi ko. Umalis naman ako sa may upuan at tiningnan sila na may nagbabantang tingin,"'Pag kayo hindi tumigil, itatapon ko talaga kayo!" sabay turo at banta ko bago umalis.

"Gusto ko tuloy makita si Aurora para makita ko rin ang mata niya," usal no'ng isa kaya nabalik ako sa reyalidad. Kumulo naman ang tiyan ko kaya gulat silang napatingin sa may kinalalagyan ko. Napasinghap pa ang mga ito. OA bes?

"K-kanina ka p-pa ba d-diyan?" utal na tanong no'ng isa. Napabuntong hininga naman ako dahil wala pa akong kain.

"N-narinig mo k-kami," tanong no'ng isa. "I-ikaw si Aurora diba? Aurora Peters," tanong ulit nito. Tumalon naman ako para makababa ng puno. Bumaling naman ako ng tingin sa kanila at napahawak sa tiyan ko dahil kumulo na naman.

"May pagkain kayo?" tanong ko. Nagulat naman ang dalawa pero dali-dali din itong nanghalungkat sa nga bag nila.

"I-ito oh!" sabay lahad no'ng nag ku-kwento kanina. Nanginginginig pa ang kamay nito. Kinuha ko naman ang mansanas na binigay nito at kinagatan. "N-narinig mo k-kami kanina diba?" tanong nito kaya tumango ako habang ngumunguya-nguya at na-upo sa tabi nila.

"T-totoo nga ang sinabi mo, J-jana," sabat nang isa niyang kaibigan. Tiningnan ko naman ito kaya napaiwas ito ng tingin.

"Bakit niyo pala ako pinag-uusapan?" tanong ko. At binaling ang tingin sa harapan. Pinag-chi-chismisan ako eh!

"A-ano kasi t-tungkol sa pag-aaway n-ng dalawang Prinsipe, 'y-yung--"

"'Yung tungkol sa 'kin?" papuputol ko sa sasabihin niya. Tumayo naman ako at tinapon ang natirang mansanas sa may basurahan. Bumaling naman ako ng tingin sa kanila at napailing. "May sakit lang ang dalawang 'yun at 'yung narinig mo? Naku! Wala lang 'yun kaya wag niyo nang ipagkalat, hmm?" sabi ko at lumakad na. Kung pwede lang sampahan ng kaso ang mga tao dito tungkol sa pag chi-chismis ginawa ko na.

Nang makarating ako sa hallway ng gusali ay pinagtitinginan na naman ako. Nagbubulungan, 'yung iba naman kung nakatingin parang pinapatay na ako, sila patayin ko diyan eh! Syempre biro lang. May mga nag he-head to to naman sa 'kin pero hindi ko na lang pinapansin. It's such a vain. Nang lumiko na ako sa pasilyo ay nakita ko naman ang Monarchies, kumpleto ang mga ito.

"Au! Sa'n ka ba nag pupupunta? Kanina ka pa namin hinahanap," alalang tanong sa 'kin ni Clarisse. Lumapit naman ito sa 'kin at tumabi.

"Ayos lang ako," usal ko. Sobra kasi kung makapag-alala. Hindi ako sanay at nauubusan ako ng sasabihin kaya minsan at dinadaanan ko na lang sa angas. Pwe!

"Kumain ka na ba?"

"Have you eaten?" napabaling naman ako ng tingin sa likod ng sabay mag salita ang dalawa. Nagsisimula na naman mag-ingay!

"Tapos na, kaya 'wag na kayong magulo," sagot ko para hindi na sila mag-ingay at manahimik na lang sila.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko say dalawang 'yan. Kung bakit nagkaganyan 'yan. Kung pagbabasehan ay halos dalawang linggo pa lang ako rito. May gano'n ba ka 'agang ma-in lab ang isang tao? Then why people on Earth, why me? Marami namang naggagandahan diyan, mala-porselana pa nga ang balat. Eh ako? Snob, walang pake sa mundo, maangas, masungit at minsan hindi gumagalang.

Paano magkakagusto sa akin ang isang lalake diba? I'm not a type of a women that every men's dream. But I'm a type of a woman that stick to one.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon