THE TRAITOR
THUNDER'S POV
Nakatingin lang ako habang may ilaw na nakapalibot kina Clarisse at Becca. Gusto kong lumapit ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Masaya ako dahil wala na ang halimaw at nakita na namin ang pinakamagaling na sorcerer na si Galea. Hindi ko alam na sa isang wagayway lang ng hawak-hawak niyang stick ay nawala ng parang bula ang halimaw.
"U- unti-unti ng nawawala ang liwanag. I-ibig sabihin ay unti-unti na ring nawawala s-si..... B-becca," usal ni Dren. Napalingon naman ako sa kanya na nagtataka.
"A-anong sinasabi mo?" takang tanong niya rito. Napabaling naman ito ng tingin sa kanya bago umiwas.
"N-nabasa ko sa isang libro dati na... na... ang lahat ng kapangyarihan ay m-may..." nag-angat ito ng tingin at tumingin sa amin. "M-may... limitasyon," mahinang sabi nito. Ano? Anong limitasyon?
"A-anong limitasyon? H-hindi ko maintindihan?" nagtatakang tanong ko. Anong limitasyon? Bakit may limitasyon?
"Totoo ang sinasabi niya Thunder. All powers has a limitation. Kapag nagagamit mo nang sobra ang kapangyarihan mo you have a chance to die. At hindi mo iyon mapipigilan," biglang singit ni Galea. She's staring them in a blank reaction. Ni hindi ito nakangiti. Sobrang seryoso nito.
Napabuntong hininga naman ako. Sumasakit ang ulo ko sa lahat ng problema ngayong araw. Napatingin naman ako sa pwesto ni Clarisse at Becca ng mawala ang ilaw na nakapalibot dito. Gulat akong napatingin ng wala akong makita o nadatnan na katawan ni Becca at tanging katawan lang ni Clarisse ang nandodoon at wala na ang malaking sugat nito at tanging punit na damit lang. Ni walang mababakasan na peklat.
Agad akong lumapit dito at narinig ko naman na sumunod ang mga kaibigan ko. Dali-dali kong hinubad ang jacket ko at isinuot agad dito. Kahit nakahiga ay maayos naman niyang naisuot.
Kinarga ko naman ito na parang bagong kasal at humarap naman ako sa kanila. Kailangan na naming bumalik sa loob ng academia para mapatingnan si Clarisse at Bett. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko ngayon. Masaya dahil wala ng sugat si Clarisse at nalulungkot dahil alam kong pagising ni Bett at wala na siyang maalala sa mga nangyari at makakalimutan na nito ang kakambal niyang walang sino man ang nakakaalam king nasaan ngayon.
"Bumalik na tayo sa academia. Kailangang matignan ang kalagayan ni Clarisse at Bett," ani ni Jack. Tumango naman kami.
"Mag teleport tayo para madali dahil kung maglalakbay pa tayo pabalik sa Acdemia ay matatagalan tayo," singit naman ni Galea. Tumalikod naman ito at itinaas ang hawak-hawak nitong stick. May sinabi siyang nga salita na sa tingin ko ay Latin iyon. Umilaw ang dulo ng stick at tumira iyon sa puno na kaharap niya. May lumabas naman na parang pintuan na umiilaw-ilaw. Hugis bilog ito.
"Tara na bago pa sumara ang portal," at nauna itong pumasok. Sumunod naman si Dren na bitbit si Bett. Sununod naman si Storm at Rain. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Jack. Nalulungkot ako dahil nawawala na naman si Aurora. Hindi ko rin naman alam na king nasaan ito. Ngumiti ito sa akin at tumango. Lumakad ako papalapit sa may butas at sinulyapan siyang muli.
"Hindi ka ba sasama?" tanong ko. Ngumiti naman ito at saka napabuntong hininga.
"Gustohin ko man pero hahanapin ko muna siya. Gusto ko na siyang makita. Mayakap," usal nito at humina ang kanyang boses. "Promise. Babalik ako. Babalik akong kasama siya," at ngumiti ito. "Sige na baka sumara na iyan. Saka umamin ka na baka mahuli ka pa," at tinanguan ko naman ito. Ngumiti muna ako bago tumalikod at humakbang papasok.
Sana makita niya na si Aurora. He really loves her a lot. Really indeed.
-
AURORA'S POV
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...