TENSION
AURORA'S POV
Pagkababa ko ng carosel ay siya namang sunod sa akin ng tatlong maliliit na nilalang. Mas pinili nila ang sumunod na lang sa akin sa party kaysa raw maiwan sila sa dorm o di kaya ay umuwi.
"Wag mong hatakin pababa ang damit kamahalan," usal naman ni Shine ang leader sa kanilang tatlo. Hindi kasi ako komportable sa suot kong napakaikling dress at backless pa. Pinaresan lang ito ng mahabang puting boots na may pa ekis-ekis na liston.
"Hindi nga kasi kako ako si kamahalan niyo at hindi rin ako komportable sa suot ko. Hindi ba pwedeng pahabain niyo ito na abot hanggang lapag?" sabay inis na tanong ko at lumakad na paakyat ng hagdan.
Bale may hagdanan kasi sa labas at makikita sa taas ang main door. May nakaabang naman na isang lalakeng maskulado ang pangangatawan. Binuksan naman niya ang pinto pero pinigil ko muna ito. Kinakabahan kasi ako baka tapos na o kumakain na sila.
"Teka lang kuyang mama. Nag simula na ba ang kasiyahan?" malumanay na tanong ko. Alangan naman na magpakasiga ako. Baka suntokin ako nito at hindi pa ako makadalo. Baka mag tampo pa sa 'kin si Clarisse.
"Kanina pa," simpleng sagot nito pero napakalalim ng boses.
Lumunok naman ako dahil parang isang bouncer siya sa isang bar. Tumango naman ako bago huminga ng malalim at binuksan na niya ang pintuan. Naglikha ito ng ingay kaya dahan-dahan akong lumakad papasok. Nanginginig pa ang mga tuhod ko at pinagpapawisan ng malamig ang kamay ko. Nakatingin silang lahat sa 'kin! What the!
May spotlight naman na tumutok sa akin kaya mas lalong hindi ako mapakali. Gustong kong humakbang ng mabilis para sana umalis sa gitna pero hindi ko magawa. The F! Sana naman ay walang makakilala sa akin pero mukhang nagkamali yata ako dahil may biglang sumigaw ng pangalan ko. Hindi ang Monarchies. Lalo na't hindi 'yung mga babaeng sunod ng sunod sa akin. Kundi si Kuya!
"Kapatid kooo," masayang tumakbo ito patungo sa 'kin na nakangiti at iminuwestra ang dalawang bisig nito para yakapin ako pero itinaas ko ang kanang kamay ko sabay yukom nito. Napahinto naman ito sa pagtakbo at parang manikin na nakatayo sa gitna na ganun ang posisyon habang Hindi makagalaw. Parang 'yung kay Marga ba 'yun? Yung ginawa kong hindi pagpapagalaw sa isang bagay.
Ibinaba ko naman ang kamay ko at dahan-dahang lumapit sa kanya sabay napapailing. Nakatutok parin sa akin ang spotlight pero hindi na ako kinakabahan. Mabuti na lang at hindi pangalan ang sinabi niya. Kundi baka kunin ko talaga ang kapangyarihan niya. I can take a power of others by using my magic.
"Ang ingay mo kuya," sabay tapik ko sa balikat nito. Kaya nakagalaw na ito. Nagulat naman ito ng nasa harapan na daw ako. Tsk! Bobo.
"Aurora, anong ginawa mo?!" inis na taong nito. Ngumisi naman ako at tumawa ng mahina.
"Pinatahimik ko lang yang bibig mo ang ingay-ingay kasi. Tsk!" ani ko. "Tara! Dalhin mo 'ko sa table mo kanina pa tayo na sa gitna at pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Mga chismosa pa naman 'yan," sabay aklay ko sa braso niya. Ngumiti naman ito bago tumango.
"Tara nandun din ang Monarchies at Keepers," ani nito. Pero nagtaka ako sa huling sinabi nito. Keepers? Sino na naman 'yun? Nagkibit-balikat na lang ako saka na sumunod sa kanya. Pagkarating namin doon ay sa malayo pa lang dinig na dinig ko na ang mga boses nila. May hindi pamilyar din sa 'kin na mga tao. Ito siguro 'yung mga Keepers na sinasabi ni Kuya. Napatingin naman ito sa amin.
"Oh! Grabe itong si Matt oh! Naka-chiks na agad? Iba ka talaga tol," parang timang na sabi ng isang lalake na sa tingin ko ay si Lance na kaibigan ni Kuya.
"Haha ulo! Kapatid ko 'to! Si Aurora," pagkasabi niya no'n ay otomatikong napasinghap sila. Pwera lang dun sa mga naka-cloak ng itim. Mukhang hindi nila ako kilala. Wala rin naman akong pake sa kanila eh.
"Au?! Oh my!" sigaw na sabi ni Clarisse at napatayo pa ito sa upuan niya sabay lapit sa akin at yakap. Para naman akong hindi makahinga dahil ang higpit ng yakap niya.
"Aray! Hindi ako makahinga teka lang," kumalas naman ito at tumawa ng mahina. Ang sexy at ganda nito sa suot niyang long black gown with long slit sa may kanan na paa. Klaro rin ang paggiging curve ng katawan nito.
"Sorry, hindi ko lang talaga akalain na bagay na bagay sa 'yo ang damit na 'yan," gigil na sabi nito. Napatingin naman ako kay kuya ng tumikhim ito.
"Ehem, pwede bang maupo muna tayo?" tanong nito kaya tumango ako dahil parang mangangalay ang mga paa ko. Medyo mataas pa naman ang hill nito.
"You look gorgeous tonight tulo laway girl hahaha," pang-iinis naman ni Lance. Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Shut up. Will you?!" inis na sagot ko dito. Pero tumawa lang ito. Baliw talaga't hindi nagbabago.
Tumahimik naman ang lahat. Nararamdaman kong parang hindi sila ok? Ang akward ng atmosphere. Parang may something sa mga tao dito.
"Hi I'm Zechariah. Keeper of Light. Jack is my couzin and nice meeting you," pormal na ani ng isang babae na may sobrang puti na kulay ng buhok at porselanang balat. Ngumiti naman ako ng tipid at tumango. Hindi naman kasi siya naglahad ng kamay.
"I'm Lucas. Keeper of Fire. Nice meeting you," nakangiting sabi nito.
"I'm Iris," napatingin naman ako sa babaeng nag salita.
A beautiful one.
May mahaba't straight itong buhok na kulay asul. Royal Blue. At mga mata nitong parang dagat na kay linaw na kulay asul. Para siyang isang prinsesa.
"A keeper of Water," sabay lahad ng kamay nito. Tinignan ako nito na para bang isang normal na bagay. Isang normal na tingin ang ipinupukol nito sa akin. Inabot ko naman ang kamay ko at nakipagkamay. Nabigla naman ako ng nagpalabas ito ng tubig at pinalibutan ang dalawa naming kamay na magkahawak. Humihigpit ito.
"Iris!" sigaw sa kanya ni Jack pero hindi man lang ito nakinig. "Stop it Iris. You'll hurt her!," sigaw ni Jack sa kanya. Nakakaramdam na rin ako ng sakit dahil sa higpit nito na parang isang lubid na habang tumatagal ay lalong humihigpit.
"Nasasaktan ka?" nakangising usal nito. Hindi ko alam kung anong problema ng babaeng 'to. Hindi ko siya inaano ng aano siya eh. Itinaas ko naman ang kaliwang kamay ko.
'Sip,' usal sa isipan ko. Dahan-dahan namang umaangat ang kapangyarihan na tubig niya sa ere. Wag niya akong susubukan baka't iba ang magawa ko sa kanya.
"Don't try me Miss Iris," ngising usal ko. Lumiwanag ang kamay ko sapat na para mahigop ko ang tubig na kapangyarihan niya. Pag ako ang sinubukan niya talagang malilintikan siya. Pasalamat siya't hindi ko kayang manakit.
"Bakit hindi mo ako subukan? Para malaman natin kung sino ang malakas sa 'tin. Try me Miss Peters. Subukan mong talunin ako at ibibigay ko ang gusto mo."
"Wala naman akong gusto eh," simpleng usal ko. Baka siya may gusto.
"Haha! Don't fool me, Miss. I know you like Jack," ngising usal nito.
"Why do you know? Are you sure you know what I really know? Nakakasiguro ka bang gusto ko si Jack?"sabay pabatong binitawan ko ang kamay niya at na-upo dahil parang nanghina ako sa ginawa ko. Nawala naman ang ngisi nito.
"Sino ka ba, ha?" inis na tanong niya.
"Aurora Peters," ani ko.
BINABASA MO ANG
Fantasia de Academia (Book One)
FantasySa lawak ng Fantasia de Academia at halos kasing laki ito ng isang syudad ay paniguradong maliligaw ka. May isang babae na nagngangalang Aurora Peters, ordinaryong babae kung titignan sa panlabas na kaanyohan. Pero may itinatago pala. Kung sanay na...