SHE MADE IT
AURORA'S POV
"Ngayon na ang paglalakbay ninyo dahil nabalitaan kong may balak na kunin ng mga Black Hallows ang bato sa kinaroroonan ni Galea," rinig kong sambit nang Sugo kaya napabuntong hininga na lang ako. Balak ko pa naman sanang magpahinga, tsk! Sa oras lang na matapos tong misyon ay siguradong magpapahinga ako.
"Monarchies, Keepers and Siona ang misyon niyo ay magsisimula na," at nawala na ito sa harapan namin.
Narinig ko namang bumukas ang tarangkahan at mistulang parang na sa horror film ka dahil sa tunog nito. Nang tuluyan na itong bumukas ay nakita ko na naman ang mga mayayabong na damo. Nung una kong punta dito ay mistulang mga patay ang mga halaman pero ngayon ay parang binigyan sila ng sustansya.
"Tara na para matapos na 'to," bigkas ko at pumauna na nang lakad. Narinig ko naman ang mga yabag nila ng sumunod na ang mga ito.
"Kala mo kung sino," at binangga pa nito ang balikat ko at naunang lumakad. TSS! Kinginang babaeng ito! Mabuti at hindi ako pumapatol sa pagka isip bata. Hinayaan ko na lang siya dahil baka mas masira lang ang mood ko.
"Ako na ang magbibitbit ng gamit mo Au," biglang sulpot naman ni Rain. Napaismid naman ako.
"Wag na, may kamay naman ako eh," sagot ko pero hindi iyon pabalang sadyang sinasabi ko lang ang totoo.
May bitbit na ngang gamit niya eh bibitbitin pa niya ang gamit ko. Para naman itong napahiya kaya napakamot ito sa batok. Napatuloy naman kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinaunang parte ng gubat. Naupo naman ako sa may malaking bato at kinuha ang plastik na may laman na tubig. Pagkatapos ay nagpahid rin ako ng panyo sa noo ko dahil tumatagaktak na talaga ang pawis ko.
"It's so nakakapagod pala, I thought it's so masaya pero your so quite naman guys eh," maarteng usal ni Becca. Tagaktak na rin ang pawis nito at naupo sa isang sanga ng punong kahoy.
"Eh di sana nag reklamo ka kanina na hindi ka na sasama kung ayan lang rin naman ang dinadada-dada mo. Your so nakakainis talaga," pang-iinis naman ni Thunder sa kanya. Ginayagaya pa nito ang mukha ni Becca.
"Your so pa epal naman! Akala mo naman na your so gwapo," inis na sagot ni Becca. Inirapan pa niya ito.
"I'm so gwapo naman talaga," konyong sabi parin nito. Hinayaan ko na lang sila mag-away, bahala sila diyan. Sinasayang lang nila ang inerhiya nila.
Habang nagkaupo ako ay parang may napapansin naman ako sa inuupuang nito ko, para bang gumagalaw ito. Tumayo naman ako habang kunot ang noo. Tss! Anong problema?! Nabigla ako ng gumalaw talaga ito. Napaatras ako dahil baka matamaan ako. Narinig ko namang nabigla rin sila kaya naghanda agad ako ng pwersa sa dalawang palad ko. The heck!!
"Ano yan?!" rinig kong sabi ni Bett. Para itong isang halaman na tumutubo sa laki. Mga na sa taas siguro itong 8. Pumorma itong hugis katawan ng lalaki na may malaking katawan na mataba. Para itong isang statuwa na binigyan ng buhay.
"Grrr!" hiyaw nito.
Napalunok naman ako dahil para akong mabibingi sa klase ng pagsigaw nito. Pumadyak naman ito palapit sa amin kaya nakagawa ito ng pagyanig ng lupa. Napaatras naman ako habang binabalanse ang katawan para hindi matumba. Humakbang pa ito paisa kaya natumba ako. Nagliparan na rin ang mga ibon na nanggaling sa gubat. Nahihilo na rin ako at parang masusuka. Piste naman oh! May binunot naman itong puno kaya naglabasan ang mga matutulis na ugat nito.
"Pag sinabi kong tumakbo, tumakbo tayo," seryosong usal ng isa sa mga kasamahan ni Iris na Storm yata ang pangalan. Nagsitanguan naman sila kaya umayon na rin ako. Pero kung tatakbo kami ay parang tatakasan rin namin ang kalaban. Tsk! Huminto naman ito sa paghakbang kaya pagkakataon na naming tumakbo. Bitbit parin nito ang punong hinugot nito.
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...