CHAPTER 14

10.4K 296 6
                                    

WHO IS SHE?

CLARISSE'S POV

Nang makarating kami sa palasyo nila Dren ay pinapasok kami agad. Sinalubong rin kami nang Hari at Reyna kung saan Ama't Ina rin ni Dren.

"Oh hala, anong nagyari sa dilag na iyan? Sinaktan na naman ba nitong aking anak?" Usig nang mahal na Reyna. Kilala na kasi nito ang anak kaya't ganyan 'yan. Palagi kasing pumapasok sa gulo si Dren. Hindi naman totally na basagulero, siya kasi ang sergeant at arms ng Academia. Tungkulin niya na walang mangyayaring gulo.

"Nay! Hindi po, hindi ba nakarating sa inyo na nakapasok ang kalaban at sinunog ang dalawang palapag ng dorm sa junior nang mga girls?" Depensa't sagot naman ni Dren.

"Nakarating naman sa amin, papunta na nga sana kami dun kaso ay mukhang nandudoon na ang High Monarchies," anang Hari at napatingin kay Aurora na hawak-hawak ngayon ni Dren dahil mainit pa rin ito. "Oh sino naman 'yan? Bakit hawak-hawak mo, anak?" Tanong nang Hari na may nagtatakang tingin.

"Ipapaliwanag po namin," ako na ang nag salita. Napatingin sa gawi ko ang magulang niya at tumango ang mga ito.

"Oh... siya dalhin mo muna siya sa silid para sa mga bisita at doon muna siya mamalagi," utos nang ama ni Dren kaya yumuko kami at sumunod na kay Dren nang mag lakad ito pataas nang hagdan.

"Ok lang kaya si Au?" Malungkot na usal ko. Hindi ko parin maisip na gagawin niya 'yon para lang makatulong. Sana ayos lang siya dahil may sobrang nag-aalala. Kami, ako, kuya niya.

"Ok lang siya, alam kong malakas si Au, nagawa nga niyang iligtas ang mga bata kanina sarili pa kaya niya?" nakangiting sabi ni Thunder na himala yata hindi namimikon ngayon.

"Sa'ng room ba siya Dren?" tanong ni Rain na kanina pa tahimik at ngayon lang yata nag salita.

"'Yong sa pangalawa at pakibukas na lang," sagot nito.

Nang nasa tapat na kami ay binuksan iyon ni Rain at bumungad sa amin ang malaking silid. Pa-round shape ito at nasa gitna ang isang king size bed maraming ring mga palamuti na nakalibot dito. May chandelier naman sa taas pero hindi ito pangkaraniwan na chandelier na makikita mo sa mga hotel. Ito ay nakasabit pero apoy lang ang mistulang nag papailaw dito. Pinapalibutan ito sa buong kisame. Inihiga naman ito ni Dren at hindi muna kinumutan.

"Hindi muna natin siya kukumutan dahil baka lalong mag init 'yung katawan niya at para na rin maging pantay ang init nang katawan niya," sabi nito. Nakita ko namang tumabi si Rain dito at pinagmasdan. May something sa isang 'to kanina pa.

"Sino ka ba talaga?" tanong nito kaya nagkatinginan kami. Ano na naman bang pinag-iisip nito?

"A-ano ba 'yang tanong mo Rain," pilit na usal ko. Tumayo naman ito at tumingin sa amin nang seryoso.

"Hindi ba kayo nagtataka kung paano niya nagawa 'yun? Ni sa tanang buhay ko hindi ko pa 'yun nakikita," sabi nito at tiningnan kami isa-sa "Kayo? Nakakita na ba kayo nang ganoon? 'Yong mistulang hinihigop 'yung ibang kapangyarihan?! Ikaw Dren alam kong nagtataka ka rin naman sa kung ano nga ba sa babaeng 'yan," sabi nito.

Tiningnan ko naman sila at napapaisip rin ang mga ito, pati rin naman ako eh. Alam ko namang galing siya sa labas nang mundo nang mahika pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kapangyarihan niya. Baka naman 'yung mga magulang niya magic user din gaya namin. Pero 'yung kapangyarihan niya ay iba talaga.

Hindi kaya....

Siya ang bagong sugo nang Kosmós de Mageía? Pero imposible naman dahil wala namang balita galing sa orakulo at higit sa lahat ang may kakayahan lang na maging bagong sugo ay may dugong bughaw. Pero tinulungan siya nang dating sugo! Ibig sabihin ay nakita niya na ang mukha nito o nakausap! Pero na-paka-imposible pa rin dahil hindi basta-basta nakakaharap at nakakusap ang dating sugo. Napakailap nito at mistulang pulang hood lang ang nagtatakip sa mukha nito.

Tama! 'Yong pulang hood na suot niya kanina!

"Napansin niyo ba 'yung pulang hood niya kanina? 'Yong suot-suot niya," tanong ko sa mga ito.

"Oo, bakit naman?" nagtatakang tanong ni Dren.

"Nawala! Diba suot-suot niya 'yun kanina?" sabi ko sa mga ito.

"Oo nga suot-suot niya pero Clar, nasunog na 'yun nang apoy kanina," sagot naman ni Thunder kaya napatikom ako. Oo nga naman Clarisse!

"Oo nga," na sabi ko na lang. Pero hindi pa rin mawala-wala ang na sa isip ko ngayon.

Sino nga ba talaga siya?

Fantasia de Academia (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon