CHAPTER 32

7.3K 191 0
                                    

AWAKENING

AURORA'S POV

Hindi ko alam kung ano ang gagwawin. Kaya hinampas ko si Jack dahil may plano talaga siyang mag pakamatay at ayaw kong umayon sa kanya. Ulol! Gusto ko pang mabuhay no? Hindi ko pa nga nakakaharap ang pinuno ng mga black hallows ay sa ganito lang ako mamamatay?

"Don't worry. I'll won't let any harm you," sabi nito sabay whistle niya.

Bigla namang natakpan ang sinag ng araw na tumatama sa buong kalupaan ng Academia. Lumakas ang ihip ng hangin at naririnig kong may pumapagpas.

Nasa kalagitnaan na kami at lalampas na kami sa harang ng academia ay bigla namang pumaadusdos pababa at na salo kami ng nilalang na iyon. It's like a Griffin. But it is indeed.

"Saan galing ito?" nagtatakang tanong ko at tiningnan si Jack. Umayos kami ng upo at ako ang na sa unahan at siya ang na sa likuran. Nakalusot ang kamay nito sa may bewang ko.

"Hindi tayo pwedeng mag tagal dito. Kailangan na nating makabalik sa loob ng academia. Kailangan nila ng tulong natin at kailangan nating sabihin sa kanila na kalaban ang itinutoring nilang principal," sagot nito at hindi pinansin ang tanong ko. Isinantabi ko muna iyon at hindi na lang siya pinansin.

Mabilis na lumipad at ipinapagaspas ng nilalang ang kanyang pakpak at pumunta paibaba. Nakita naman kami ng mga black hallows na papasok ng academia kaya sa amin napunta ang attention nila. Nagpalabas sila ng maitim na bola at may halo itong maliliit na mga tusok at kuryente.

"Ice shield!" napatingin naman ako kay Jack ng mag palabas ito ng makapal na pang-protekta sa amin. Humarap ako sa unahan at may nakaabang na dalawang black hallows at may mga bola rin ito kagaya ng iba. Bumitaw naman ako sa pagkakahawak sa balahibo ngnilalang na ito at pumorma ng isang hugis parisukat sa kamay ko.

"Wendarf. I summon you," bigkas ko at may lumabas na isang simbulo. Para itong kidlat pero kulay dilaw and it transformed into a horse. Kulay black at may lining itong kulay dilaw. Ang buntot naman nito ay parang high voltage ng kuryente.

"Ano 'yan?" rinig kong tanong ni Jack na nagtataka. Hindi ko ito sinagot at itinuon ang pansin kay Wendarf.

"Come," at iminuwestra ko ang kamay ko para palapitin ito. At sa isang iglap ay na sa harapan ko na ito. Hahawakan ko sana ito ngunit pinigilan ako ni Jack.

"Baka masaktan ka, Au," nag-aalalang ani nito. Umiling-iling naman ako at iwinaksi ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Alaga ko siya. Pagaari ko siya," sagot ko bago sumakay sa likod nito at tinapik ko ito,"Ako na ang bahala dito, pumunta ka na sa loob!," seryosong sabi ko.

"NO!" matigas na bigkas nito. Umiling-iling ako. Ang tigas talaga ng ulo.

"Umalis ka na at baka mapilitan akong gamitin sa 'yo ang kapangyarihan ko, Jack," sabi ko. Nabigla naman ito, hindi siguro nito inakala na sasabihin ko iyon. Totoo ang sinabi ko, gagawin ko talaga iyon 'pag hindi siya nakinig.

"Wala akong pakialam basta huwag mong akuin ang lahat. Nandito rin kami Aurora na handa kang tulongan. Marami tayo--"

"Hindi ko gustong mapahamak kayo! Hind mo ba iyon maintindihan?!" pag putol ko sa sasabihin niya. Tsk! Ayaw kong magalit sa kaniya pero kailangan. Ayaw kong isa sa kanila. Tama na iyong isa ang mawala kesa sa marami.

"Ha! Eh ikaw? Hindi mo ba naisip na kapag napahamak ka rin ay konsensya ko ang hindi matatahimik?! Your being selfish again Aurora!" galit na sagot nito. Nakipag sabayan ako ng titig sa kanya. Hindi ko siya pinakitaan ng kahit anomang emosyon. Ayaw kong mag pa daig. Hindi ko hahayaang magiba ang ginawa kong pader sa pagkatao ko.

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon